Chapter 43: Riding Horses

236 13 1
                                                  

A/N: 🐰

Hi Bunnies! This is what you're waiting for. I'm sorry for the very very late update. I sincerely apologize to my readers who are waiting for so long. Thank you for the patience. I really love y'all! ❤

*******

Jungkook.

Nang makapunta kaming hotel, kaagad naman kaming sinalubong ni Rapmon hyung. Naupo kami sa couch.

"Musta ang Baguio trip? Masaya ba?" He asked, smiling. Si Juliana naman kausap si Suga hyung sa kabilang couch. Huminga muna ako ng malalim bago ako tumingin kay RM hyung.

"Okay naman. Kalahating masaya at kalahating nakakainis."

"Ha? Bakit nakakainis?"

"Kasama ko kasi 'yan." Sabay turo ko kay Juliana na nakikipag kwentuhan kay Suga hyung. Natawa naman ng mahina si hyung.

"Anong nakakainis doon? Masaya ngang kasama si Juliana."

"Sa'yo! Sa inyo! Pero sa'kin hindi. Paranoid 'yan eh. Nakakabaliw kausap."

"If that's what you think. Pero masaya pa ding kasama dahil fan mo siya at idol ka niya."

"Talaga ba?" Kunwaring inosenteng tanong ko. Na-alala ko yung sinabi ni Juliana sa'kin nung Hiroto ako nun. Iyong hindi na raw siya ARMY, tss..

Alam ko naman na ARMY pa din siya. Hindi na nga lang ako ang bias niya dahil nasaktan ko na siya noon. Kaya alam kong ARMY pa din 'yan kahit na nasaktan ko na 'yan. Ramdam ko pa din naman iyon.

"I don't think so." Sabi ko. "Asan na nga pala sina Jimin hyung at Hobi hyung? 'Di ba kasama niyo sila?" Pag-iiba ko nang usapan. Wala kasi sila dito sa sala.

"Nauna kami kasi talaga dito nina Suga hyung, Hobi hyung, at Aramina. Kumuha agad kami ng unit para sa ating sampu then sumunod na si Jimin tsaka kayong dalawa ni Juliana. Hihintayin na lang natin sina Kaycee, Taehyung, at Jin hyung."

"So nasaan yung tatlo?"

"Si Jimin na sa kwarto niya. Si Hobi hyung at Ara naman na sa kwarto ni Ara."

"Eh sina Jin hyung? On the way na ba sil--"

"We're here!!!" Sigaw ni Jin hyung dahilan para maputol ang sasabihin ko. Kasunod niya sina V hyung at Kaycee.

Nagtama agad ang paningin namin ni V hyung. Pero kaagad ko din na iniwas iyon at nahagip ng mga mata ko si Juliana. Ngiting ngiti pa nga eh!

"Kayceeeeeee!!!" Sigaw niya sabay lapit sa kaibigan. "Tara! Puntahan natin si Ara!" Excited niyang sabi.

"Nandito siya?" Tumango naman si Juliana. "Sige."

"Uy Taehyung, hello!" Napatingin naman si V hyung kay Juliana.

"Hello normal."

"Alien ka! Bakit ganyan ka? Akala ko ba nag-aalala ka sa'kin?" Nakangusong sambit niya.

"Kanina 'yon hindi ngayon. Okay ka na nga ngayon oh. Kung gusto mo batukan mo 'yang sarili mo nang do'n na ako mag-alala sa'yo." Pang-aasar niya.

"Abnormal ka talaga noh?! Sa tingin mo gagawin ko 'yon? Tsk. Diyan ka na nga!" Aalis na sana sila ni Kaycee ng bigla namang magsalita ulit si hyung.

"Joke lang 'yon, uy! Pikon ka kaagad."

"Joke mo mukha mo!"

"Sus, nagtampo. Tara nga dito babe! Lalambingin kita para 'di ka na tampo."

The Life of Being a FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon