Pasasalamat

309 7 12
                                    

Ika'y lubos na kahanga-hanga.

Ako sa iyo ay natutuwa.

Kadaldalan mo'y walang panama.

Daig mo pa ang kupidang walang pana.

Puso mo'y kay busilak,

Daig mo pa ang pilak,

Salamat at ikaw ay nagpaunlak,

Pakikipagkaibigan sa iyo'y nakakagalak.

Nais ko lamang na iyong mabatid.

Paghanga't turing sa iyo'y parang kapatid.

Nawa ikaw ay huwag magbago.

'Pagkat ako sa iyo ay saludo.

Mula sa kaibuturan ng aking puso.

Ako'y nagpapasalamat sa iyo,

sa kakwelahan at mga payo mo.

Ako'y naging bukas isip at natuto.

~Thoughts and poems~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon