1

30 0 0

Lumabas ako ng classroom , tumingin ako sa baba kung saan nag P-P.E yung mga classmate ko , Naiinggit ako sa kanila , kahit kailan di pa ako nakatakbo ng ganung kabilis , ang pinakamabilis ko nalang na nagawa ay yung paglakad ko . Minsan naiiyak nalang ako paano kapag may mangrerape sakin? tas kailangan kong tumakbo? anong pipiliin ko ? paparape o atakihin nalang sa puso?

marami ng sumasagi sa isipan ko , kaya di ko na talaga kayang mapigilan na hindi umiyak . Sino ba naman kasing tao na may gustong sakit na katulad ng meron ako ? yung onting galaw mo lang e pwede mo nang ikamatay ? at di mo rin alam kung aabot ka pa pag nagkaasawa ka na ? o hindi ? kasi hindi na kaya ng puso mo?

napabuntong hininga nalang ako .

at bigla nalang nagising ang diwa ko ng biglang may katabi na pala ako , kaya nagulat ako nang makita ko siya

"J-jay ?! k-kanina ka pa ba diyan?" nakatingin lang din siya sa baba

"Easy lang wag kang masyado magulat diyan at baka sumama yang kalagayan mo " sabi niya nang nakatingin parin sa baba

tinitigan ko lang si Jay , Sideview maganda yung mata niya mahaba yung pilik mata , tas yung buhok niya patayo yung side ng buhok niya onti lang yung buhok yung taas lang yung makapal , tas yung ilong niya matangos , yung labi niya bagay bagay sa kanya maganda , Yung kilay niya ang Cool , kaso nagmuka siyang mayabang pero Hmmm Almost perfect face narin siya ,

"Baka matunaw ako ha , di ka ba papasok sa classroom? Ako kasi papasok na ,pumasok ka narin baka mapano ka dito " di lang ako nakapagsalita kasi bigla na siyang pumasok,kaso di ko ineexcpect na kakausapin niya ako at malumanay yung boses , kasi sa maniwala kayo o hindi , yung Mala anghel niyang muka ay  may pagkademonyong ugali siya . Yeah you read it right , Isa siyang Evilguy . Hmmm di siya masama like nangbubully nang aaway nagnanakaw , i mean , siya yung guy na mapang asar , mapangloko , mapang prangka , At ewan ko kung bakit yung ibang babae nagkakagusto dun e ang pangit pangit naman ng ugali tsss.

pumasok na ako sa loob at nakita ko siya nakaheaddown sa may malapit sa inuupuan ko and umupo ako . Mga ilang seconds nakaramdam ako ng awkward feelings . yung Aura kakaiba di ko lang kung bakit .

House.

"jay, a-anong ginagawa mo dito?! " Bigla niyang hinawakan yung kamay ko at biglang yinakap 

"G-gusto kita "

*pooook*

dahan dahan akong bumangon kasi pag sumigaw ako ng todo baka atakihin ako , mahirap na

T-TEKA?! TALAGA BANG NAPANAGINIPAN KO SI JAY?! hahahaha NO NO NO

p-pero bakit? bat bigla siyang pumasok sa panaginip ko? Ihhhhhh ano ba yan Nica !

bumaba na ako para kumain at makainom na ng gamot at maya maya pumunta na akong school .

Classroom.

"uy nics ano ba yan baka matunaw si Jay " bulong sakin ni Mary , kaya nagising na namn diwa ko , Sheeez kanina pa pala ako nakatingin kay jay ! ano ba yan!

Until the Day i DieBasahin ang storyang ito ng LIBRE!