Chapter Two

66.3K 1K 16

Paglabas niya ng opsina nito ay ay nakasalubong niya si Thirdy. Nakasuot ito ng sando at gym shorts at pawis na pawis. Mabuti pa ito nagagawa lang mag-relax habang siya ay parang pinagbagsakan ng mundo. "Krystinia, bakit ka umiiyak? May problema ba sa opening sa Davao at napagalitan ka ni Papa?"

"No. Everything was perfect. At bilang kapalit, sinesante ako ni Papa para daw makapag-asawa na ako."

Isang malakas na halakhak ang pinakawalan nito. "That's crazy."

"Pwede mo bang sabihin sa kay Papa na kalokohan lang ito?" pakiusap niya. Hindi niya alam kung anong gagawin niya kapag wala ang Ageless Beauty sa buhay niya. At sa palagay niya ay ang kapatid lang niya ang makakakumbinsi sa ama niya.

Nagkibit-balikat ito. "Wala akong magagawa sa desisyon ni Papa. Sa palagay ko rin oras na para mag-asawa ka. Mawawala ka na sa kalendaryo. Manang na ka na nga."

Ano pa nga bang aasahan niya? Her brother was another yes-man as well. At tulad ng ama niya ay makaluma din ang pananaw nito mapa-negosyo man o babae.  

"Ayaw mo bang pagtulungan natin ang pagpapatakbo sa Ageless Beauty?" tanong niya.

Tinapik nito ang ulo niya na parang isa siyang batang paslit. "Kaya na namin ang pagpapatakbo sa kompanya. Hindi mo na dapat isipin iyon. Isipin mo kung paano mo mae-enjoy ang buhay mo. Look at you. Mukhang mas matanda ka pa sa akin. Paano ka magkaka-boyfriend niyan?"

Nagkulong siya sa kuwarto niya sa sobrang sama ng loob. napahagulgol na naman ng iyak. How could they treat her like this? They were insulting to the core. Parang gusto niyang pag-umpugin ang tatay niya at kapatid niya pero wala rin siyang magagawa. Ang mga ito ang nagpapatakbo sa pamilya. At mukhang kahit anong gawin niya ay hindi siya makikita ng mga ito bilang isang matalino at mapapakinabangang babae.

“Thirdy, bawiin mo ang sinabi mo!” saway ni Serafina na may dalang tasa ng tsaa. “Hindi mo dapat sinasabi iyan sa mga babae lalo na sa kapatid mo.” Inilapag nito ang tasa sa kalapit na mesa at niyakap siya. "Tumahan ka na. Papangit ka."

“Mommy, isa ka pa. Pinapaiyak mo rin ako,” sabi niya at pinahid ng likod ng palad ang luha niya.

“Hindi ako ang nagpaiyak sa kanya, Mommy. Si Papa ang nagpaiyak sa kanya. Sinesante siya sa trabaho para makapg-asawa na.”

“Halika sa garden. Doon tayo mag-usap,” sabi ni Serafina sa kanya at nagmartsa patungo sa garden.

Nang makaupo sa garden set ay pinainom siya nito ng tsaa para kumalma. Hindi niya alam kung makakatulong ang tsaa para huminahon siya. She felt drained and tired. Parang nasa gitna siya ng kawalan. Ngayong wala na siya sa Ageless Beauty, anong buhay ang naghihintay sa kanya?

Isinubsob niya ang mukha sa palad. "Mommy, pinaghirapan ko ang trabaho ko. Ganoon-ganoon lang niya ako tatanggalin? Dapat nga i-promote pa niya ako sa dami ng mga accomplishments ko. Bakit ginagawa niya sa akin ito?"

“He wants you to get a life.”

“Ageless Beauty is my life.”

“Iyan mismo ang dahilan kung bakit gusto niyang mawala ka sa Ageless Beauty. Wala ka nang buhay bukod sa kompanya. Hindi mo na naisip ang sarili mo.” Ginagap nito ang kamay niya. "Huwag mong isipin na di naa-appreciate ng ama mo ang lahat ng nagawa mo. Sobra-sobra pa nga. Ako ang unang nagsabi sa kanya na nababahala na ako para sa iyo. Ni wala kang social life. Ilan na bang kaibigan mo ang sumuko sa kayayaya sa iyong lumabas? Isinubsob mo na ang sarili mo sa trabaho. Oras na para isipin mo ang sarili mo. Ngayong wala ka nang trabaho ay may oras ka nang mag-shopping, mag-relax at makipag-date."

Napangiwi siya nang maisip ang buhay na sinasabi nito. Some of the heiresses she knew had that kind of lifestyle. Not very appealing. "Wala po akong hilig sa ganyan."

Tinapik nito ang kamay niya. "Oras na para sarili mo lang ang isipin mo. Isipin mo na nagbabakasyon ka lang."

Umiling siya. “Mommy, gusto ko po talagang magtrabaho.”

"Saka mo na isipin ang trabaho. Sasaya ang papa mo kung sa wakas ay magpapakasal ka na at magkakaroon ng anak. Nang nakakaraang party ka pa itinatanong ng anak ni Congressman Logarta. How about we set up a date for you two? Tiyak na masisiyahan ang papa mo."

Bumagsak ang balikat niya. "Hindi ko po gusto ang ganito." Parang walang saysay ang buhay niya. She thought she was more than that.

Tipid itong ngumiti. "Subukan mo lang para sa Papa mo. Hindi ba gusto mong sumaya siya?"

Tama nga ba ito? Kapag sinunod niya ang gusto ng papa niya ay mas mapapalapit ang loob niya dito? Wala naman sigurong masama kung susubukan niya. Marami na siyang naisakripisyo para sa atensiyon nito. Gasino ba ang kaunting sakripisyo pa?

"Okay. Susubukan ko po,” aniya at pilit na ngumiti.

Tinapik nito ang ulo niya. "Good girl."

Baby, Be Mine -Published under PHR and Finalist of Filipino Readercon 2014 (Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!