500K Views? O_O Wow. THANKS TALAGA GUYS! Ang bilis ahhh! Hahahaha.

Anyway, ang daming nanghuhula ng magiging ending nito! Wahahaha buti wala pang nakakahula! Nababasa ko po kasi mga comments niyo. Kahit hindi po ako nagrereply, binabasa ko po talaga yun! Kaya thanks sa mga nag-comment at nag-vote! The best kayo!


-------------------------------------------------


Chapter 47


Kathryn's POV


Medyo natawa ako dun sa sinabi ni Quen.

Eh mas may topak pala siya kesa kay Daniel eh!


Sabihin ba namang mahal ako? Wahahaha. Laughtrip!

Shemay! Sumasakit na tummy ko kakatawa!


"Kath, may nakakatawa ba sa sinabi ko?"

It took me three more minutes bago ako tumigil sa kakatawa para makapagsalita.


"Hahaha...ano? Mahal mo ko?? Best joke ever!!! Hahaha Galing mo pa lang magpatawa eh! haha"


Unti-onting nawala yung tawa ko nung nakita kong kumunot yung noo ni Enrique.


"Sa tingin mo? Nagbibiro ako?"

"Oo. Baliw! Mahal? Ganun talaga? hahaha"

"Kath, hindi naman ako nagbibiro eh. Mahal talaga kita. Matagal na"


Hinawakan niya yung mga kamay ko kaya napatitig ako sa kanya.


........processing pa yung utak ko...


Ewan ko ba.

Epekto siguro ito ni Habagat.


Nayanig yata ulo ko eh.


"Bata pa kasi tayo noon kaya hindi ko masabi-sabi. Tapos umalis pa ko. Ang tagal ko rin sa States. Siguro nga, torpe ako. Nagkaroon lang ako ng lakas ng loob sabihin sayo nung naagaw ka na ng iba. Nung kayo na ni Daniel"


"Enrique ano ba! Ang lakas ng topak mo noh? Kung ano-anong sinasabi mo!"


"Makinig ka naman sakin please! Hindi ako nagsisinungaling or nagjo-joke! Totoo toh! Totoo itong nararamdaman ko sayo! Kath, mahal kita! Sobra!"


Natahimik ako saglit.


Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat kong gawin at dapat kong maramdaman.


Dapat ba na matuwa ako dahil mahal ako ng dating crush ko?

Dapat ba malungkot ako kasi sinabi niya sakin kung kailan kami na ni Daniel?