Chapter 46: Did he changed?

231 9 0
                                                  

Suga's POV.

Hanggang ngayon ay hindi pa din ako tumitigil sa kahahanap sa tatay at kapatid ko. Pero hindi ko din maitatangging napapagod na rin naman na ako.

Walang araw na hindi ako tumigil sa kahahanap sa kanila. Walang araw na hindi ako tumutok sa cellphone ko. Dahil sa social media lang ako nakakapaghanap kaso sa ngayon ay palagi akong busy. Nawawalan na din ako ng oras.

Kailan ko kaya kayo mahahanap? Kailan kaya tayo magkikita-kita?

Kahit na paulit-ulit kong ina-upload ang picture ni Mommy-- dahil tinatanong tanong ko kung may mga alam ba sila kung may iba pang anak siya o kung may asawa, para ng sa ganon ay malaman ko kung nasaan sila. Kaso hanggang ngayon hindi ko pa talaga sila makita.

Nawawalan na ako ng pag-asa..

"Why did you bring me here?" Napalingon ako kay Aramina na ngayon ay nakaupo sa isang bench. Tinignan ko lang siya at hanggang ngayon bagsak pa din talaga siya.

Kanina pa siya malungkot at sa hindi ko alam na dahilan ay..

Nalulungkot at nasasaktan din ako.

I don't know why.

"I said, why did you bring me here?" Pag uulit niya habang nakatitig sa akin. Mahinahon lang siya at hindi galit kaya naman nginitian ko lang siya.

"Dinala kita dito dahil gusto kong mag relax." Atsaka ako tumingin sa mga nag zi-zip line. Ang totoo gusto kong isakay siya doon dahil nagbabasakali ako na baka mabawasan din kahit papaano ang lungkot na nararamdaman niya.

Hindi ko talaga alam kung bakit ginagawa ko itong mga bagay na 'to.

Nagulat ako ng bigla nalang siyang magsalita. Nakatingin siya sa malayo habang ako naman ay nakatingin sa kanya.

"Bakit kasama pa ako?"

"Dahil gusto ko."

"Tss.."

"Gusto ko lang tulungan kang makalimot."

"Bakit naman?"

"Dahil gusto ko."

"Bakit ba gusto mo?"

"H-ha?" Natigilan ako atsaka biglang napakamot sa ulo ko. Blangko ang ekspresyon ng mukha niya kaya 'di ko mabasa ang nasa isip niya.

Galit ba siya? O wala lang talaga siya sa mood?

Tsk! Ano ba 'tong nangyayari sa'kin?!

"Hindi nga kita natutulungan sa paghahanap mo sa tatay at kapatid mo tapos tinutulungan mo pa ako." Malungkot niyang saad. Tumabi ako sa kanya kaya napalingon siya sa akin. "I'm sorry.." Dagdag pa niya.

Pinagmasdan ko lang siya ng seryoso at kita kong bakas sa mukha niya na hindi siya masaya. Mukha siyang problemadong problemado na parang dala niya na din ang buong mundo. Malayong malayo sa itsura niya dati.

Na-aawa ako. Nag-aalala at nasasaktan ako kapag nakikita ko siyang ganyan.

Bakit ba 'ko nasasaktan? Hindi naman ako yung sinaktan.

"It's okay." Sagot ko. "Baka nga sumuko na din ako eh."

"Bakit ka susuko?"

"Dahil napapagod na din ako. Isabay mo pa yung mga schedules namin at pag-aaral namin. Hindi din naman kasi madali ang pinagdadaanan ko."

"Ako din naman hindi madali ang pinagdadaanan ko." Tumingin din siya sa mga nag zi-zip line atsaka nag buntong hininga bago magsalita. "Hayaan mo na. Kung pagod ka na, itigil mo na. Kung naka tadhana naman kayo na magkita kita, eh mangyayari din 'yan kaya 'wag mo na lang pangunahan."

The Life of Being a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon