Chapter Three

4.8K 81 2
                                    

Chapter Three

NAKAKABINGI ang katahimikang namamagitan sa kanila ni Manuel. Hindi na siya nakatiis na makarating na lamang sila sa pupuntahan ng walang pinag-uusapan. Siya na ang bumasag sa katahimikang iyon. “Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?” tanong niya rito.

            Hindi nga imposible dito na matunton agad siya. Malamang ay nag-hire ito ng private investigator.

            “Sinabi mo 'yon sa 'kin kahapon, 'di ba?” sagot nito.

            Nagulat siya. Talaga bang sinabi niya iyon dito kahapon? “Nagpakitang gilas ka pala agad kay nanay,” biro niya.

Tumawa ito. “Bakit? Ano ba ang sinabi sa 'yo ng nanay mo?”

“Na boyfriend daw kita. Sinabi mo yata 'yon sa kanya.”

Tumawa ito. “Wala naman sigurong masama doon, hindi ba?”

Oo, walang masama roon, anang isang bahagi ng isip niya. Talagang pinapakilig siya nito. “Hmn. Saan tayo pupunta?” tanong na lamang niya.

            “Sa probinsiya,” anito.

            Muntik na siyang malaglag sa kinauupuan niya sa sinabi nito. “Ha? B-bakit doon?”

            “Nando’n ang pamilya ko sa Bicol.” Nakangiti itong sumulyap sa kanya.

            “Sigurado ka na ba talaga? Akala ko malapit lang. Tapos, sa Bicol?” Gulat na gulat na tanong niya. Na hindi pa nga siya nakakarating doon.

            “Sorry, hindi ka naman kasi agad nagtanong. At nakalimutan ko ring sabihin. Yes, sigurado na ako that’s why magkasama tayo ngayon.” Nakatuon pa rin ang tingin nito sa kalsadang tinatahak nila. “Wala ka namang boyfriend, eh.”

            Lumunok siya. “Pa’no mo nasabing wala akong boyfriend, aber?” Hindi niya alam kung ano ang mangyayari. May nabubuo ng isang ugali nito sa utak niya. Mahilig itong mangsorpresa, ang hindi nito alam ay masaya siya sa mga ganoong bagay. Pero itong mga sorpesang ito nito sa kanya ay labis na pagkamangha ang hatid sa kanya. “Ang sabi ko pa naman kay Nanay ay bukas na bukas din ay iuuwi mo na ako.”

            “Kung wala kang boyfriend, bakit magkasama tayo ngayon?” Ngumisi ito. “Sigurado akong pagdating natin do’n ay hindi mo na maiisipang umuwi. Give me your phone,” utos nito.

            Hindi na niya pinansin ang unang sinabi nito. Nabara na siya. “Ha? Bakit?” tanong niya.

            “Tatawagan ko ang nanay mo.”

            Binigay niya ang cell phone niya rito. Pero hindi agad nito iyon pinindot, bagkus ay iniksamin muna nito iyon. “I don’t know how to use this,” anito, “sorry.” Ang kanang kamay lang nito ang pinapagalaw nito.

            Gusto niyang matawa. Old model ang cell phone niya. Nanliit siya sa sinabi nito. Kinuha nito ang cell phone nito at binigay sa kanya. “H-hindi rin ako marunong gumamit nito, eh.” Ngayon pa lang ay dapat hindi na siya mahiya rito. Okay naman ito, hindi naman ito nakaka-intimidate.

            “Okay, dictate the number you want me to call. Ako na ang bahalang tumawag.”

            Dinikta nga niya rito ang numero ni Daisy, ilang segundo lang ay sinagot nito iyon. Nakipag-usap si Manuel sa inay niya. Kinabahan siya lalo sa mga pinagsasabi nito, ngumingiti pa nga ito, pagkatapos ay binalingan siya nito. “Okay na.”

The Fake Proposal (To Be Published in LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon