KABANATA XXIX

22 1 0

KEN'S POV

after 1 month

Natapos rin ang dalawang buwan

Yes, uwian na, yey

Excited na ulit akong makita si Monica

Pagkababa namin sa school......

"Oy kita na lang tayo next Monday huh ?" nagyakapan na kaming tatlo

"sige mga tol"

Excited akong sumakay ng kotse ko na nakapark lang sa school buong dalawang buwan

Inistart ko ang engine at nag umpisa ng magdrive

Dumiretso kaagad ako sa bahay nina Monica kaya lang si kuya Migz lang andun kaya dumiretso na lang ako sa kwarto

Haay namiss ko to...

Humiga na muna ako sa kama, kapagod rin magbyahe eh

Maya maya rin lang, nagbukas yung pinto at nakita ko mismo sa mata ko ang akbayang Monica at Gino

Kumulo ang dugo ko

"Uy si Ken oh ? andito na siya" –Gino

"Uy Ken, good to see you back, kakarating mo lang ba ?" lumapit sila sa akin

Nagnodnod na lang ako, badtrip eh

Niyakap naman ako ni Monica

Pero yung hinihintay kong sasabihin niya hindi niya nasabi

Dati naman nung nakidnap siya sabi niya namiss niya ako ng sobra, pero bakit ngayon parang isang araw lang kaming hindi nagkita

Kakatampo

"magpahinga ka muna Ken, alam kong pagod ka sa biyahe" nagfake smile na lang ako

Hindi ko gusto inaakto niya

Bago siya lumabas ng kwarto..

"oy Gino yung usapan ah ? hahaha bye" at sinarado niya na yung pinto

"hahaha baliw talaga yun" 

Ako yung nawala ng dalawang buwan tapos mas priority pa ata niya ngayon si Gino. Ang ineexpect ko kakamustahin ako ni Monica, hahalik halikan kasi namiss niya ako, mga ganung bagay ? Pero wala eh, walang nangyaring ganun. At nung dumating pa sila dito, nakita ko silang magkaakbay, may iba na akong nararamdaman ah

At bakit tong si Gino ? hindi naman to marunong tumawa ah tapos ngayon, abot Mindanao tawa niya

At si Monica bigla nagbago pakikiusap niya sa akin

Ano bang nangyari dito nung nawala ako

Hays

"kamusta Ken ?" biglang tanong ni Gino

Oh kita mo ? daming nagbago dito kay Gino

Dati rati naman hindi marunong mangamusta yan

"okay lang, eh dito, kamusta dito ?" tanong ko rin

"walang pinagbago bro, buti naman at andito ka na" sabi niya sa akin at tumabi siya sa akin dito sa kama at tinapik pa niya likod ko

Nakakapanibago tong lalaking to ah

"anong mabuti kung andito na ako ?" 

"suplado mo naman brad" 

Siya pa talaga nagsabi niyan ah

Bigla kasi kaming nagpalit ng ugali

"badtrip ako sayo" galit kong sabi

"kakarating mo lang galit ka agad sa akin, tarantado ka pala eh" nag uumpisa na rin siyang magalit

United LoveBasahin ang storyang ito ng LIBRE!