Chapter 34: anak, sorry..

73 0 0
                                              

pag uwi ko sa bahay, hinanap ko agad si mamy para kausapin sya.

"ate, nasan si mamy?"

"nandun sa loob. bakit?"

"kakausapin ko na sya."

"sigurado ka ba jan? naku baka di ka manalo jan?"

"bahala na. mahalaga malaman nya ang side ko."

"osige, goodluck."

tinalikuran ko na si ate at dumiretso na sa kwarto.

kumatok muna ko bgo pumasok..

dirediretso ako hnggang sa kama. nkahiga kc c mamy kya umupo nlng aq sa tabi nya.

"oh bkit?" bungad nya.

"gsto ko sanang sabihin na nagkikita at nag uusap na ulit kami ni Richard."

"at bakit??"

"mamy! siguro galit kpa din sa kanya o sa amin pero hndi habang buhay na magagalit ka sakanya! mahal ko sya at eto ang bunga ng pagmamahalan namin! mamy magkakaanak na ko! we must accept that! mas panget naman kung maisisilang ko tong bata na walang kinikilalang ama! mamy, learn to accept. mahirap para sa akin, mahirap para sa amin ng anak ko. kung pangungunahan lang ng pride mo lahat nang yan, walang mangyayari. para na ring pinigilan mo yung anak ko na mabuhay. walang ama. para mo na ring sinabing wag ko na isilang ang bata. kung ayaw mo pa rin po na nagkikita kami ni Chard, dito ko na po kayo susuwayin. di po ako papayag."

hindi ko pinag practice-an lahat yun. lumabas na lang basta basta sa bibig ko. yun lahat ng nararamdaman ko simula nung pinaghiwalay kami ni Richard.

hndi na nakaimik si mamy.

"labas na po ako. kung wala kayong sasabihin. yun ang nararamdaman ko. pasensya na po."

lumabas na ako ng kwarto.

paglabas ko nandun si daddy! geez!

"oh dad-----(bigla akong niyakap)---dy."

"bakit po?"

"anak, di naman ako galit sayo. di na lang ako nagsalita dahil ayokong mag away kami ng mamy mo. naiintindihan kita Ash. alam ko rin ang pakiramdam ni Richard. naiintndihan ko kayong dalawa. masama lang ang loob ng mamy mo dahil mataas ang expectations nya sayo. akala nya ikaw na ang mag aangat sa atin. pero nabigo sya sa nangyari. may iba ka nang priority ngayon at hndi na kami at ng kapatid mo kundi ung magiging anak mo."

"daddy... :'( hndi pa naman po ako sumusuko eh. minemaintain ko pa rin po maging balance ang lahat. oras na manganak ako, pagpapatuloy ko pa rin po pag aaral ko, hndi naman po ako mag sstop. mag sisikap ako makatapos at maghahanap ako ng trabaho. ibibigay ko lahat sa inyo at sa magiging anak ko. sorry daddy. alam ko pog nasaktan ko din kayo. mahal na mahal ko po kayo ni mamy. :'("

umiiyak na ako sa balikat ni daddy. niyakap nya ulit ako.

"ok lang yan anak, maging matatag ka lang. pagsubok sa atin yan."

nang makatahan na ako, pumasok na ng tuluyan si daddy sa kwarto.

medyo madilim na nun, nahiga muna ko saglit sa kwarto at maya maya tinawag na ako ni ate para kumain.

habang kumakain kami, na aawkward ako. antahimik, walang nagsasalita sa amin.

mabilis akong kumain. pagkatayo ko, dumiretso ako sa cr para mag toothbrush.

gusto ko nang matapos ang araw na to. masyado nang maraming nangyari.

nahiga na ako sa kwarto ko. nagpalit ako ng pantulog at saktong paghiga ko pumasok si mamy.

"anak..."

di ako sumasagot. tumingin lang ako sa kanya.

"anak, pasensya na sa mga nasabi ko sayo noon. masamang masama lang ang loob ko dahil ikaw ang inaasahan ko sa inyong magkakapatid."

"alam ko na po yon. sinabi po sa akin ni daddy. naiintindihan ko din naman po kayo. wag na po kayo mag explain. ok lang po sa akin yun. ang gusto ko lang naman po, wag nyo po kaming pagilan ni Chard na magkita. wag nyo rin po pigilan ang pagmamahalan namin."

"anak, sorry.. alam mong mahal na mahal kita at hndi kita kayang tiisin."

"sorry din po sa ginawa ko." :/

"mapapatawad mo ba ako anak?"

"opo naman mamy, kung ako po napatawad nyo, ako pa kaya?"

niyakap ko si mamy.

"osige, magpahinga ka na. magpababa ka muna ng kinain bago ka matulog ha."

natawa ako ng konti. "si mamy naman. eh nakain naman na po ng anak ko ung kinain ko." haha. dalawa kaya kaming kumakain. xD

"ay oo. hehe. ocge matulog kna..."

niyakap nya ako ulit bago sya umalis.

napaisip ako. siguro nga hndi lang kami nagkaintindihan at parehong masama ang loob namin sa nangyari kaya ganun na lang ang galit ni mamy kay Chard.

hmp. Ashley, matulog ka na wag ka na masyadong mag isip jan. nasstress masyado si baby.

pumikit na ko.

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz.......................................

my bestfriend/boyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon