Chapter 1: Birthday

78 1 1
                                    

“O, ano? Nagtext na ba siya sa’yo Jen?” ang tanong sa akin ni Jake. Birthday ko ngayon, kaya dapat lang na maging masaya ako, wooh!

“Kailan ka ba niya huling kinontak? Alam ko namang wala siyang cellphone pero pwede namang makitext di ba?” dagdag pa ni Jake. Ang hirap naman talaga ng LDR(Long Distance Relationship), no? Eto kasing si Randy, walang cellphone. One year and eleven months na kami ni Randy. Nag-eenjoy pa ako noong una. Kinikilig pa nga. Magkahiwalay kasi kami ng paaralan. A year ahead ako sa kanya kaya nauna ako mag-kolehiyo sa kanya. Pareho kami ng paaralan noong haiskul. Pero, noong nagkolehiyo na ako, dahil ako ang maluwag ang schedule, ako ang pumupunta sa kanya paglabas nila sa eskwela. Sosyal no? Babae pa ang pumupunta sa lalaki. Ewan ko ba kung bakit mula noong siya naman ang magkolehiyo, hindi na siya masyado kumokontak sakin, kahit sa facebook man lang? Yan tuloy, sa kapatid niya ko siya kinukumusta. Okay lang naman sa akin yun, pero ngayon? Babati lang naman ng “Happy Birthday” eh.

“Ano kaya, Jake. Tapusin ko na ba ‘tong relasyon namin? Ayaw magparamdam eh,” ang sabi ko kay Jake. Si Jake naman kasi lagi ang updated sa lovelife ko. Siya na ang maituturing kong bestfriend. Naaawa nga lang talaga ako sa kanyya. May kakambal talaga siya kaso namatay noong ipanganak pa lamang sila. Nauna siya sa dalawa. Dahil ito sa sakit nila na hindi ko mai-pronounce. Ang hirap naman kasi sauluhin ng mga medical terms. Pero noong panahon na ipanganak sila, siya lamang ang naisalba. Bukod pa rito, dala-dala niya ang isang sakit hanggang sa paglaki na wala ng lunas. Tuloy lang ang pag-inom niya ng gamot na sa totoo lang ay pampahaba na lamang ng buhay mayroon siya. Hindi nila alam kung kailan ang nakatakdang panahon para sa kanya kaya alagang-alaga siya ng kanyang ama. Ang kanyang ina? Ayun, nag-abroad noong tatlong gulang pa lamang siya at hindi na nila nakontak muli. Hindi na nila alam kung ano ang nangyari pero mukhang may sama raw ng loob kay Tito Jun. Close kami ni tito. Siya mismo ang nagkwento sakin nito. Nagagawi ako sa kanilang tahanan kapag may libreng oras ako. Ambait nga nun. Buti na lang talaga, matatag itong si Jake kaya nga hindi ko talaga maintindihan kung bakit nakipaghiwalay si Anna sa kanya. Dahil lang sa nalaman niyang may sakit si Jake? Naman! Hindi yun love. Show off lanng yung si Anna. Gwapo rin naman kasi si Jake. Mestiso, hindi man katangkaran pero matangos ang ilong. Aba, matalino din! Hindi nga lang mahilig sa sports.

“Hmmp, kung ako nasa posisyon mo, mahihirapan talaga ako magdesisyon pero, bakit kaya hindi mo muna bigyan ng last chance? Sa anniversary niyo. Malay mo, magtext,” ang tugon ni Jake.

“Anla, malay na naman. Mawawalan na ako ng malay dito eh. Nauubusan na. Lagi na lang malay.” Napa-irap ako pataas.

“Eh kasi naman, isang buwan na lang, anniversary nyo na. Edi kung hindi siya magtext, saka mo tapusin. Kahit nga hindi mo na sabihin sa kanya. Understood na yun.”

“Haaay, sige na nga. Last na talaga ‘yon, last na. Ayoko na.”

“Alin ang ayaw mo na, yung chance o yung boyfriend?”

“Bahala na.”

“Bitter? Haha..” Kumuha siya ng isang maliit na box sa kanyang bag. “O, kumain ka muna ng matamis para mawala yang bitterness mo.” Inabot niya sa akin ang box.

“Ano to?” Binuksan ko ang box at nakita ko ang isang maliit na chocolate cake. “Hindi ko to nakita ah? San mo to tinago?”

“Syempre, magaling ako eh.”

“Ikaw na! Haha… Buti ka pa, nakaalala. Siya, hindi.”

“Yaan mo na, ‘to naman. Sige na, kainin mo na yan.”

Haay. First love. Ano pa nga ba magagawa ko? Edi hintayin ang anniversary. Isang buwan na nga lang naman.

Shrouded ExpressionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon