Chapter Four

689 20 2
                                    

"Tell Mr. Ludwig that if he can't schedule a meeting again for his proposal, then we don't have a deal." Rinig  ko nanaman ang boses ni Chase mula sa kusina, may virtual  lunch meeting siya with some people siguro sakanilang kompanya. Kinakabahan nga rin ako sa tuwing tinataas niya ang boses niya dahil baka kung ano ng mangyari sa kanya mamaya. Sa mga naririnig  kong boses mukhang seryoso talaga ang pinag-uusapan nila lalo pa na mukhang galit si Chase. 

Tumunog ang cellphone ko at nakatanggap ng text mula kay Doc Javier, pinapapunta niya ako sa opisina niya para daw sa result ng ECG ni Chase kanina. Binalik ko ang cellphone sa pocket ng uniform kaso nagulat ako sa biglang pag sigaw ni Chase pag bukas ko sa  sliding door ng dining

"Why the fuck can't you understand?!" Huminga siya ng malalim nang makita ako 

"Kumalma ka nga, kanina pa umaabot yung boses mo sa labas. Itigil mo na nga yan at kung ano pa ang mangyari diyan sa puso mo." Napakamot siya ng kilay and he clicked something on his laptop. 

"I don't think you have the right to worry about my personal life." Panggagaya niya  sa sinabi ko kanina.

"Then look for a new nurse if you want" Naiiritang sagot ko sa kanya, hindi naman niya siguro nakalimutan kung ano ang trabaho ko diba? "I'll just go to Doc Javier's office" isasarado ko na sana ulit ang sliding door pero nag salita siya ulit

"Why?" He asked. Do I have to explain? Bakit ba ako nag tatanong?

"Kukunin ko lang ang result ng ECG" Isasara ko na sana ulit pero nag salita nanaman ulit siya

"Bakit hindi na lang siya ang pumunta dito?" Naririnig ko pa rin ang mga employees na nagsasalita sa virtual meeting nila, sana naman ay naka mute ang microphone niya?

"Let's not make it a big deal. I will be back later kapag iinom kana ng gamot." Hindi na siya sumagot kaya sinara ko na ang sliding door ng dining. Tumungo na ako sa opisina ni Doc Javier, malayo ang opisina niya sa VIP ward kaya malayo pa ang lalakbayin ko. Sana pala talaga siya nalang ang umakyat sa VIP ward.

Pag karating ko sa tapat ng pinto ay kumatok muna ako ng tatlong beses. Tumambad saakin si Doc Javier na nakasuot ng reading glass at scrub suit niya. Siguro pagkatapos ng therapy test kanina ay dumiretso siya ng operating room, nag lunch na kaya siya?

"I was imagining you entering my office in a scrub suit. Private nurse ka nga pala ngayon. " Umiling akong natatawa sa sinabi niya, inabot niya naman saakin ang isang basong kape.

"Sa susunod na araw sa ER naman ang duty ko" Sagot ko, namimiss ko na rin ang ER. Kahit pa na sobrang crowded at nakakapagod ang shift ko doon ay nakakamiss talaga.

"I am not sure about that because Mrs. Villanueva wants you to be a full-time private nurse of Chase" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, nilapag ko ang kape na kanina inabot niya saakin.

"Hindi yan kasama sa contract. Kailan rin nga ba ang transplant ni Chase? Sigurado ka bang wala pang donor? Bakit hindi nalang sa US magpa gamot?" Umupo si Doc sa kaharap kong single couch

"Dahan dahan lang naman sa pagtatanong, Ms. Carson. When I send them the result of ECG test earlier, Mrs. Villanueva start panicking so Mr. Villanueva said na gagawin ka nalang nilang full-time private nurse para mabawasan ang pag-aalala ni tita."

Ano bang nangyari sa ECG test result at masyadong nag-aalala si Mrs. Villanueva? Pati ako kinakabahan na rin.

"And for Chase's transplant, kapag wala pa ring puso na compatible sa kanya before this month ends, mapipilitan sila na sa ibang bansa nalang gawin ang transplant. I think Chase doesn't agree with that idea. " Napabuntong hininga ako sa sinabi ni  Doc. I don't get  it, siya na nga yung may privilege para mapabilis lang ang pag galing niya, tinatanggihan niya pa. Ano ba talagang problema ng lalaking  iyon? Napipikon ako sa mga pasyenteng ayaw tulungan ang sarili nila.

The Playful HeartbeatWhere stories live. Discover now