Chapter 1

73 6 1
                                                  


Candice as Maria Teresa Capukpok😍gondoo

Isay POV(Unedited)

"bili na,billiii naaa kayo mga minamahal kong suki, mga naggwagwapong at naggagandahan kong sukiii"
kumekembot pa niyang sabi habang papasok na sa mga cubicle ng mga emplayado ng SDM.

"Isay, anung dala mo ba? naku! panigurado busog na naman kami neto"

nagsilapitan na sila para bumili sakin nga ulam, breaktime na din nila para sa lunch.

matagal na siyang labas masok sa kompanya ng SDM.

pinapayagan naman siyang magtinda ng ulam ng May ari nitong Kompanya nasi Don Alfred Montero,

katunayan nga ay ito pa mismo ang nagrekomendang magtinda siya ng ulam sa loob ng kompanya kahit pa may sariling Canteen ang kompanya.

nakilala niya ang butihing Don nang mismong mapadpad ito sa kanyang pinagtratrabahuang karenderia,
nagtaka pa nga siya kung anung ginagawa ng isang katulad nito na mayaman sa isang pipitsuging karenderia, hindi naman sa maliit ang karenderia katunayan nga ay madami silang customer tuwing gabi,
mga nag-iinumang mga customer pero mababait at harmless naman sila,

kilala din naman siya roon ng kanyang mga nagiging customer dahil nakikipagkwentuhan di naman siya.

"sige pili lang po kayo, si Don Alfred po ba nandyan?
tanong niya kay Rica, isa ito sa mga naging kilala at naging kaibigan niya dito sa SDM,

mababait ang mga empleyado sa kanya kahit pa ba isang hamak na taga tinda lang siya ng ulam.

"ayy ou friend, halika ihatid kita sa office niya"

turan nito at iginiya siya nito sa office ng Don.

mamaya na niya kukunin ang bayad ng mga ito, iniwan niya din ang basket sa nagkakagulong emplaydo sa pagpili ng ulam nila. dinala lang niya ang paboriting ulam ng Don,

bumungad sa kanya ang isang pinto na may nakasulat na Office of CEO. kumatok na si Rica dito,

"sige friend,balik na ko doon, ako na magcocollect ng bayad nila"

"Salamat Friend, wag kang mag-alala sa susunod mong order dadamihan ko na." sabi ko sa kanya, tumawa lang ito at tumalikod na.

Binuksan niya ang pinto,

napangiti ng malawak ang Don ng makita siya.

"Isay hija, come here, did you bring me my favorite Caldereta?"
turan ng Don sa kanya.

"yes po Don Alfred i bring you da yummy caldereta of mine" napangiwi siya sa sinabi niya, parang mali ata english niya?

humalakhak naman ito sa kanya,
"hahaha you're really something Isay, kunin mo na lang bayad ko kay Secretary Kim, Hija"

"sige po Don Alfred, lalakad na ho ako" sabi ko sa kanya at tumungo na sa pinto pero muli akong napalingon sa kanya ng magsalita ulit siya.

"By the way, Isay hija, next week i will not be the CEO of SDM, my son will take over this company"
huh? paano yun baka hindi na ako makapagtinda ng ulam dito.?

"Don't worry hija, kahit wala na ako rito, makakapagtinda ka pa rin dito"
ngumiti ito sa kanya nahalata siguro ang kanyang pagaalala .
ngumit sya dito at nagpaalam na.

binalikan niya ang mga bayad na nakolekta ni Rica at nagpasalamat rito.

sino naman kaya ang papalit kay Don Alfred? sana naman mabait hihi.

--------------------------------------
malapit na silang magkita ommooo!!

please do vote and comment. follow me also.

Thankies❤️

Chasing Skyler Drew MonteroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon