Wattpad Original
Mayroong 14 pang mga libreng parte

🏥⛪ 1 - Life

141K 872 125
                                        


Life

Noong bata ako, lagi kong tinatanong sa sarili ko kung bakit may mga taong kailangang lisanin ang mundong ito. Bakit sobrang ikli lang ng buhay at sa isang iglap lang ay maaari ka nang maglaho sa mundong ito...

👨‍⚕️ DR. HIDEO ADONIS CANLIAGN

8 years ago...

Intership ko ngayon dito sa sarili naming hospital. Ang HC Medical City. Ang HC ay base sa pangalan ng Ama kong si 'Henry Canliagn'. Nasa tatlong taon na itong hospital namin pero isa na ito sa the best hospital dito sa bansa.

Actually, two days ago nang umuwi ako rito sa bansa. Galing akong London dahil doon ako gr-um-aduate ng medical school.

Kinuha ko sa loob ng white coat ko ang cellphone ko. Pagkabukas ko ay bumungad sa akin ang picture namin together ng fiancèe ko.

Kinausap ko ang litrato namin, "Hi! Mahal, promise bukas I will surprise you okay?"

Hindi ko pa kasi sinasabi sa kanya na nakauwi na ako ng Pilipinas. Gusto kong sorpresahin siya. Few months from now ay magpapakasal na kami. I will marry Sychelle Dayle Fernandez.

"I love you, Mahal!" Napangiti lang ako saka muling ibinulsa ang cellphone.

Napatingin ako sa orasan. Dito ako naka-assign sa Emergency Room. Mabuti naman at panaka-naka lang ang mga pasyente.

"Hey, coffee, o!"

Napatingin ako sa ka-intern ko na si Rat Velaroza. Kinuha ko ang in-offer niyang coffee. "Thanks."

Hindi pa naman ako tinatamaan ng antok sa ngayon.

"Are you okay? You looked so worried?" sabi niya sabay inom ng coffee.

"I don't know why kung bakit ako kinakabahan? Natawagan ko naman na ang parents ko. Tulog naman na raw ang little sister kong si Harmony."

Nagkibit lang siya, napaka-weird nitong biglang kaba na nadarama ko. Parang nanghihina ako sa lakas ng tibok ng puso ko kaya tinabi ko muna ang coffee dahil baka lalo akong mag-palpitate.

Napapikit lang ako, and I tried to calm myself. Dala lang siguro ito ng maghapon na duty or else... excited lang ako na makita mamaya si Sychelle Dayle.

Sabay kaming napalingon ni Rat dahil sa tunog ng ambulansiya. Napalunok ako dahil tatlong ambulansiya namin ang dumating. Nag-ready kami ng emergency team.

Nang ipasok ang unang pasyente ay nanlaki ang mga mata ko.

"SYCHELLE!!!"

Kaagad akong napapunta sa stretcher niya. Halos manghilakbot ako dahil naliligo siya sa sarili niyang dugo. Pilit siyang nire-revive ng oxygen pump.

Nangatal ako, gusto kong isipin na panaginip lang ito at hindi totoo na siya ang nakikita ko. Napakarami ko nang pasyente na nakita sa ganitong sitwasyon pero kasi... babaeng pinakamamahal ko ito!

Nadudurog ang puso ko sa nasisilayan ko ngayon.

Nakita kong may dalawa pang ipinasok. Kilala ko rin ang isa. Si Chandrix Kayle iyon na kakambal niya tapos ang isa ay lalaki. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanilang tatlo pero mas gusto kong iligtas ngayon ang babaeng mahal ko.

Napakabilis ng kilos naming lahat. Pagkahinto ay mabilis kong hinawakan ang kamay ni Sychelle.

"Mahal nandito ako, si Hideo ito. Lumaban ka, ha?" Napahagulhol ako.

The Doctor Series #1 : My New Life is YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon