Chapter Three

61.7K 1.1K 20

Be a good girl.

Iyon ang pilit na iniisip ni Krystinia habang napapalibutan ng mga kababaihan na walang ibang pinag-usapan kung sino ang bagong guwapong modelong nasa billboard ng EDSA, ang bago sa fashion o kung sino ang mga magnobyo o mag-asawa na magkahiwalay na. Hindi siya makapaniwala na napapasama siya sa grupo ng mga ito. They made her feel old and brainless. Bagamat sa sirkulong ito siya umiikot, she was not into gossips and petty conversations. Pwede namang pag-usapan ang kagandahan sa mas mataas na antas pero hindi yata kasama sa kagandahan ang pag-usapan ang buhay ng ibang tao.

Pero wala naman siyang ibang pagpipilian. Isinama siya ng ka-date niyang si Ludwig sa birthday party ng anak ng isang Congressman sa Laguna. Ito ang napipisil ng ama niya para sa kanya dahil si Ludwig ay bunsong anak ng Congressman ng Quezon City kung saan naroon ang pabrika ng Ageless Beauty. Pangatlong date na nila iyon at nagsisimula na siyang mapuno. Did she really leave Ageless Beauty for this kind of idle life?

Pagka-resign sa Ageless Beauty ay sinundo agad siya ni Serafina para dalhin sa spa at salon. She had a total makeover. Gone was her cool and professional look. Ipina-layer and buhok niya at pinakulayan ng burgundy ang buhok niya. She looked modern and sophisticated. Napalitan na rin ang wardrobe niya. Ang mga conservative niyang damit ay napalitan ng mas makukulay at mas sensual na disenyo. May nakalinya na rin na makaka-date niya pero si Ludwig ang best bet ng papa niya. Mahigpit ang bilin nito na dapat ay maging perpekto siya para kay Ludwig. She was trying her damn best. Pero si Ludwig ay malayo sa pinapangarap niyang lalaki. He didn’t make her feel special and beautiful. He made her feel neglected. Heto nga at iniwan siya nito sa company ng ibang mga bisita at hindi niya alam kung saan ito nagsuot.

Ito na ang huling beses na lalabas siya kasama ito. Wala siyang pakialam kung magalit man ang papa niya. Surely there were other ways to please her father. At sana naman ay di lang si Ludwig ang lalaki sa mundo. Siguro naman ay may ibang lalaki diyan na mas matino at hindi ipaparamdam sa kanya na wala siyang halaga.

She excused herself with the group. Oras na para hanapin niya si Ludwig. Itinuro siya ng host nila sa gaming room kung saan kasama daw nito ang ibang mga kaibigan.

Narinig niya ang mga tawanan sa loob ng kuwarto. May mga bumagsak din na poker chips sa mesa. Malamang ay naglalaro ang mga ito ng poker. Akmang kakatok siya nang marinig niya ang usapan ng mga ito na nakapagpatigil sa kanya.

“Pare, akala ko ba wala kang babaeng di napapainit? This is your third date and you don’t even get to kiss her?” narinig niyang tanong ni Tony, anak ng congressman ng Cavite. “Talo ka sa pustahan kung ganoon. And you must see a shrink. You must be sick or something. You are losing your touch with women.”

“Hindi naman babae si Krystinia. She’s a statue made of ice. She leaves me frozen. Maganda nga siya at matalino pero pakiramdam ko isa siyang robot kapag kasama ko siya,” sabi ni Ludwig na sadyang idinidiin na pinagtitiyagaan lang nito ang company niya. Robot? Ice statue? Sino ba naman ang di manlalamig sa tulad nito? Hangin lang ang nasa loob ng bungo nito. Wala itong interes sa business, economics at politics. Ang gusto lagi nitong idiin ay kung gaano ito kaguwapo at kung gaano karaming babae ang naaakit nito.

“Pero pakakasalan mo pa rin siya?” tanong ng isa sa barkada nitong anak ng isang negosyante at tatlong beses nang na-kickout sa university.

“Why not? Gusto rin siya ng mama at papa ko. Sa kauna-unahang pagkakataon ay di nila ako sinita sa ka-date ko. Of course, she was handpicked.”

“Paano ang sex life mo?” tanong naman ng isa pa na anak sa labas ng isang mayor sa  isang dating starlet at minsan nang naeskandalo dahil sa hiwalayan ng isang artista at asawa nito.

“I am sure she won’t mind if I will get it someplace else since she couldn’t provide me with a hot, steamy sex. She will tolerate it. After all, koneksyon lang ng pamilya ko ang kailangan niya. I won’t even entertain her in my bed. She’s so haughty. She could easily unman me with her coldness. Magpasalamat na lang siya na nagtitiyaga siya sa akin.”

“If it’s any consolation, she’s good for business. Matalino siya.”

“Which is insulting on my part. Ipinaparamdam niya sa akin na mas matalino siya sa akin at mas may silbi. Come on! Sino ang may gusto sa ganoong klaseng babae? We want our women pliant and ready for bed. Not someone who will discuss with spreadsheets and sales report while doing the foreplay. I will definitely get a mistress. Or better yet mistresses to heat things up.”

“Condolence, pare.”

Condolence? Kung kamatayan ang turing ng mga ito kung sakaling pakakasalan niya si Ludwig, mas lalo naman siya. Hindi nga siya makatagal na makasama ito sa tatlong dates, pakakasalan pa kaya niya ito? He was not a big catch after all. Major turn off sa kanya ang lalaking mangilan-ngilan na lang brain cells.

Gusto niyang  pumasok sa loob ng gaming room, kaladkarin si Ludwig palabas at ihulog sa pinakamalapit na hukay para gawan niya ng pabor ang mundo. But she was a lady. Hinding-hindi siya gagawa ng eksena pero ito na ang huling pagkakataong may tatrato sa kanya na parang basahan.

Lumabas siya ng balkonahe para sumagap ng sariwang hangin. Gugustuhin pa ba niyang maulit ang karanasang ito? "I can't do this anymore! Ayoko na!" gigil niyang wika.

"Trouble in paradise, Miss?"

"It's none of your..." Nabitin ang sasabihin niya nang makita ang nagmamay-ari ng boses. He was tall. Almost six feet tall. And she could say that he was beautiful in a very manly way. Di niya mapigilang higitin ang hininga niya nang mapagmasdan ito. Ang ilaw ng balkonahe ay nagpalamlam sa mga mata nito. He had a patrician nose. He had the most beautiful smile. Pumitlag ang puso niya dahil sa palagay niya ay napawi ang masamang mood niya sa magandang ngiti nito.

Swabe ang galaw nito nang naglakad palapit sa kanya. "You must be bored and your date is missing. Such a waste for such a lovely night, don't you think?"

Baby, Be Mine -Published under PHR and Finalist of Filipino Readercon 2014 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!