Chapter 58

8.9K 384 389
                                    

Damo's POV

"Tara na??" si Lee pag-upo ko.

"Ano? Aalis na kayo???" si Thirdy na parang iiwanan na siyang mag-isa sa tono niya, "kadarating ko lang, at ikaw," napatingin siya sa akin, "ba't mo ako binabaan kanina??? Hindi ka rin sumasagot sa mga tawag ko!" Kung makademand parang magulang ko ito ah, hmpf! Hindi ko siya inimik.

Pansin kong pinagmamasdan kami ni kuya Jerrold, napapangiti lang siya sa aming dalawa, "Lee mag-desert muna tayo, saan ka ba pupunta, para kang nagmamadali???"

Oo nga Lee, nagmamadali ka, andami pang natira sa isang buong lechon de leche na inorder ni kuya Jerrold. Parang wala na nga silang balak i-take out ang mga ito, sayang naman. Pero sabagay kailangan ko na rin na umuwi, ayaw kong magabihan, sa Payatas pa ako uuwi.

"Ihahatid ko pa si DJ sa kanila, nakakahiya naman kina Tito at Tita kung late na itong makauwi sa kanila....." si Lee na parang basang-basa niya ang nasa isip ko! May kakaibang super powers ata sila ni kuya Jerrold, nama-mind read nila ako, hehehe.

"Ang aga-aga, hindi pa nga lumulubog ang araw, at saka gabi na 'yan umuuwi sa kanila!" si tukmol na ibinaling ang tingin sa akin.

"Weekend po bukas, sa Payatas ako uuwi ngayon...." sambit ko.

"Maaga pa," giit nito sa amin ni Lee, at napatingin siya kay kuya Jerrold. "Tara punta tayong apat sa Tagaytay, magkape tayo para makapag-bonding naman tayo kuya, timing na rin at wala ang dalawa mong kapatid baka bukas o sa makalawa eh wala ka nang oras para sa amin," si ungas, tumayo na lamang siya basta habang kinukumbinsi si kuya Jerrold. Naku, huwag kang pumayag kuya, hindi kita matatanggihan.

"Parang ang lapit lang ng Tagaytay, andami namang coffee shop diyan!" pasimpleng pagtutol ko.

"Sige na, hintayin ko kayo sa labas...." si Thirdy at naglakad na ito papalabas ng restaurant, nakita kong sinundan ito ng kanyang mga bodyguard na nakaupo lang kanina sa may table malapit sa may pinto.

"Anong nakain niya kuya??? Kape sa Tagaytay, anlayo po......" sambit ko kay kuya Jerrold.

"Pagbigyan mo na, saglit lang tayo doon," si kuya Jerrold.

"May chopper si Thirdy..... at saka gusto lamang niyang ipakita ang bagong tayo nitong coffee shop...... pero kung ayaw mo, okay lang din...... ihahatid na kita sa inyo..." nakangiting si Lee.

"Ikaw DJ, kung gusto mong sumama?" hindi naman pala namimilit si kuya Jerrold unlike Thirdy, sadyang mabait talaga siya.

"Gusto ko na kasing magkapagpahinga......." turan ko..... DJ??? Pahinga o baka gusto mo lang magpahatid kay Lee??? Sort of, hehe.

"Okay, kami na lang ni Thirdy ang pupunta ng Tagaytay, tara na......" si kuya Jerrold, tumayo na rin si Lee. Pero wait ang mga lechon, andami pang natira, gusto kong iuwi, tiyak na matutuwa sila sa bahay niyan, paborito pa naman din nila ang lechon de leche, sa tuwing Pasko nga lang kami nakakakain nito, kung minsan wala pa.

"DJ, tara na...." si Lee..... at naituro ko bigla ang napakarami naming left overs.

"Uhmmm, pwede kong i-take out ang mga ito? Sayang naman, hehe," nahihiyang nakangiti kong saad.

"Sige, dagdagan pa natin??" si kuya Jerrold na napaka-generous magsalita.

"Ah, okay na ito kuya.... marami na ito."

"Sunod na lang kayo, kausapin ko ang driver, at si Thirdy sa labas..." sambit ni Lee.

"Okay," si kuya Jerrold at saka niya tinawag ang isa sa mga waiter upang ipabalot ang lagpas sa kalahating lechon de leche na hindi namin nakain.

The Fall of Achilles (BL Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon