16

456 18 1

[Hyunjin]

ang tagal naman nung babaeng yun jusko po. bakit ba ambabagal ng mga babae kumilos?

"uy, kanina ka pa ba? sorry natagalan ako" nakasimangot akong tumingin kay gabby pero nawala yung simangot ko nang makita ko siya. landi ng koyah niyo eh noh? hihi pokmaru aq. "baka matunaw ?" sabi bigla ni gabby kaya bumalik kaluluwa ko sa katawan ko. napangisi naman ako, "so sinasabi mong nakakatunaw titig ko? uyy ikaw ah. nahuhulog ka na sakin." napangiwi naman siya at hinila ako, "feeler mo masyado pota." ganun talaga, pakapalan ng face kapag kasama si kras hehe.

lakad lang kami ng lakad ni gabby hanggang sa napatigil siya. "saan ba tayo pupunta?" tanong niya bigla, napaisip naman ako. bobo, hyunjin niyaya mo siya magdate tapos hindi mo alam kung saan mo siya dadalhin? "ah eh.. di ko alam. ikaw bahala." binatukan naman niya ako kaya sinamaan ko siya ng tingin pero binelatan lang ako.

nauna naman siyang maglakad kesa sakin kaya napagdesisyunan kong picturan siya at ipost. wala, mapagtripan lang. maganda naman yung shot eh, siya hindi joke hehe. at dahil sinusundan ko lang siya, hindi ko namalayan na nakapasok na pala kami sa isang cafe.

"ano gagawin natin dito?"

"ngayon ka lang ba nakapasok ng cafe? aww, wawa jinnie."

"pano mo nasabi? dejok. ewan ko sayo, magorder ka na lang."

nagkibit balikat naman siya at dumiretso sa counter. naghanap naman ako ng pwedeng upuan dito sa cafe.

lumipas ang ilang minuto ay nakabalik na siya, "ito na lang din binili ko sayo kasi hindi ko alam ano gusto mo." sabi niya sakin at inabot ang isang iced coffee. nagpasalamat naman ako sa kanya at lumabas kami ng cafe, gusto daw kasi niya maglakad lakad.

nang makalipas ang tatlumpung minuto, sakto namang may nadaanan kaming nagbebenta ng ice cream. gusto raw kasi ng ice cream neto.

"ano gusto mo?"

"ikaw."

puta.

"im yours na. ano pa gusto mo?"

"ikaw lang."

stop, gabby.

"umayos ka, halikan kita diyan eh."

"luh sabi ko nga, strawberry ice cream gusto ko hehe."

napabuntong hininga naman ako at pumasok na doon sa ice cream parlor. naalala ko bigla yung nangyari kanina..

"ano gusto mo?"

"ikaw."

nyeta hyunjin kenekeleg ka nanaman. palabas na ko ng ice cream parlor nang bigla akong napangiti dahil naalala ko nanaman yung kanina kasabay naman ng pagclick ng isang camera. napatingin naman ako at nakita si gabby. "hmmm.. stolen. heheheh" sabi niya at kinuha yung ice cream sa kamay ko.

gabby, mukhang nahuhulog ako lalo sayo.

gabby | h.hyunjinWhere stories live. Discover now