50

1K 51 24
                                    

Lori

I slowly gained consciousness. Dahan-dahan ko iminulat ang aking mata. Napatingin ako sa aking paligid at napagtanto ko na nasa isang lumang gusali ako. I was about to move but I noticed that my hands are tied to the chair I'm sitting on.

Sinubukan kong kumawala at tanggalin yung tali. Pero sadyang mahigpit yung pagkakatali nila sa kamay ko. I screamed for help.

"T-TULONG! TULUNGAN NYO AKO!"

Maya-maya may dumating na isang lalaki. Naalala ko na sya yung lalaking humampas sa ulo ko. Tinignan ko sya ng masama.

"Sino ka?! Ano kailangan mo sa akin?!"

"Manahimik ka kung ayaw mong pasabugin ko yang ulo mo."

May halong pagbabanta nyang sabi sabay tutok ng baril sa akin. Napalunok ako dahil sa kaba. Tumawa naman sya ng malakas at naglakad na palayo at iniwan muli ako mag-isa dito.

Napatingala ako sa may butas na parte ng bubong at nakitang madilim na. Naramdaman kong may luhang namumuo sa gilid ng aking mata.

Walang nakakaalam na nandito ako. Kaya imposibleng may magligtas sa akin dito. Kung ito na ang katapusan ko, then I'm ready for it..

Wala na akong nagawa kundi umiyak nalang ng umiyak. There's no way I'm gonna escape from here.

• • •

Paglipas ng ilang oras ay bumalik na ulit yung lalaki. Nakangisi syang lumapit sa akin at hinawakan ang aking pisngi.

"Naku, mukhang walang gustong magligtas sayo."

Sabi nya at tumawa na parang demonyo. Dahil sa inis ko ay tinadyakan ko yung paa nya. Napasigaw naman sya dahil sa sakit at tinignan ako ng masama. He lifted his hand and slapped my cheeks. Napayuko ako at ramdam na ramdam ang hapdi sa aking pisngi kung san nya ako sinampal. Hinawakan nya muli tong pisngi ko at pinatingin ako sa kanya.

"May gana ka pang saktan ako ah?!"

He yelled. He once again slapped me on my cheeks. Sobrang sakit na ng pisngi ko at gusto ko ng umiyak. Pero di ko na iyon pinansin pa. Sasampalin nya ulit ako ng natigilan sya ng parehas namin narinig ang pagbukas ng pinto. Pagtingin ko ay nanlaki tong mga mata ko ng makita ko sya..

"Sino ka, ha?!"

Sigaw nung lalaki kay Minho. Binitawan nya pisngi ko tsaka lumapit kay Minho. Sobrang sama na ng tingin ni Minho dun sa lalaki at parang ibang Minho ang nakikita ko ngayon.

Ng makalapit na si Minho sa kanya ay sinapak nya ito sa mukha at diretsong natumba yung lalaki. Di naman nagpatalo yung lalaki kaya tumayo sya at sasapakin rin sana si Minho. Pero mabilis na nakailag si Minho at sinipa yung lalaki sa tyan at tumalsik naman sya.

Maya-maya, nagsidatingan yung mga alagad nya at pinaligiran si Minho. Sobrang dami nila at natatakot ako para kay Minho.

Mabilis na nakakailag si Minho sa mga sapak nila. Tumayo yung lalaki at kinuha yung baril tsaka tinutok sa ulo ko. Napapikit ako at napalunok dahil sa kaba.

"SIGE! LUMABAN KA PA AT IPUPUTOK KO TONG BARIL SA ULO NYA!"

Nanginginig na tong buong katawan ko dahil sa takot at parang nabuhusan ako ng malamig na tubig. Dahan-dahan ko iminulat ang aking mata at nakita si Minho na nakatingin sa akin. Sumenyas ako na wag na syang lumaban pa sa kanila. Humakbang sya papalapit at agad naman syang pinigilan nung mga lalaki.

"Aba lumalaban ka pa ah! Pwes!"

Sigaw nung lalaki at muli akong sinampal sa aking mukha ng napakalakas. Napayuko at napaiyak muli ng dahil sa sobrang hapdi.

"Wag mo syang saktan!!"

"Di lang sampal ang aabutin nitong babaeng to!"

Sigaw nung lalaki. Parang nanghihina na ako. Hinawakan ng lalaki tong buhok ko at pinaharap ako sa kanya. Naramdaman kong dumudugo na tong ilong ko.

"Mamili ka. Ibibigay mo sa akin yung pera o tatapusin ko tong buhay nya ngayon din!"

Sigaw nya. Tinignan ko si Minho at di ko nanaman mapigilang umiyak. I can see how worried his face is.

"Ano?! Sagot!!"

Bigla naman hinigpitan nung lalaki yung pagkakahawak nya sa aking buhok at di ko na napigilan pang mapasigaw dahil sa sakit. At dahil na rin sa sobrang takot.

"AAHH!"

"Sumagot ka, bilis!!"

"Oo na! Ibibigay ko na sayo! Bitawan mo sya!"

Sigaw ni Minho. Binitawan na nung lalaki tong buhok ko. Napatingala ako upang tignan sila. At napansin ko na may mga grupo ng lalaki ang nagtatago sa gilid.

Binitawan na nung mga lalaki si Minho at naglakad sya papalapit sa lalaki. Ng makalapit na si Minho sa kanya, ay bigla nalang sya ngumisi dahilan para magtaka yung lalaki.

"F*ck you."

Sabi nya at mula sa likod ay may kinuha syang isang baseball bat at hinampas ito sa ulo ng lalaki. Agad nawalan ng malay yung lalaki. At susugod na sana yung iba kay Minho ng magsilabasan na yung mga nagtatago sa gilid at inatake sila. Maya-maya ay nagsidatingan na yung mga pulis at agad sila inaresto.

Lumapit na sa akin si Minho at tinanggal na yung tali sa kamay ko. Nawalan ako ng balanse at mahuhulog na pero agad nya naman ako sinalo sa kanyang bisig. Agad syang kumuha ng panyo at pinunasan ang dumudugong ilong ko. Di ko nanaman napigilang umiyak.

"M-minho...a-akala ko walang magliligtas sa akin. S-sobra A-akong natakot Minho..."

Napahagulgol ako. Agad nya naman ako niyakap ng mahigpit.

"I'm sorry Lori. I'm sorry you have to experience this. Wag ka mag-alala, andito na ako. Ligtas ka na.."

He said. He lifted me up and I gently held on to his shoulders.

"Kailangan na natin sya madala sa hospital!"

Sigaw nung kaibigan nya. I suddenly felt dizzy and my vision got blurry.

"Lori!"

At tuluyan ng dumilim tong paningin ko.

...

an: what you guys think? sorry kung medyo lame sya. HAHAHA so many updates in one day lol. anyways, malapit ng matapos to.

will everything be back the way it used to be? hmm

TUTOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon