Ethan

Habang hinihintay namin ang pagdating aming professor sa Calculus ay nakaharap ako sa bintana ng aming classroom. Tanaw ko mula roon ang high school buildings at ang oval shape school grounds na tambayan kapwa ng mga high school at college students ng aming University. Nasa fourth floor ang aming classroom kaya kahit marami akong nakikitang mga tao na nakaupo sa damuhan at sa mga bleachers, imposibleng malaman ko kung sino doon si Katrina.

How I missed seeing her green eyes.

Tatlong araw ko na siyang hindi nakikita. Bawal naman kasi talaga na tumawid sa kabilang campus. Minsan lang ako nakakasalisi kapag nalilingat ang mga security guards na nagbabantay sa boundary ng dalawang campus.

Pwede kaming tumambay magkakasama sa school grounds pero hanggang sa Freedom Park lang, no crossing to the other side. Walang mga fences or gates na naghahati sa dalawang campus pero may mga naka-station na mga security guards na mahigpit na nagbabantay...

Malabo din na makasama ko sila sa Freedom Park dahil hindi naman sila doon tumatambay. Madalas na nasa cafeteria ang kambal or sa mga bleacher malapit sa gate ng school. Ayon na rin kay Mary Ann, mas gusto nila ang nakabukod. They don't have friends in school.

Napangisi ako. Sa tuwing maiisip ko si Katrina ay hindi pwedeng hindi ko rin maalala ang kakambal niya. My memory of our last encounter was still vivid in my mind. Tandang-tanda ko pa pagatataray ni Karina.

Alam na niya kaya ang kahulugan ng sinulat kong tagalong words sa notebook niya? Siguradong susungitian siya nito kapag nagkita silang muli.

"Ethan!"

Nilingon ko ang taong tumawag sa pangalan ko at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko.

"May naghahanap sa iyo." Sigaw ni Philip.

Saglit lang akong napatingin kay Philip, natuon kasi agad ang mga mata ko sa taong 'naghahanap' sa akin. Papaanong nakapunta ito roon at nalagpasan ang mga nagbabantay na mga guards?

Anong ginagawa ni Katrina dito?

Animo nanonood ako ng isang commercial. Slow motion pa ang paglapit niya sa akin. Nakangiti siya ng napakatamis at talagang nakakabighani. Nakasuot siya ng read trench coat na umabot lang hanggang sa ibabaw ng tuhod. Dinig ko ang maingay na kantiyawan ng mga kaklase kong lalake.

"Hi!" Malambing na bati niya sa akin. Hunminto siya sa mismong tapat ko.

"Hi!" Nakangiti kong sagot.

I'm about to get up but she pushed me down.

"Don't get up, I won't stay that long. I just want to say that I miss you." Her sweet smiles widen.

Mas lumakas ang ingay sa paligid namin.

"How did you get through the guards?" Pag-iiba ko ng usapan. Bigla kasi akong nailang.. Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi.

Damn him for blushing like a virgin.

"Easy I told them I need to see my brother." She tilted her head on the side and shrugged her right shoulder which made her looked so innocently sweet.

"Wow, you're good!" Hangga ko sa pagiging madiskarte niya.

"Nah, I'm the best." Katrina winked at him. She started to unbutton her coat.

"What brought you here?" I'm seating still. Sobrang pagpipigil ko sa sarili na hindi bumaba ang tingin ko sa ginagawa ng mga kamay niya at manatiling naka-focus ang mga mata ko sa mukha niya.

Sweetest Lie (To be published by PSICOM)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!