stars ; prologue

163 7 6
                                                  

3 years ago...

"Deul, set... we are Dreamcatchers, and so are you!"

Natapos kaming mag-greet sa supporters namin. That was our ending and intro greeting. From the audience area, naririnig ko ang sigawan ng bawat manonood sa amin dito habang magkakaakbay kami ng mga kagrupo ko. It was a sight that I wanted to treasure until I take my last breath.

"How are you, dreamers?" Tanong ni Marione, our maknae, sa audience. Nagcheer naman sila, kaya hinayaan namin sila na magchant habang malawak ang mga ngiti sa aming mga labi. Sila ang dahilan kung bakit nandito kami in the first place.

"Charlene Park! Hana Oikawa! Marione Santillan! Chisae Kim! Talia Hale! Dreamcatchers!"

Nakuha ang attention namin dahil it's time na daw for the surprise interview namin sa stage. Sa tuwing matatapos ang huling song namin sa mga shows namin, hindi pa kami bumababa sa stage dahil lagi kaming merong mga special segments. Whether it be interviews or mini-games o ano pa man, it's always like that during our concerts. Depende na din sa nakaplano, sa team.

Naghiyawan ang mga supporters namin nang maupo na kami sa seats namin. Then, nagpunta naman sa stage yung manager namin na may hawak na question cards sa loob ng isang transparent box.

"Omo, manager-nim! What's that?" tanong ni Talia, kaya naman nakinig na din kami. Nag die-down na din ang hiyawan ng mga audience kaya mas payapa na dito.

"For tonight's show, ang short segment natin is... get to know you girls! Bubunot kayo ng tig-iisa na cards at yung cards na yun ay sasagutin ng lahat." Sabi ni Manager, and we all nodded in understanding.

"We love you, Dreamers!" Sabi namin sa audience causing them to erupt in cheers.

Tumayo si Manager at hinarap sa bawat isa sa amin ang box so kumuha na kami ng tig-iisang cards.

I didn't know kung ano ang makukuha ko, but as soon as my hand touched a card ay 'yun nalang ang kinuha ko. It's not like I had a chance to know what was written on the card, anyway. We finished taking our cards, so kinuha na ni Manager sa amin isa isa ang questions and warned us not to peek.

Although I tried to peek at it. Haha.

"Yah, Charlene!" Sabi ni Manager, making us all laugh pati na ang iba sa audience.

"Sorry," I said, and chuckled.

"It's fine," sabi ni Manager, "First question: which of the girls has the sharpest tongue and savage attitude?"

I slapped my forehead. What kind of questions are these?

Nagtawanan naman sila kaya alam ko na rin ang mangyayari.

"I think it is Hana," I said, at nagulat naman si Hana kasi siya talaga ang pinakamabait sa amin. Sorry, our angel!

"Unnie, mabait kaya ako," sabi niya kaya naman nagtawanan sila.

"Kaya nga naman. Ikaw talaga yung ganun, e," pang-aasar ni Chisae at nagawa pang tumawa ng malakas.

"Si Charlene," sabi ni Talia, at tinaasan ko naman sila ng kilay.

"Si Charlene nga," sabi ni Marione, so I chuckled.

"You weirdos. Hindi ako sharp tongue. Hilahin ko tongues niyo hanggang matanggal, makikita ninyo," Sagot ko, at tumawa naman ang Dreamers pati na rin ang members namin. Even our manager laughed. What?

"Yah, Charlene? That only proves their answers are correct," sabi ni Manager kaya naman I just shrugged na siyang ikinatawa nila.

Nilipat na ni Manager ang question kaya naman kinuha ko yung inaabot sa amin na water bottles, passed it to the others, at uminom ako.

stars ♧ min yoongi semi-au [ UNDER EDITING ]Where stories live. Discover now