KIDLAT 16

353 41 2

K : 16

--

"Ate, ang ganda mo naman." Bungad ni Johan ng magising ito sa tabi niya habang nag-aayos siya ng sarili.
"M-may lakad kami ni kuya mo K-Kidlat." Nauutal niyang sagot sa kapatid. Bumangon ito naupo patabi sa kanya, nanunukso ang mata.
"May date kayo ate?" Bulalas ni Johan may ngiti sa labi.
Napakamot siya sa batok. "H-hindi date, uhmm friendly dinner lang." Nahihiya niyang sagot dito.
"Kunyare ka pa ate, alam ko naman na date tawag d'on." Patuloy nito sa panunudyo. Nakangiti niyang pinagmasdan ang sarili sa maliit na salamin ng kwarto nila. Nakalaylay ang makintab hanggang balikat niyang damit. Bumagay rin sa kanya ang pulang simpleng bistedang napili niyang isuot.
"Maganda ba ako, Johan?" Wala sa sariling tanong niya sa bunso niyang kapatid. Tumayo ito paharap sa kanya hinawi ang ilang hibla ng buhok na nasa pisngi niya.
"Maganda si nanay ate, kamukha mo siya. Kaya ang ganda mo rin ate." Natigilan siya sa naging sagot nito. Pilit siyang ngumiti sa harap nito.
"Bolero," Ginulo niya ang bonet na suot nito.
"Sana alagaan ka ni kuya Kidlat, gusto kita maging masaya ate. Maging masaya na 'di ako inaalala." Makabuluhang sabi ni Johan sa kanya. Napatikhim siya hinawakan ang maliit nitong kamay.
"Ikaw ang kasiyahan ni ate. Hindi magbabago 'yon. Love na love ka ni ate e."
"Pati si nanay?" Pilit siyang tumango sa tanong nito. Tulad ng sabi niya ito ang kasiyahan niya at ang lahat ng kasiyahan nito hindi niya bibiguin.


"HELLO, dad?" Si Nica ng sagutin nang daddy niya ang tawag niya.
"Yes, Hija?"
"I want to have dinner outside dad? Can you please go with me with mama?" Malambing niyang tanong sa ama.
Bumuntong hininga ito. "Kailangan ba talaga, Nica?"
"Yes, daddy. Sigi na, alam kong sawa na rin kayo sa pagkaing hinahanda lagi ni manang for us. It's time to dine somewhere dad." Patuloy niya sa paglalambing sa ama. Tumikhim ito.
"Okey, magapareserve ako sa Amare La Cucina." Napangiti siya ng banggitin ng daddy niya ang italian restaurant na paborito nilang mag-ina.
"Thankyou, daddy."
"Always for you, Nica." Pinindot niya ang end button pagkatapos magpaalam ng daddy niya sa kanya. Nagpasya siyang tumuloy sa salon ng kaibigang bakla sa mall para sa dinner nilang mag-anak.

"CANCEL ALL MY APPOINTMENTS TOMORROW." Aniya niya sa sekretarya, nagtaas ito ng tingin sa kanya nagtatanong sa ayos nito.
"Wala ka naman appointments sir!" anito. Tumawa si Kidlat sa sagot nito.
"Practice lang, malay mo sooner magkaroon rin tayo projects aside of Mr. Chong Go."
"Speaking of that tsinoy, sir. Magseset siya ng meeting once na makabalik siya ng bansa. With Mayor Tomas and people of Sitio Esperanza." Pagbibigay alam nito. Nagkibit balikat s'ya inayos ang kwelyo ng polo niya.
"I can handle everything, Josie. Kayang-kaya ko paikutin ang instik na 'yon sa mga kamay ko. Na hindi matatalo ang mga taga Sto. Esperanxa."

KIDLAT(LOVEMOVESINMYSTERIOUSWAY) Basahin ang storyang ito ng LIBRE!