CHAPTER NINE

5.2K 138 6

WHEW! HEY, GUYS! TANTADADANDADAN! HERE COME THE SECOND CHAPTER BEFORE THE ENDING! YOSH! DON'T FORGET TO VOTE AND GIVE YOUR COMMENTS.... MARAMING SALAMAT PO SA MGA NAGBABASA NG GAWA KONG ITO! SEE YOU AROUND, GUYS! GOD BLESS YA ALL! LOVE YA! HAHA MAKA-SLANG LANG ;-)

HINDI napigilang umiyak ni Nicole matapos ipagtapat ni Gareth ang lahat sa kanya. After the passionate kiss he had given to her, he started to tell her everything bago pa sila tuluyang mawala sa kanilang mga sarili. He told her his reasons for leaving her before. At some point, she didn’t know what she should be feeling towards her brother. May kinalaman kasi ang Kuya Fitz niya sa pag-iwan sa kanya ni Gareth noon. She should know that her brother was a control freak bastard. He lives on earth just to meddle into others business. Higit sa lahat, siya na kapatid ang dapat nakakaalam ng ugali nitong iyon. Tama man ang ginawa nito, wala parin itong karapatang pangunahan siya.

“I hate him,” she sobbed.

“No, Nicole. You shouldn’t have. He just wants the best for you. Kung ako ang nasa posisyon niya noon at nakikita ko ang kapatid kong nawawala na sa sariling direksyon dahil sa isang lalaki. Gagawin ko rin ang ginawa niya.”

“Sinira niya parin ang relasyon natin.”

“No. He just wanted her old sister back. Pansamantala lang naman talaga ang palugit na ibinigay niya sa akin. Dahil babalik rin ako kapag buo ka na ulit. Hindi lang niya nasabi sa akin ang aksidenteng nangyari sa ‘yo matapos kong lumayo. I shouldn’t forgive him for that. But the fact that he still do our deal na pangalagaan ka habang wala ako. Maaari kong malimutan ang kasalanan niya depende narin sa mga mangyayari,” makahulugang wika nito. “He really loves you at saludo ako sa kanya dahil doon. At tulad niya, iyon din ang gusto ko noon. Hindi ako nagdalawang-isip na sumang-ayon sa kanya. You said before, that you want to be a successful business woman. But when we’re into a relationship, all your time was given to me. Naroong kahit saan ako magpunta gusto mo kasama kita. You became a clingy woman. And even I’m enjoying your company. It’s not healthy for you na laging kasama ako saan man. You should at least give a time for yourself. Itinatanong mo noon sa akin kung gusto ko ba ang mga ginagawa mo. You always consult me even you could decide it for yourself. At nalulungkot akong nakikita na unti-unting nawawala sa akin ang babaeng una kong minahal. You’re born a smart, brave and confident but then, you lose yourself because of me. And that’s unacceptable in my part. When you’ve got into my hands, that confident girl was gone. At sinisisi ko ang sarili ko noon.  Dahil napabayaan kita. Iyon din ang nakita ng kuya mo noon. Nagsawalang-kibo ako noong una dahil masaya naman talaga akong kasama ka. Then you’re brother talk to me and told me what he had noticed in you. You’ve changed a lot. As far as I don’t want to let you go, I have to. I can’t bear you lose yourself because of me. I love you up until now. Kaya kahit masakit pinalaya kita. And now, I’m thankful that I’ve made a right decision, Nicole. You’re back as real as you. At natutuwa ako nang muli kitang makita sa supermarket na sinadya ko naman—kahit na hindi mo ako maalala—at least nagbalik na ang dating babaeng inibig ko. You stand bravery on your own ground. And you are determined to reach your goal—owning a Martial Arts gym. That’s nice,” huminga ito nang malalim. “I hope you can forgive me, Nicole.”

Kitang-kita niya ang katotohanan sa mga mata nito. Hindi tuloy siya makapagsalita. But she knew she already forgive him now that she heard him said that he love her, still. Iyon nga lang siguro ang sabihin nito siguradong bibigay na ang puso niya. He must have been hurt then.

My Little Stranger (ROUGE HEART SERIES: BOOK 2) "Completed"Basahin ang storyang ito ng LIBRE!