Ako na po yata ang pinakamaswerteng cute na bata sa balat ng lupa.
Eh bakit po ba?
Aba siyempre naman po! Napapaligiran ako ng mga taong nagmamahal sa akin ng sobra.
May daddy akong saksakan sa yaman at pogi. (Eto ibubulong ko lang sa inyo baka marinig ni Mommy, karamihan sa mga mommies ng classmates ko at babaeng teachers ko ay kinikilig kapag nagpupunta ang Daddy sa school.) My Daddy is super malambing, super mabait, super understanding and super love niya ako! Yes, he is my superfather.
Siya ang kakampi ko kapag kapag pinapagalitan ako ni Mommy (pero secret lang daw kundi lagot din siya kay Mommy hihihi). Kahit lagi siyang busy, kami pa rin ni Mommy ang priority niya sa lahat. He always says I'm his one and only princess and Mommy is his one and only queen.
Ang mommy ko naman.... Well, siya lang naman ang most lovable Mommy in the whole wide world! I can't live a day na wala siya sa tabi ko. Sobrang maasikaso, mapagmahal at suuuuuuuuper protective. Sabi nila, we're one of the richest pero hindi ko yun makita sa mommy ko kasi ang simple-simple niya lang. Di siya kagaya ng ibang mga mommies sa school na parang laging may fashion show o party na pupuntahan. She only wears expensive dresses and jewelries kapag may importanteng okasyon. She's a full-time mom. Pati nga sa paghahatid-sundo sa akin sa school siya pa rin ang gumagawa. At siya rin ang personal driver ko! Marami kaming maids. Pero pagdating sa pag-aasikaso sa akin at sa Dad ko, si Mommy lahat ang gumagawa. Nagagalit siya pag nakikialam ang mga katulong.
Pero may isusumbong ako sa inyo tungkol sa Mommy ko. Haaaayyy... Minsan ang higpiiiiiiit-higpit niya. Maraming bawal lalo na pag naglalaro ako ng mga pang-boys. Pwede ba namang hindi ako maglaro ng pang-boys? Eh yun nga ang masasarap at exciting laruin kesa mga barbies at doll houses! Buti na lang kasabwat ko si Daddy. We play secretly kapag di nakabantay si Mommy.
'Cassandra Marlene! Don't do that...Don't do this' she always says that pero eto talaga ang paborito niyang sabihin kapag pinapagalitan ako 'Don't be a spoiled brat!'. Hays... kung ang Daddy gusto akong gawing Princess Anna ang Mommy naman gusto yata akong gawing Pocahontas. She teaches me how to do many things on my own and to be independent. Minsan para siyang army kung magdisiplina but Daddy explains to me why Mom's like that. He said she wants me to grow up as a good person kaya naiintidihan ko na siya.
We are happy family. But just like any other families, we're not perfect too. Meron din kaming pinagdaanang malaking problema. Sabi nga ng teacher ko, pag sobrang blessed daw madalas ay maraming naiinggit. That's what happened to us. There were bad people who planned to destroy our family. They tried to create problems para maghiwalay ang Mommy at Daddy ko. And they even tried to hurt me.
But thanks to them. Dahil sa ginawa nila, we even became stronger now. I witnessed how my parents deeply love each other. Lalo na ang Daddy ko, grabe mahal na mahal niya pala talaga ang Mommy. Pero, alam niyo ba kung ano talaga ang nadiscover ko dahil sa naging problema namin? Especially when some bad guys tried to hurt me.
I was shocked... Wow! Ang astig pala ng nanay ko!
BINABASA MO ANG
Ang Misis Kong Astig!
RomanceThe final book of ASTIG SERIES... Married life of extraordinary couple Blake and Alex Monteverde with additional spice from their naughty cutie daughter Cassandra Marlene. Ang Alalay Kong Astig- Book 1 Ang Syota Kong Astig- Book 2
