[PARDON FOR TYPOS AND WRONG GRAMMAR]

Kimberly's POV

Kagagaling lang namin sa school, kanailangan kong tapusin agad ng mga assignments ko dahil dadating na sila Mr. and Ms. Angeles. Pag mamaya ko pa ginawa 'to sigurado akong di ko matatapos, kahit na lilipat ako ng school kelangan ko paring gawin ang mga 'to. Di porket magtatransfer ako di na ko gagawa ng assignments.

At sinimulan ko na ngang gawin ang assignments ko, inuna ko yung essay sa pilipino, tungkol sa love, inlove kasi yung teacher namin sa subject na pilipino kaya puro ganun yung topic haha!

Kaya sinimulan ko na.

At pagkasulat ko ng unang word na pagibig ay biglang nag flash sa utak ko yung pag kiss sakin ni Andrew, kaya naman napatigil ako bigla at napahawak sa labi ko!

HAAAAAY!!! Letse ka talaga Andrew! Pasalamat ka hindi na ako amazona ngayon kundi malilintikan ka! Mata mo lang ang wala latay!!! WAAAAH! Bulong ng isip ko.

"Focus okay, Focus Kim. Just move on. It's not a big deal." Pagpapakalma ko sa sarili ko. Ako lang ngayon dito eh si mama nasa baba at nag lilinis ng bahay, pero pansin ko lang huh? Bakit napaka laki ng bahay na ito pero ang konti nila? Halos si Ma'am Veronica palang yung nakikita ko! Sabi may anak daw sila pero di ko nakikita eh at yung asawa niya minsan ko ng nakita pero nakatalikod pa! At oo nga pala di ko pa natatanong kung babae ba o lalaki yung anak nila kasi ayun daw yung babantayan ko eh! Pero basta...

At ayun na nga tinuloy-tuloy ko yung pagsusulat tungkol sa love love thingy na yan, Letseng essay na yan.

Pero bakit ganun everytime na magsusulat ako sa papel ay nagpaflash sa utak ko yung... Ugh! Waaah! Sa susunod talaga di na ako papayag. Big deal sakin yung isang kiss at nang hihinayang ako, bakit kasi si Andrew pa! Napaka talaga nung lalake na yun. Sa dami-dami ng lalaki sa mundo bakit siya?

Makailang sandali lang... TADAAA!!! Tapos na. Nakaraos din sa walang kwentang essay na yan. Agad na akong nagbukas ng ibang notebook ko na may assignment pa! Pero paghugot ko ng isang notebook na pink ay... 

Naalala ko ulit si Andrew! Ano ba?

FOCUS!!!! KIMBERLY!!!!! Bulong ng isip ko.

Kasi yung notebook na yun yung notebook na naihagis ko sakanya eh! Este kay Alonica pala dapat yun kaso bigla siyang lumabas kaya siya yung natamaan! Siya yung boploks!

"Okay sisimulan ko na..." Sabi ko sa sarili ko. Oo tama, dapat mawala sa isip mo yun... At nagisip ako ng iba para hindi maalala yung kanina.

At makalipas ang minuto ay natapos ko na din sa wakas ang mga assignments. Okay bababa na ako para makapag ayos ng lamesa dahil paparating na yung amo namin. Sabi ni ma'am dapat daw pagdating nila nung asawa niya ay nakahain na, Masyado daw kasing maarte yung asawa niya. Mga lalaki talaga merong maarte parang si Andrew... Waaaah! Ano ba? bakit lagi nalang siya? nakakainis na! Kumbaga sa kanta LSS ako sakanya.

At inayos na nga namin ang lamesa at naghain na. Si mama ang nagluto ng dinner nila. Ang specialty ni mama, Kare-kare!

At sakto, bumusina na yung kotse nila Ma'am Veronica at agad na binuksan ni mama yung gate. Dahil ako na ang nagaayos ng lamesa at naghahain. 

"Good evening po! ^_^" Pagbati ko sakanila, Finally nakita ko na din yung asawa ni ma'am. Mukha ngang masungit. Hindi manlang marunong ngumiti. Pinaglihi ata siya sama ng loob. Si ma'am lang ata ang mabait. Pero di pa natin alam may anak pa sila eh. Sana yung anak nila hind nagmana sa ama niyang pinaglihi sa sama ng loob. 

"Good evening." Sabay na tugon ng mag asawa. Yung boses ni Sir parang bored yung tono naman ng boses ni ma'am Veronica ay medyo sweet.

At agad na silang nagpunta sa dining area, at kumain. Pero narinig ko ang paguusap nilang mag asawa. 

"Wala pa ba ang anak mo?" Seryosong tanong ni Sir... Ano nga pala yung panglan nun? Ayun, Andi nga pala.

"May nakita kaba? Magkasabay tayong umuwi diba?" Pangbabara nitong si ma'am, BOOM!

"I mean, nagpaalam ba? Sinabi ba kung anong oras yung uwi? Baka gumimik nanaman yun. Tigilan mo na nga pagpayag na sumama yun kay Jia--" Naputol ang narinig ko dahil sa..

"ARAAAY!!!" Bigla akong napahiyaw ng hampasin ako ni mama "Bakit po ba? Masakit yun ah!" Sabi ko sabay hawak sa braso kong hinampas niya.

"Tigilan mo na nga ang pakikinig sa usapan ng iba... Mamaya makita ka pa nila. Umakyat ka na dun" utos ni mama. Nakakainis ang sakit yung hampas niya huh! Teka saglit lang.. Tigilan ang pagsama kanino daw? Di ko narinig eh, Si mama kasi bigla akong hinampas. Pero binaliwala ko nalang yun at umakyat na.

Pag akyat ko ay nakita ko si kyle na naglalaro.

"Huy!! Bising busy ka jan ah? Naglinis ka na ba ng katawan mo? Baka maasim na yung kili kili mo! Eew!" Pang-aasar ko sakanya.

"Opo naman ate. Amuyin mo pa yung kili-kili ko eh, ay ate nakita mo na ba yung anak ng amo natin? Ako excited na akong makita siya, sana lalaki siya at kasing edad ko para maglalaro kami!" Sabi ni kyle.

"Ako din winiwish ko na sana bata nga yun. Dahil ako ang magbabantay dun eh. At sana wish ko walang problema yung anak nila. Mahirap mag-alaga pag ganun! Sayo pa nga lang eh!" Pangaasar ko ulit sakanya

"Hindi naman ako mahirap alagaan ha? Ayoko na sayo ate! Galit nako sayo! Di tayo bati" Sagot niya naman. Masaya magkaroon ng kapatid kung alam niyo lang.

At makalipas ang ilang oras ay natulog na kami nila mama. Dumating na kaya yung anak nila? Curious talaga ako eh. 

Pero nagising ako bigla... Nawiwiwi kasi ako. Agad na akong bumaba at nagpunta sa c.r.

Andrew's POV

*PIIIIIP*

*PIIIIIP*

*PIIIIIP*

Nakailang busina na ako sa labas pero walang nagbubukas ng gate. Kelangan ko pa tuloy bumaba at buksan ang gate. Pero hindi ako magtataka kung walang nagbukas ng gate. 12:52 na kasi. Almost 1am na, yes I went to the bar sinama ako ni Jian. Syempre wala ng iba, sino pa ba ang party goer dito? Nahahawa na ako sakanya.

At nang pagpasok ko ay nagtataka ako bakit bukas yung ilaw sa c.r.? Eh kung si mama 'yon hindi din pwede kasi may c.r. sa kwarto nila eh. At narinig kong may nag flash. At biglang bumukas yung pinto pero...

H O L Y S H * T

Si K-kimberly? Anong ginagawa niya dito? 

At ng lumabas na si kim mula sa c.r. ay agad akong nag tago sa gilid para hindi niya ako makita at dumiretso na ako sa kwarto ko.

Pero may naalala ako...

"Andrew... Dadating yung anak ng kasambahay natin. Be nice to her okay?" Paalala ni mama nung nakaraang araw. Alam niya na pasaway ako lalo na sa mga anak ng kasambahay namin. Pero dati pa yun kasi bata pa ako noon. Pero malaki na ako ngayon I' won't go off on them.

 --

At lumabas ulit ako sa kwarto ko at sumilip. At dahan-dahang naglakad ng naka tingkayad. Pero pagsilip ko. Wala na, patay na yung ilaw at wala na siya. So anak siya ng maid? 

Ibang klase talaga ang tadhana. 

A/N: Hi! Umaga nanaman ako matutulog. buti nalang 10:00 am pa ang pasok ko! Please vote po and leave a comment too!

My Billionaire Boyfriend (UNDER CONSTRUCTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!