“Gareth…”

“Your brother was maybe a control freak, Nicole. But he’s good when it comes to look after things. Especially, you. Na dapat ako ang gumawa. Kaya sana mapatawad mo rin siya,” nagsusumamo ang mga mata nitong nakatunghay sa kanya.

Will she forgive her brother for meddling into her love life? Maybe not. Maybe yes. But for now, she wanted to embrace the man she loves. She wanted to ease the pain she was seeing in his eyes. The one who suffer the most from letting her go. Ito talaga ang mas nasaktan dahil hindi ito nakalimot hindi tulad niya.

“But why didn’t you tell me all of this before? Maybe we could at least make a fair decision if you did.”

“Mahirap sa akin ang sabihin sa ‘yo ang katotohanan. Baka hindi mo rin tanggapin ang mga paliwanag ko. Kapag ganoon baka hindi rin kita matiis. Kaya gumawa ako ng kwento at sinabi sa ‘yo na hindi na kita mahal dahil may mahal na akong iba.”

She winced at that memory. Yes, he had said that to her. At kahit umiyak pa siya sa harapan nito noon at magmakaawa ay hindi siya nito binalikan. Ang sabihin nito sa pagmumukha niya mismo na hindi na siya nito mahal ay isang bangungot sa kanya. She was in grave of pain the time he broke up with her. Halos araw-araw niyang pinupuntahan ito para lamang sabihing balikan siya. Pero hindi nito ginawa. Hanggang sa nalaman niya ang pag-alis nito ng Amerika papuntang Pilipinas. Hinabol niya ito sa airport ngunit hindi na niya ito naabutan pa. At sa pag-uwi niya pabalik ng bahay doon nangyari ang aksidente…

She hardly gasped. She shook her head. Naramdaman niya ang bahagyang pananakit nang sentido niya ngunit hindi niya muna pinansin iyon. Sunud-sunod na naglandas ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan. But Gareth wiped away those tears immediately by planting a feathery kiss on her both cheeks.

“I’m sorry, sweet cake. Please, forgive me. Kung sinabi ko rin kasi sa ‘yo noon ang lahat. Sa tingin mo papayag kang palayain muna kita kahit saglit lang? You could say yes, but sa estado ng isip mo noon, wala kang ibang pakikinggan at susundin kundi ang gusto mo. Ang makita ang tama sa mali ay hindi mo na alam. Maaaring puntahan mo rin ako kung alam mo kung nasaan ako. You are so in love with me, Nicole. And you wanted to stick with me like forever,” he grinned.

Nagawa pa talaga nitong magbiro sa kalagitnaan nang pag-iyak niya. Anyway, that’s one of his charms. Pabirong hinampas niya ito sa braso na ikinatawa lang nito. Pero alam niyang tama ito. She was so in love with him. At iyon lang ang gusto niyang maramdaman noon. Ang makasama sa bawat sandali ang taong ito na siyang pinakamamahal niya. Wala na siyang pakialam sa iba pang bagay sa paligid niya. She lost her social life back then. She always rejected Aiza’s invitation for going out dahil mas gusto niyang makasama araw-araw ang lalaking mahal niya.

“You’re right. Hindi rin naman kasi kita matitiis na hindi makita. Siguro nasasakal ka sa akin noon. Hindi mo kinaya ang presensiya ko kaya nakipaghiwalay ka na,” ganoon nalang ang lungkot na bumalot sa kanya.

“No. Being with you always was also what I want. Pero hindi kita pwedeng ikulong nalang basta sa mundo ko. We were so young then and we still have time in the world to explore. I want you to fly like a bird. A free bird. Discover everything in this world. I don’t own you, Nicole. And I want you to be happy doing what you really want to do with your life. We could be together. Pero iyong kaya mo paring kumilos sa sarili mong desisyon nang hindi kinukunsulta ang lahat ng gagawin mo sa akin. I maybe like that side of you. But do you really like losing your real self?” Gareth’s eyes were so intent while gazing down at her.

My Little Stranger (ROUGE HEART SERIES: BOOK 2) "Completed"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon