33

389 17 1

[Hyunjin]

ngayon na yung tournament ng volleyball na juniors vs seniors. inaabangan talaga toh ng lahat mapa higher o lower level man dahil intense raw ang laban. totoo naman, parehong magaling ang teams pero mas magaling seniors mwehehhee #su4tseniors

andito naman sila chan hyung at yung iba para suportahan yung seniors. pati nga tong si jeongin sira ulo eh, seniors yung support eh junior siya HAHAHA.

tiningnan ko naman sila gabby at halatang kabado sila. hindi nga kami masyado nakapagusap niyan eh dahil napakabusy. isabay mo nga naman studies at pagpapractice niyo ng volleyball? running for honors pa naman din ata yan.

nagwhistle naman yung referee meaning maguumpisa na ang laro kaya nagsigawan na yung mga tao. "ang hype!!" sabi ni jisung na kasama sa mga sumisigaw. laban lang ni manny pacquiao? joke.

nagumpisa naman yung laro na parang pachill chill lang ang juniors kaya naglead ang seniors. halatang naging aware naman sila sa pagiging chill nila kaya bumabawi sila. takte nahihilo na nga ako dahil parang walang balak ma-out o mahulog nung bola.

current score: 10-6, led by seniors. nagcheer naman yung mga seniors, "go seniors!!!" pero syempre may mga bida bida, "manahimik kayo!! napepressure sila!" kaya nanahimik yung iba. "sarap sakalin niyan ah? panira eh. nakakamotivate rin kaya yung mga cheers." reklamo ni seungmin na mukhang gustong kalbuhin si ateng bida bida.

naging intense ang laro noong second game. panalo kasi sa first set ang seniors kaya kapag nanalo ang juniors this set, may third set pa.

sa hindi malamang rason, nanalo ang juniors sa second set. kaya isa lang ang ibig sabihin nito, ang third set ang makakapagsabi kung sino ang mananalo.

nagumpisang medyo kalmado ang laro ngunit ramdam ang tensyon sa loob ng gym. nagsisigawan ang mga tao kaya siguro pressured ng sobra ang parehas na team.

kasalukuyang 14-14 ang score. paano nangyari? hindi ko rin maintindihan. basta ang alam ko, si gabby na ang magseserve. kapag hindi niya napasok ito, ibig sabihin juniors na ang champion. halata namang nasa kanya lahat ng pressure. tumayo naman ako at sumigaw, "go gabby, baby ko!" ang cheesy pakinggan pero pake ba nila?

nakita ko namang napangisi si gabby at nagserve. parang alanganin naman yung serve niya ngunit nakapasok parin ito kaya yung kaninang kalmadong nakangising mga juniors na akala'y hindi makakapasok ang kanyang serve, biglang nagkagulo at hindi nasalo ang bola. pumito naman yung referee at gumawa ng sign na tapos na at seniors ang nanalo.

kaya ayun syempre nagwala ang mga seniors. "Congratulations, Seniors!" sabi noong commentator. napatingin naman ako kanila gabby at nakitang pinapatay na siya ng mga kaibigan niya sa higpit ng yakap.

"tara baba tayo." sabi ni felix kaya bumaba kami sa bleachers at pumunta kanila gabby.

"leche ka, annika gabrielle! pati ako kinabahan nung ginawa mong alanganin yung serve mo eh!" sabi ni reese na captain ball nila. natawa naman si gabby at napangiti na lang.

"congrats mga beshy!" sabi ni felix kaya napalingon sila samin. "uy, thank you sa pag cheer ah? nakakamotivate!" sabi ni jeanne kaya napangiti kami. "hmph! sabi dun sa bida bidang babae eh. nakakamotivate rin yung mga cheers." reklamo ni seungmin. "oo nga! bwiset yun!" sabat ni felix. mukhang nagtataray nanaman ang mga bakla ah? joke.

natawa naman ang mga girls. "sige, gabby. punta lang kami sa mga kaibigan namin ah?" paalam nila kay gabby at tumango naman siya. nang masolo na namin siya, niyakap naman siya ni jeongin. "ang galing mo, noona!" sabi nito kaya napangiti si gabby at yumakap pabalik. "thank you, jeong jeong." sabi nito. napa 'tsk' naman ako kaya napalingon si jisung sakin. "sungit mo pre. friendly hug lang eh." sabi niya at natawa. sinamaan ko naman siya ng tingin. "di, wala. dun ka na sa juniors" asar ni felix sakanya kaya nagpout siya. "ang cute!" sambit ni gabby at pinisil pisil ang cheeks ni jeongin. peste ah, nakakaselos.

"oh, hyunjin? para kang makakapatay ah?" bati ni gabby. psh, hug muna. "kiss muna." sabi ko sa kanya at tinuro yung pisngi ko. napa 'yuck' at 'ew' naman ang mga kaibigan namin kaya natawa si gabby. "kapag tumahol na yung pusa, sige." sabi niya. "patawa ka eh noh?" reklamo ko kaya natawa sila lahat.

habang masyado silang distracted sa pagtatawanan, lumapit ako kay gabby at hinalikan pisngi niya kaya natigilan silang lahat. nagsipagkantsawan naman ang mga kaibigan namin habang tulala pa si gabby.

"magnanakaw!"

"pakboi!"

"hokage!"

"chansing!"

"malandi!"

"drug lord!"

"ipakulong yan"

namula naman si gabby, "ok ka lang?" pang-aasar ko. hinampas naman niya ako, "baliw ka." mahinang sambit niya.

"sayo lang naman, babe."

"okay tama na landian. halina't mag celebrate tayo!" umagree naman lahat kaya nagcelebrate kami sa isang restaurant.

-

dapat talaga magnanarrate pa ako kaso wala na akong maisip na mga pangyayari maliban sa kumain sila kasi malamang asa restaurant sila hehe kaya wag na lang
(tamad din ako xoxad babye)

gabby | h.hyunjinWhere stories live. Discover now