Chapter 45: TaeKook and I

248 11 0
                                                  

"Hoy alien! Eto na lang kasi bilhin natin!"

"Ayoko niyan! 'Di masarap 'yan."

"Masarap 'toooo! Mas magugustuhan nila 'to kesa diyan." Turo ko pa sa hawak-hawak niyang blueberry jam. Nasa isang store kami dahil bumibili kami ng pasalubong para sa walo. Kasama na rin iyong Daddy ko syempre.

And speaking of that.. Tumatawag si Dad kaya napahinto kami pareho ni Taehyung sa bangayan.

[Hello Dad?]

[Musta ang fieldtrip, anak? Masaya ba?] No Dad! Hindi din masaya!

[Y-yes. Masaya po.] I lied. [Kasama ko din po kasi sina Kaycee.]

[Nice to hear that.] Masaya niyang sabi. [Pasalubong ko ah? Hehe.]

[Oh, yes Dad! I am buying right now.] Sabi ko na nakatingin pa kay Bwi. Inirapan ko siya dahil nang aasar yung mga tingin niya.

Bwisit ka elyen!

[Great. Aasahan ko iyan, anak ah? Hehe. Sige na. I'll have to go. Kinamusta lang naman kita kung anong lagay mo.] Napangiti ako. Ang sweet talaga ng Daddy ko! [I love you, my princess. Take care!]

[I love you too, Dad.] Then I clicked the end button. Pagtingin ko kay V, napabuntong hininga na lang ako dahil hawak pa din niya ang blueberry jam.

Ang kulit talaga! Mas masarap nga ang strawberry jam 'di ba?

"Taehyung naman. Strawberry jam na lang kasi! Kung may watermelon jam lang dito ibibili kita basta strawberry jam na lang."

"Ayoko." Tipid niyang sagot habang natatawa-tawa pa. Nakaka asar!

At sa sobrang inis ko ay kinuha ko sa kanya 'yong blueberry jam atsaka ito sinoli sa tamang lagayan. Pagkatapos ay kaagad kong binigay sa tindera 'yong strawberry jam na hawak ko para mabayaran na.

Kaso bigla ding lumapit si V na may dala pa ding blueberry jam. Hindi niya talaga tinigilan.

NAKAKAINIS NA!

"Hindi natin bibilhin 'yan. Eto ang bibilhin natin." Sarkastikong sabi ko habang nakaturo sa strawberry jam na hawak-hawak ni ateng tindera.

"Ayoko nga niyan. Gusto ko namang tikman iyong blueberry. Mahirap bang intindihin 'yon?"

"Strawberry na lang kasi. Mahirap din bang tanggapin 'yon?"

"Eh ayoko nga niyan eh."

"Eh ayoko rin niyan eh."

"Basta blueberry ang bibilhin natin pang pasalubong."

"I don't want blueberry jam!"

"But I want it."

"Sinabing--"

"Ano ba hija, hijo.. Parang jams lang pinag-aawayan niyo pa? Gusto niyo bang LQ kayo? Hindi maganda iyon kaya pwede bang pakibilisan niyo namang mag-isip kung ano ba talagang bibilhin niyo?" Pareho kaming natigilan ng ma-irita na si ateng tindera. Napatingin na lang ako ng masama kay Taehyung.

Kasalanan mo 'tong abnormal ka eh!

Hindi naman kasi aabot sa ganito kung pumayag na lang siya sa gusto ko. Bakit ba kasi ang hirap niyang paki-usapan?

Hindi ko din akalain na ganito pala 'to minsan kakulit. Oo makulit si Taehyung dahil napapanood ko na siya sa mga Bangtan Bombs pero iba na pala talaga ang kakulitan niya kapag kaharap mo na siya.

The Life of Being a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon