CHAPTER 1

663 24 0

CASSANDRA'S POV

"Cassandra wake up"pang gigising ni kuya lucas pero imbis na tumayo ay tinakpan ko ng unan ang mukha ko "cassandra bumangon kana dyan hinihintay ka na nila mom sa baba"dagdag niya pa at hinila ang unan ko kaya inis ko siyang tinignan

"Kuya its too early, 5 minutes more"pagmamaktol ko at muling humiga

"ayaw mong bumangon ahh"bulong niya at naramdaman kong naglakad siya palayo

San pupunta-----

*SPLASH*

"WAHHHHH!"napabalikwas ako ng bangon ng tapunan ako ng tumatawa kong kuya ng malamig na tubig

"Sarap?"pang aasar niya kaya sinamaan ko siya ng tingin at inis na tumayo papuntang cr

Ilang minuto lang ay nakahanda na ako kaya bumaba ako at pumunta sa hapag kainan kung saan nandoon sina mom and dad at ang mapang asar na si kuya lucas kaya bago ako umupo sa tabi niya ay sinamaan ko ulit siya ng tingin



"So how's my dear?"nakangiting tanong ni dad dahil bihira lang sila umiwi nila mom kasi kailangan nilang pumunta sa ibang bansa para asikasuhin ang malaki naming business


"I'm good"walang ganang sagot ko at tinignan ng masama si kuya kaya napatingin sila mom and dad sakanya


"Lucas"nagbabantang tawag sakanya ni mom kaya gumuhit ang takot at kaba sa mukha ni kuya kaya nagpipigil ako ng tawa


"Tinapunankoposiyangtubigkasiayawniyangbumangon"mabilis na sagot ni kuya kaya napahagalpak ako ng tawa



"Hahahahah kuya yung mukha mo hahahaha"natatawa kong sabi habang nakaturo sakanya at napatahimik naman ako ng samaan niya ako ng tingin



"Anyway i heard na first day ng baby ko today so why are you not wearing your uniform?"pabebeng tanong ni mom kaya agad akong napatayo



"Omooo! I forgot"sigaw ko at nagmamadaling umakyat sa kwarto at nagbihis dahil 6:00 na at malapit ng mag 6:30



Sa peace academy ako in-enroll nila mom dahil bukod sa ito ang pinaka sikat na paaralan ay mababait daw ang tao dito kaya sigurado daw silang marami akong magiging kaibigan,17 years old na nabubuhay sa mundong ibabaw



Agad akong bumaba ng makaayos at nagpahatid sa driver namin actually hindi lang siya basta driver kasi marunong siyang makipag laban narinig ko kasi sila mom na nag uusap about kay manong driver na agent daw ito, oh i forgot to tell you na si dad ay nakatakdang maging tagapag mana ng trono sa underworld kung saan hawak niya ang mga mafia,assasins,gangster at iba pa dahil gusto ni lolo which is step dad ni dad na maging hari siya doon pero ayaw ni dad dahil gusto niya ng tahimik na buhay dahil pwede kaming mapahamak dahil doon kaya nagalit si  lolo at ipinahanap niya kami kaya in short nagtatago kami


Matapos ang kalahating minutong biyahe ay nakarating narin ako sa peace academy mula sa malaking pinto ng entrance ay unti unti itong bumukas kaya agad kaming pumasok at pumarada, si manong driver naman ay inilabas ang maleta ko and yes maleta may dala akong damit dahil meron ditong dorm tuwing saturday at sunday lang pwedeng umuwi


"Salamat po manong driver"nakangiting sabi ko ng maibaba na lahat ng gamit ko


"Walang anuman po young lady"magalang niyang sagot at umalis na kaya habang hinahanap ang principal office ay hindi ko maiwasang ilibot ang paningin ko sa loob ng school dahil napakalaki nito may small fountain pa nga sa gitna ng parking lot eh, kakalibot ay hindi ko napansing may mababangga pala ako kaya napaupo ako sa sahig at natapon ang ilang hawak ko


"Sorry"sabay naming sabi kaya napa tingin ako sakanya ng iabot niya ang kanang kamay niya para tulungan ako kaya agad ko itong tinanggap

"Thanks"nahihiyang sabi ko at pinulot ang ilang gamit na nahulog kaya tinulungan niya akong pulutin iyon


"I'm Nathan, and you?"nakangiting tanong niya


"I'm cassie"sagot ko naman tsaka siguro nagtataka kayo kung bakit cassie dahil bawal kong sabihin ang pangalan ko


"Nice meeting you cassie, i think transferee ka?"tanong niya ulit


"Yeah actually hinahanap ko yung principal office para makuha yung schedule ko"sagot ko naman dahil naiilang ako sa mga titig niya


"Tara samahan na kita"yaya niya at biglang hinawakan ang kamay ko at nakaramdam ako ng parang kuryente na dumaloy dito kaya sa gulat ko ay mabilis ko itong hinila "sorry"paumanhin niya


"Okay lang"naiilang na sagot ko kaya naging tahimik kami hanggang sa makarating kami sa principal office, nalaman ko namang student council si nathan kaya sinamahan niya ako sa loob


"Heres your schedule ms. Cassie and welcome to peace academy,Nathan please guide her to girls dormitory"nakangiting sabi ng principal


"Okay ma'am"sagot ni nathan

"Thank you po"magalang na sagot ko at lumabas sinundan naman ulit ako ni nathan


"So were classmate huh?"saad niya habang nakatingin sa tinitignan kong schedule kaya napatingin ako sakanya pero agad ding nag iwas, tinuro niya naman sakin kung saan ang girl dormitory at boys dormitory na nasa gilid lang, hanggang 3rd floor naman ang mga dorm



"Here's your key, apat kayo sa iisang kwarto pero malaki naman yan nasa klase siguro yung ka-roomate mo pero mamaya makikilala mo rin sila"sabi niya sabay abot ng susi kaya agad ko itong binuksan kaya muli akong namangha sa ganda, merong apat na kama sa taas na halatang gamit na ang tatlo at may isang kama na sobrang ayos at nasa dulo kaya agad kong inayos doon ang mga gamit ko at bumaba, makikita naman sa baba ang kusina at lamesa habang sa taas ang kwarto at cr



"Let's go"yaya ko kaya linock ko ang pinto at nagtungo sa klase namin at ng nasa tapat na kami ay hindi ko maiwasang kabahan lalo na't nakasara ang pinto, kumatok naman ng tatlong beses si nathan bago bumakas ang pinto



"You're late mr. Nathan"mataray na bungad samin ng babaeng nakasalamin na medyo may katandaan na



"I don't care ma'am"nagulat ako sa naging pag sagot ni nathan sa guro pero wala narin akong nagawa ng hilahin niya ako papasok at iharap sa mga kaklase namin na ngayon ay nakatingin sakin kaya lalo akong nakaramdam ng kaba "she's transferee so be nice to her, don't you dare to bully her or else your out"masungit na dagdag ni nathan at kahanga hangang napatahimik niya ang lahat at bawat makakasalubong ko ng tingin ay umiiwas



"Introduce your self miss"utos ng guro kaya tumango ako at humarap sa lahat bago ngumiti



"Hi guys my name is cassie"nakangiting pakilala ko habang naghihintay naman sila ng kasunod kong sasabihin pero hindi na ako nagsalita kaya pinaupo na ako ng guro sa bakanteng upuan na nasa hulihan



















LEGENDARY GANGSTER NERDBasahin ang storyang ito ng LIBRE!