Chapter 47: Hold on.. Friendship

276 7 8
                                                  

FLASHBACK:

Nang maka akyat kami ni Jungkook sa rooftop, agad akong sumandal sa pasimano. Sumunod naman siya atsaka tumingin sa kawalan habang ako naman ay nakatingin lang sa kanya.

Actually, kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil ngayon lang ulit kami magkakausap sa walang tao. Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang katahimikan.

"Anong pag-uusapan natin, hyung?" Pagbabasag niya sa awkward silence. Nagulat pa 'ko dahil ang seryoso niya.

Hindi agad ako nakasagot. Simula kasi nung makita ko sila ni Juliana sa ilalim ng puno, hindi ko na nakausap pa si Kookie. Dahil din 'yon kasi sa sobrang inis ko sa kanya kaya 'di ko na siya nagawang kausapin pa nang masinsinan.

Naiinis ako non sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Naiinis ako non dahil hindi ko maintindihan ang sarili ko. Naiinis ako non dahil napaka walang kwenta kong mag-isip! Naging makasarili ako kaya naiinis ako ngayon sa sarili ko.

Nagsisisi ako na hindi ko kinakausap si JK. Nagsisisi ako dahil sa nararamdaman ko. Hindi ko siya magawang kausapin dahil pinapangunahan ako palagi ng inis.

Ayokong masira ang friendship namin kaya ko siya ngayon niyayayang mag-usap.. Dahil ngayon lang din ako nagising sa bangungot! Tsk.

"Mianhaeyo." Isang salita pero maraming gustong ipahiwatig. Hindi ko alam kung bakit iyon ang unang lumabas sa bibig ko. "Mianhae." Pag uulit ako.

"For what?"

"For being selfish."

"What are you talking about? What are you trying to say, hyung? I don't understand you."

"I'm sorry.. Naging makasarili ako."

"Trinanslate mo lang hyung."

"I'm serious here Jungkook."

"And then? Bakit mo sinasabi sa'kin 'to? Hindi ba pwedeng sa ibang members? I don't get your point hyung."

"Just listen to me first. I'm begging you." Nanahimik naman siya atsaka tumitig sa akin na animo'y nakikinig lang sa teacher niya. Napa buntong hininga ako bago magsalita.

I don't know if this is the right time to say this, but my decision is final. Wala ng atrasan 'to. Gagawin ko ito para hindi masira ang pagkakaibigan namin.

I don't want to lose all of you.. My brothers..

"Nakita ko kayo noon ni Juliana sa ilalim ng puno.." Panimula ko. Hindi siya kumibo pero nakita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. "Nakita ko kayong magkayakap then I felt something strange in that moment. My feelings was confusing me. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis nung mga panahon na 'yon. I was selfish dahil sarili ko lang ang iniisip ko non."

"Hindi kita nagawang pansinin o kausapin. Pinangungunahan ako palagi ng galit kapag nakikita kita sa kadahilanan na hindi ko alam. I was so selfish. Hindi ko alam na may nasasaktan na pala ako at kaibigan ko pa." Naikuyom ko ang mga kamay ko. Damn this feeling!

Tumingin ako sa kanya. He is just staring at me so I continue.. "Napag desisyonan kong mapag-isa para makalimot pero hindi ko kaya. Sariwa pa din hanggang ngayon yung mga nangyari para sa'kin and it still hurts me. Gusto kong makalimutan lahat ng nakita ko para hindi na 'ko masaktan. Umiwas ako para maging okay na kayong dalawa pero nagkamali ako.."

"Hyung.."

"Nagkamali ako dahil hindi ko pala kaya." I sighed. "Hindi ko kayang makita siya na malungkot. Hindi ko kayang makita siya na nasasaktan. So I chose to be with her. Pinapangiti ko siya hanggang sa makakaya ko. It's enough for me when I see her smile. Hindi ko din kaya na wala ako sa tabi niya dahil nababaliw na din ako sa pag-aalala."

The Life of Being a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon