🐈🐀 1

67K 628 126
                                    

CHAPTER 1

Russel Ashton Tryze 'Rat'

HC Medical City

Dr. Rat Velaroza, Ob-gyn, M.D.

"Congratulations, Mrs. Melody Aidelle Zabarte your first baby is a healthy baby boy." Nakangiti silang nakatingin sa monitor ng asawa niyang si Mr. Hendrick Javadd Zabarte. Today is the schedule para malaman if ano ang gender ng baby nila. And they're looked so happy. Dapat lang.

"Kita mo! Tama ang pusta ko, humanda ka sa'kin mamaya. Gusto mo pa baby girl ah. Mas magaling ka pa kasi sa'min ni Mom?" reklamo ng ng babae.

Niyakap lang ni Mr. Zabarte ang asawa niya.

Masaya naman ako for both of them.

Kaso lang...

Ang sakit nila sa mata. Seriously, pwede naman mag-drama ng ganyan pagkalabas nila ng clinic ko. Kaya minsan ayoko rin na pinapasok ang asawa ng buntis na pasyente ko para hindi ako nakakakita ng mga ganitong eksena.

After that ay niresetahan ko na si Mrs. Zabarte ng mga dapat niyang inumin na vitamins para maging healthy ang baby boy niya. At ni-sched ko siya for the next pre-natal check-up.

"Thank you so much Dr. Velaroza, sabi nila you're the best Ob-gyn here."

Tinanggap ko ang pakikipag-shake hands ni Mr. Zabarte.

"It's proven and tested." Nakangiting sagot ko.

Pero sa loob ko, ay talagang ako lang dahil wala namang kwenta ang ibang OBGYN dito dahil kapag ako na ang nakita ng mga buntis ay lumilipat na sila sa'kin. Mayroon pa nga, mga nagpapanggapna buntis para lang makita at makausap ako.

Aware naman ako na matipuno at gwapo ako pero masyado silang halata. Kaya madalas ay nakakairita.

Mabait ako sa mga babae na may dinadalang blessing sa kanilang sinapupunan. Sila ang mga babaeng dapat iniingatan. Kaya gusto ko minsan upakan ang mga lalaking tinatakbuhan ang mga nabuntis nila. Lalo na kapag may mga pasyente akong na-interview at minsan mga single mother, na pinabayaan ng mga partner. 'Yung mga tipo ng lalaki na after nilang masarapan ay magkakaroon na ng fun run. Mga peste ng naman lipunan.

Pinangarap ko na rin maging ama. Kaya nga wala akong girlfriend-for now, retired na rin ako sa pagiging playboy. I'm so done with those women. I love the idea na maging ama but sad to say hindi pa siguro ito ang oras at tamang panahon. I'm just waiting here.

Pagkaalis nila Mr. and Mrs. Zabarte ay pumasok naman ang Intern Nurse na si Marxia.

"What do you want?" rude kong bungad sa kanya.

"May manganganak na po, nasa delivery room na po." She said in a calm tone. Nasanay na yata sa pagiging rude ko.

I just nodded. "You may go." Napatayo na ako. Lumabas na rin siya muli.

Habang naglalakad ako sa pasilyo ng patungo sa delivery room ay napapansin ko ang mga napapa-walling na mga Nurses kapag nakakasalubong ako. 'Yung iba nga ay nagbubulungan pero rinig ko naman. Parang mga sinto. Nakakairita talaga.

Pagkaliko ko ay hindi inaasahan. May nakabangga akong Nurse. Mabuti na lang at nasalo ko siya. Nakatitig lang siya sa akin. Napangiti lang ako sa kanya.

"You should be more careful. Because you almost hurt..."

Ang maamo at nakangiti kong mga mata sa kanya ay napalitan ng masamang titig sa kanya.

The Doctor Series 3: Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon