Chapter 48: Just Fun

263 11 1
                                                  

Juliana's point of view.

Nagpantig ang dalawa kong tainga sa sinabi ni Jungkook. Natigilan ako ngunit hindi 'yon nagtagal at ako na mismo ang nagpumiglas. Tinignan ko silang dalawa ng masama.

"Ano bang pinagsasabi niyong dalawa ha?! Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niyo. Anong agaw-agaw, kuha-kuha? I don't fvcking understand what the both of you saying!" Sigaw ko na ikinatigil naman nilang dalawa. Hindi ko talaga sila maintindihan! Ano bang pinagsasabi nila? Ni hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan ko pang sumabay sa kanilang dalawa.

Hindi naman sa ayaw ko pero kaya ko ang sarili ko. Kaya kong umuwing mag-isa pabalik sa hotel. Okay lang naman kung kasabay ko sila kaso hindi ko gusto yung hila-hila na ginawa nila sa'kin. Ang sakit kaya non!

"Ano? Hindi man lang ba kayo magsasalita? Mag kwekwento? Ipaliwanag niyo naman sa akin dahil hindi ko talaga maintindihan." Sabi ko ng hindi sila kumibo. Mukha naman silang hindi mapakali. Parang humahanap pa nang isasagot sa akin.

"E-Eto kasing si hyung--"

"Oh bakit ako? Ikaw nga 'tong mang-aag--"

"Hindi ko nga kasi siya inaagaw hyung. Kinukuha ko na siya sa'yo."

"Ano bang pinagsasabi mo Jungkook? As in kinukuha?"

"Hindi. Why would I do that?"

"Eh anong sinasabi mong--"

"Kinukuha ko nga siya sa'yo dahil gusto ko sa akin siya sasabay. That's it."

"Bakit ba kasi sa'yo pa siya sasabay?"

"Bakit ba kasi ang dami mong reklamo? Alam mo hyung, masyado kang selo-- Aray! Bakit ka ba namamatok?!"

"Sa'kin nga kasi dapat siya sasa--"

"Namjoon!" Kumaway ako sa kanya para makita niya kung nasaan ako. Nakasakay siya sa kabayo at mukhang mag-isa lang siya.

Hindi ko pinansin yung TaeKook dahil wala namang kwenta 'yong mga sinasabi nila. Wala akong maintindihan at wala na akong balak intindihin pa. Natigilan na lang sila ng makalapit na dito si Namjoon.

"Nandito lang pala kayong tatlo." Sambit niya habang nakatingin sa amin.

"Namjoon hyung mag-isa ka lang?" Tanong sa kanya ni Kookie.

"Yep. Gumala lang ako."

"Asan sila? Yung iba?"

"Naiwan sa hotel."

"Uuwi ka na?" Tanong naman ni V.

"Oo kaso tinawag ako ni Juliana kaya napunta ako dito. Uuwi na rin naman na kasi ako dahil ayokong abutan ng gab--"

"Sasabay na ako sa'yo." sabat ko atsaka umupo sa likod niya. Naisip ko 'to dahil ayokong nag-aaway sina Taehyung at Jungkook. Ayoko ng mahatak kaliwa't kanan!

"Juliana naman." Nagmamaka-awang sambit ni Taehyung. Gusto kong matawa kaso ayoko talagang sumabay sa kanya. Hindi din naman kasi papayag yung isa at mahahatak na naman ako kapag ganon. "Bumaba ka diyan at ako ang maghahatid sa'yo pauwi."

"Thank you na lang Taehyung pero kay RM na lang talaga ako sasabay." Sabi ko sa kanya. He frowned at wala na siyang nagawa pa.

"Hayaan mo na siya hyung. Kung 'yan ang gusto niya." Singit ni JK. Lumapit siya sa kabayo niya atsaka ito sumakay.

"Sige. Akin na 'yang mga jams."

"Ikaw ang magdadala?"

"Kukunin ko ba kung hindi?"

The Life of Being a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon