chapter 3⃣ 6⃣

429 23 0

samie'POV...

kinabukasan...

para akong tuyong dahon na tumayo ayoko isipin lahat ng nangyare kahapon

dumaretso ako sa cr para sana mag-ayos ng sarili ng naririnig kung nag iingay sila sa baba siguro nag aayos sila kasi late na natapos yung party

habang pinagmamasdan ko ang muka at ang namamaga kong mata sa salamin dahan dahan kung tinatali ang buhok ko at nag hugas ng muka

kailangan ko na nga sigurong ayusin ang sarili ko tama sila dalaga na ako at kailangan ang pagiging maayos

balak ko sanang ayusan ang sarili ko ng marinig ko si yaya joy na parang may kinakausap

"itong batang to talaga dito natulog"-rinig kung sabi ni yaya joy

"omgg kuya tyrence what are you doing there!?"-rinig kong sabi din ni samer

mabilis akong lumapit sa side table ng kama ko at kinuha ang salamin ko at mabilis na pumunta sa labas

nakita kung nakaupo si tyrence dun habang nakayuko, yun padin ang suot nyang damit kagabe may lukot

akala ko umalis na sya ka gabi dito ba sya na tulog

"ano nangyare sa mata mo ate?"-tanong ni samer

"wala ito"-sabi ko tapos tinitigan nya lang ako

"ohh, nagtext si maye ate pupunta lang ako sa mall di ako makapag paalam kay kuya lasing tsaka di ako papayagan nun aalis na ko bye"-sabi nya ng di ako tinitignan at nakatitig lang sa phone at tuloy tuloy na umalis
tumingin naman ako kay yaya joy at kay tyrence

"anong ginagawa nyan dito ya?"-tanong ko kay yaya joy

"di ko rin po alam maam nasabi nga po saakin ni ate belen na nandito po sya at hinahanap kayo kanina pa pong alas tres ng gugulo ayaw mo umuwi di naman po namin sya mabubuhat papunta sa guest room ehh lasing po lahat ng kaibigan nya"-sabi ni yaya joy

"nasan po si kuya?"

"umalis po sya kagabi ma'am nag drive nga po ng lasing di po namin mapigilan ehh nag wawala po"-sabi ni yaya

"oh si kuya thomas nasan?"

"nalasing din po maam kaya po walang makatulong saamin kagabi"-sabi ni yaya joy

"tyrence anak ka nggg ouch! hangover!!"-napatingin ako sa kabilang pinto ng makita kung lumabas si ivan at nagsisigaw

"nasan si kuya?"-tanong ko sakanya

"ano ng yare sa mata mo?"-tanong nya

"wala ito, nasan si kuya?"

"ang pag kakaalam ko sa condo ni ashley nandun sya"-sabi nito at daretsong pumunta sa pwesto ni tyrence para itayo tinulungan naman namin sya ni yaya


"ahhhhh!"-nagulat kami sa sigaw ni arcie ng lumabas sya sa kwarto nila

"hangoverrrr!"-sigaw naman ni henry na kasunod lang na lumabas

"nagkasya kayo sa guest room?" takang tanong ko

sumilip naman si Henry sa loob at may tinignan lumapit ako doon at sinilip sila di ko alam kung mag aalala ba ako o matatawa sa position ni razill at christian mukang sakanila palang ay kulang na ang kama

"pa-paanong?"-takang tanong ko


"basta ako sa sofa ako natulog"-sabi ni ivan at nakangiting tumingin kay henry

kaya tumingin aki kay henry at di mapinta ang kanyang muka

"san ka natulog?"-tanong ko


"hahahahhab ikaw yung hahahahaha nasa inodoro kagabe weak hahahahaa"-tawa ni arcie kaya malakas na sapok ang nakuha nya


nagulat naman ako ng dumaan si razill sa harap ko at parang walang tao syang nakikita at daretso lang ang tingin pa baba sa hagdanan

"lasing pa ata ang gagong yun"-sabi ni henry

sinundan ko ng tingin si razill pa baba ng hagdanan natawa ako ng muntik pa syang malaglag kaya agad akong lumapit sakanya pero nag tuloy tuloy lang sya palabas ng bahay nagulat ako ng nasa tapat na sya ng pinto ay umupo sya ng Indian seat


tumingin ako sa likod dahil tawa ng tawa si arcie at ivan

"hahaha wag ka lalapit dyan baka dasalan karin nyan hahaha-sabi ni arcie

"ganyan talaga yan pag nalalasing hahaha hanggang mamaya lutang yan"-sabi ni ivan


nakita ko naman si yaya joy at henry na tinutulungan na tumayo si tyrence

"hahahah kami na bahala kay razill"-sabi ni arcie

"yah ayusin mo muna yang mata mo bat ba namamaga yan?"-tanong ni ivan

"ahh wala sobra lang to sa tulog"-sabi ko


"pwede ba yun?may ganun?"-sabi ni ivan at lumapit kay razilp para itayo ito


di ko na lang sya sinagot at agad pumunta sa taas para ayusin ang sarili ko



°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

don't forget to

VOTE

AND

COMMENT

THANK YOU 😘

behind my NERDY look im a PRETTY WOMANWhere stories live. Discover now