Day 1

52 1 1

It's been a week, still hindi ko pa rin siya nakikita. Halos libutin ko na ang buong paaralan, suriin ang bawat classrooms at isa-isahin ang bawat estudyanteng lumalabas-masok sa school ngunit zero pa rin.

Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka multo talaga ang nakita ko pero kapag naaalala ko ang Golden Notebook niya, alam kong tao siya.

"Oy, Chard! Nakikinig ka ba sa akin?! I have some fresh baked news for you!" Pang-iistorbong tawag sa akin ni Yeoll. He's one of my childhood bestfriends, gaya ko rin tarantado, basagulero pero babaero. Anak siya ng business partner ni Daddy so close talaga kami.

"So, what is it Yeoll Chan?! Better be good or else.." Pananakot kong pahayag sa kanya habang nakatingin pa rin sa mga estudyanteng dumadaan dito sa cafeteria.

"Chill! As if naman matatakot ako sa iyo. Anyways, nakakuha na ako ng information about that girl your looking for. Setti Montes right?" Bigla akong napalingon sa kanya at tumango-tango.

"Continue." Pag-uutos ko, ginaganahan talaga ang gago na bitinin ako. Tsk.

"So yeah, ayun sa record na nabasa ko Senior din siya katulad natin. Sa ibang section nga lang napabilang pero, tangnajus pre! Saan ba siya nagtago at di man lang nahagilap ng mata ko ang kagandahan niya. Araay!" Hindi pa sapat ang batok diyan. Babaero talaga nito, sa tantya ko halos kalahati ng populasyon ng babae dito pinatulan na niya.

"Shut up! Anong section ba siya?! May isasauli lang ako sa kanya. Bilis!" Naiinip na talaga ako sa gagong ito. Pinapahaba pa ang usapan.

"Sa tabi lang ng classroom natin. Putahamnida! Sakit ng batok mo ha! Hindi ko naman aagawin, ika nga, walang talo-talo pre. Tara na nga." Seryoso niyang saad. Iyan ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay close pa rin kami. Kahit kasi basagulero, nirerespeto namin ang isa't-isa.

"Sasama ka?" Hinila niya kasi ako papunta sa building ng mga seniors.

"Why not? I wanna meet her. The new Queen of VElites Academy!" Kumunot ang noo ko. At nakuha ko naman ang ibig niya. Lakas ng radar ng mokong ito!

"What?! Hey you got it wrong pre. I just want to return her notebook, nothing else." Depensa ko sa sarili ko.

"Really? Kaya pala last week ka pa naghahanap sa kanya na parang tuta. Halughugin ang buong campus at utusan akong iseduce ang nerd na nakaassign sa registrar office to get information about her! Tangnajus mo pre! Ako pa talaga ang inuto mo. Kilala kita Chard Loyde Vega. Alam kong interesado ka sa babaeng iyon. Para saan pa ang effort mo kung pwede naman iyang i-turn over sa Lost and Found Booth." Nabisto na talaga. Sa totoo lang talaga, after ang insidenting iyon sa gubat ay di na siya nawala sa isip ko. Kahit anong isip na ipagwalang bahala ay nauuwi sa paghahanap sa kanya. Never pa akong nagkaganito, even sa mga past girlfriends ko. The urge to look for her is greater and stronger. It feels foreign but soothing somehow.

Narito na kami ngayon sa classroom ng Senior-Emerald. Iyan ang tawag sa year and section sa VElites Academy. Obvious naman na ang V ay stands for Vega, yeah we own this school. Yeoll and I  were from Senior-Ruby class. Every year level is divided into four sections such as Ruby, Emerald, Pearl, and Diamond. And the year level is called Freshmen for first, Sophomore for second, Junior for third and lastly Senior for fourth level.

"Earth to Chard!" Narinig kong sigaw ni Yeoll sa akin habang winawagayway ang kanyang dalawang palad sa harapan ng mukha ko.

"What?!" Naiinis kong tanong sa kanya. Napapansin ko na talagang parati akong space-out. Tsk.

"Now you're mad imbes na ako! Im talking to you and you're not even paying attention! Putahamnida you." Nakanguso pang saad niya. Minsan talaga naiisip kong manok itong si Yeoll sa nakaraang buhay, talak ng talak!

25 Days With HerBasahin ang storyang ito ng LIBRE!