CHAPTER 2


"The Gig"


Nakabili na ako kanina ng damit para sa gig. At ngayon ay isusuot ko na dahil 8 pm na at isang oras na lang ay magsisimula na kaming tumugtug sa east wood.


Kinuha ko ang damit sa paper bag at isinuot ito. Naglagay ako ng light make-up then inilugay ko lang ang medyo kulot kong medium-length blonde hair. And tadaaa! Tapos na ako, i'm ready to sing.


"Mara? Ready ka na ba? Nandito na ako."


Guess niyo kung sino yun? Of course, sino pa naman ba ang pinaka excited sa gig bukod sa akin? "I'm coming Jane."


I answered. One last look on the mirror and i'm ready. Bumaba na ako dala ang car key. Tumayo na din si Jane mula sa kanyang pagkakaupo sa sofa. I turned around in her front.


"So? How do I look?" I asked her. Tinignan niya ako from head to foot.


"You look stunning. Hindi ka mukhang teacher." Kumento niya.


"Alangan namang mag-uniform ako sa gig? Dapat lang maging gorgeous ako para naman maraming ma-attract sa banda namin." Sabi ko.


 Then we drove to eastwood.

Pagdating namin doon, marami-rami na ang mga tao. Nakita ko ang mga ka band mates ko na nag-aayos ng gamit sa mini stage ng bar.


"Pupunta lang ako doon Jane." Sabay turo ko kanila Nathan.


"Sige, i'll find a seat para mamaya."


Pumunta na ako sa stage.

"Ganda natin ngayon ah." Sabi ni June, bassist namin.


"Ngayon lang ba? Sa pagkakaalam ko maganda si Ate Mara every gig natin." Kumento Ni James---ang crush ni Jane.


"Mga bolero! Sige pagkaisahan niyo lang ang ate niyo." Gumalang naman sila, teacher kaya ako sa school na pinapasukan nila pero hindi ko naman sila naging student.


"Tama na nga yang pang-aasar niyo kay Mara." Nathan said as he put on the strap of his guitar.


"By the way Mara, you look stunning." He said.


"Suus, kaw talaga Nathan." Stunning?? Ganun na ba talaga ako kaganda? Haha.


"James, kasama ko pala si Jane, co-Teacher ko." Sabi ko sa kanya sabay ayos ng earphones ko.


"Kilala ko siya. Bakit?" Tanong niya.


"May crush yun saiyo." Pagkasabi ko nun ay bigla na lang namula ang pisngi ni James kaya ayun napagdiskitahan ng grupo.


It's Gonna be LoveBasahin ang storyang ito ng LIBRE!