49

998 47 29
                                    

Minho

"Ano? Di pa nakakauwi si Lori dyan?"

Narinig kong sabi ni Mom, dahilan para mapatingin ako sa kanya. Her face looks worried. Napatingin ako sa orasan at lagpas 7:00 na ng gabi. Saan nagpunta si Lori??

"Nakatanggap ako ng text sa kanya kanina at sabi nya na ayaw nya na maging tutor. That was a while ago.."

Dagdag ni Mom. Di ko alam ba't bigla akong napaupo. Then I remembered all the harsh words I said to her nung chinat nya ako kagabi. I kinda felt guilty about it.

"Sige, we'll try calling her. Tatawagan nalang kita ulit."

Sabi ni Mom at binaba na yung tawag. Bigla nalang sya humarap sa akin.

"Mom, ano pong nangyari?"

"Hindi pa daw nakakauwi si Lori sa kanila. Kanina pa daw sya tinatawagan eh di naman daw sumasagot si Lori. Could you try calling her? Her Mom is getting worried."

Paliwanag sa akin ni Mom. I cursed under my breath. Puta Lori nasan ka ba?? Di ko alam bakit nag-aalala na rin ako. Tumango nalang ako at kinuha cellphone ko upang tawagan si Lori.

Nakailang tawag na ako at di pa rin sya sumasagot. Inunblock ko sya at imemessage sana sya pero bigla nalang sya nagsend ng isang message

Binasa ko iyon at nanlaki tong mga mata ko ng makita ko yung message nya.

"Magdala ka ng 1 million pesos dito (address). Wag kang magsasama ng pulis kundi papatayin namin sya.."

Hindi ito si Lori! Sino tong gagong to?! Nagsend ulit sya ng message at picture iyon. Ng makita ko yung picture na sinend ay para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Picture ni Lori na nakatali sa isang upuan habang walang malay. Putangina!?

"Meron kang isang minuto para pumunta dito. Or else, di nyo na ulit sya makikita."

Kailangan kong iligtas si Lori!

TUTOR. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon