KIDLAT : 15

538 41 4

K: 15

---
Pagod niyang hiniga ang katawan sa malambot na kama. At sa sulok na bahagi ng sariling silid nila ni Tomas. Muling sumariwa sa kanya ang nakaraan.


Isang malakas na sampal mula kay Tomas ang sumalubong sa kanya  sa malawak na sala ng pamilya nito.

"Hindi ko matatanggap ang dinadala mo!" Malakas nitong bulyaw sa kanya. Hilam ang mga matang nagtaas siya ng tingin para salubungin ang nagpupuyos sa galit nitong tingin.
"A-anak mo 'to Tomas! anak mo ang batang 'to!" Sa gitna ng hagulhol niya.
"Nagsisinungaling ka! akala mo hindi mo alam na may relasyon kayo nang Damian na 'yon!" Isa pang malakas na sampal ang pinatikim niya dito. Hawak ang nasaktang pisngi muli siyang nagtaas ng tingin
"Isipin mo na ang gusto mong isipin! ngunit hindi magbabago ang katotohanang anak mo ang batang dinadala ko!" Singhal niya,  hawak-hawak ang walong buwang sanggol na dinadala sa sinapupunan niya. Tinalikuran niya ang galit na galit na mukha ni Tomas.

"Ma?" Si Nica, tumabi ito sa kanya. Dali-daling niyang tinago ang sulat ni Johan na napulot niya nang mabangga niyo ito.
"Nag-away na naman ba kayo ni papa?" Tanong nito, hinawakan kamay niya. Umiwas siya sa tingin nito sa pasa sa ibabang bahagi ng mata niya.
"Marami lang, iniisip ang papa mo." Pagsisinungaling niya sa anak.
"Ma, hanggang kailan ka sasaktan ni papa? hanggang kailan ka iiyak?" Mga tanong ni Nica, na kahit siya hindi alam ang isasagot dit
"Nica, N-nica, okey lang ako! Ang mahalaga ang pag-aaral mo, ang kinabukasan mo anak. Ang pangarap mo." Niyakap siya ng mahigpit ni Nica, pigil ang luhang ginanti siya sa yakap ng anak niya.
"Aalis muna ako mama, h'wag ka nang iiyak ha! Kakausapin ko si papa para naman maging maayos na ulit kayo!"
"Nica, 'yan ang h'wag na h'wag mong gagawin. Kilala mo ang papa mo, ayaw na ayaw n'on ang panghihimasukan kagustuhan niya!"
"Pero ma, hindi naman pwedi ganyan lagi. Na pag may problema siya sasaktan ka niya! Ma, I'm not againts papa pero kong lagi kitang nakikitang ganyan. I'm sorry pero dapat na siyang kausapin para magising." Pagpipilitan ni Nica napangiti siya sa anak niya.
"Natutuwa ako anak! Dahil sa lahat-lahat na nagawang mali isa ka sa mga tama. Kaya ng mga kapatid mo!" Ngumiti ito sa harap niya.
"Pag tapos na ako ng pag-aaral ko. Hahanapin natin sila Ma, magsasama-sama tayo kahit maging malayo kay papa." Muli niyang niyakap si Nica, ang sakit na naramdaman ay nabalutan ng saya sa mga sinabi nito.
"Magiging magaling kang doctor, Nica. I trust you." Kumuwala ito, kinintalan siya ng mabilis na halik sa nuo.
"Thanks for trusting me, mama. And I also trust you na kaya mo putulin ang sungay at buntot ni papa maging matapang kalang ma." Tumango-tango siya. Matapos nilang muling magyakap naiwan siya sa sariling silid. Sa muling pagkakataon naalala niya ang pagbigay niya kay Trina sa bunso niyang kapatid.

NAKARAAN

"Ate C-Chandra! Ano 'to?" Tukoy ni Melda sa batang inabot niya rito kasama ang ilang damit nitong nabili niya bago niya isilang ang panganak na anak nila ni Tomas.
"A-anak ko siya! A-anak ko siya kay Tomas!" Aniya sa kapatid labis na nagtataka sa bigla niyang pagsulpot sa bahay nito sa Baguio.
"P-pero bakit mo siya binibigay sa'kin? Bakit kayo nandito?" Naguguluhang tanong nito. Tuluyang siyang napaiyak nang napatingin sila sa sanggol na buhat-buhat ni Melda.
"Nanganganib ang buhay niya kay Tomas! Hindi niya matatanggap si Trina, dahil naniniwala siya na anak ko ito sa ibang lalaki!" Pagtatapat niya. Napaupo sila sa maliit nitong sofa.
"Pinatay niya si Damian! Pinatay ni Tomas si Damian dahil 'yon ang pinaniniwalaan niyang tatay ni Trina! Pero maniwala ka sa'kin anak siya ni Tomas!" Sa gitna ng hagulhol niya. Nakaramdam ng habag si Melda sa pinagtapat ng ate niya. Kilala nito si Tomas kong gaano kalikaw ang bituka nito walang pinagkaiba sa tatay nitong kasalukuyang mayor ng siyudad.
"Ano ang balak mo?" Tanong ni Melda.
"Mangako ka sa'kin aalagaan mo siya! Ikaw nalang kayo ni Domeng ang pag-asa kong mabuhay siya malayo kay Tomas." Hinawakan niya ang kamay nitong nakahawak sa anak niya.
"Pero Chandra, hindi ko kayang ibigay sa kanya lahat ng makakaya mong ibigay."
"Nagkakamali ka! Melda, ikaw ang makakapagbigay sa kanya ng hindi ko kayang maibigay. Buong pamilya Melda, buong pamilya ang hindi ko kayang maibigay sa k-kanya!" Muli siyang napahagulhol sa harap ng kapatid. Matapos pagmasdan ang magandang mukha ng bata sa kandungan nito. Tumango-tango si Melda tanda ng pag sang-ayon.
"Aalagaan ko siya, aalagaan siya namin ni Domeng. Pero ate hindi mo ako mapipigilan na kilalanin ka niyang nanay niya at si Damian ang kilalanin niyang tatay niya." Napangiti siya sa kagustuhan ng kapatid. Sunod-sunod na tumango gaya nito 'yon rin ang gusto niyang mangyari. Na lalaki si Trina na 'di si Tomas ang kikilalanin nitong ama kundi si Damian ang buong pusong nagmahal sa kanya hanggang pati ang sarili nitong buhay nasayang dahil sa kasakiman ni Tomas.
"Aalis na ako! Dadalawin ko siya palagi."
"Mag-iingat ka ate, laging bukas ang bahay namin para sa'yo." Pagkatapos muling yakapin ang batang pinili niyang mawala sa piling niya, dahil sa masamang banta ni Tomas sa buhay nilang mag-ina. Laglag balikat na siyang tumalikod hindi na nagawang sulyapan muli ang sanggol na pumalahaw ng iyak pag-alis niya. Ang panganay niyang si Trina.
Bumalik ang pagbabalik ala-ala niya ng pumatak ang luhang kumuwala sa mga mata.
"Malapit na anak, mabubuo rin tayo, Trina!" Isang pangako binulong niya sa sarili para sa panganay niyang anak na nagtiis at sinakripisyo ang lahat para sa kapatid nito sa amang si Johan.

"HEY!" Bahagyang nagulat si Trina sa biglang pagsulpot ng binata sa tabi niya sa harap ng bahay nila.
"Tulog na si Johan." Aniya niya sa dalaga.
"Makakaalis ka na." Walang gatol na tugon ni Trina.
"Aalis lang ako kong sasama ka."
"Umalis ka man o, hindi! Hindi ako sasama." Malamig niyang sagot dito.
"You're so cold!" Pilit lang itong ngumiti sa pasaring niya. Pinagmasdan niya ang kapeng hindi ginagalaw nito.
"Ibuhos ko kaya sa'yo ang kapeng 'yan. Iinit ka kaya?" Natatawang biro niya sa dalaga. Liningon siya nitong mala-tigre.
Tumikhim. "E, kong ako magbuhos sa'yo ng kapeng 'to? Aalis ka na kaya sa buhay namin ni Johan?" Bwelta ni Trina, tumawa siya ng malakas.
"No!no!no! Hindi pa nga kita nililigawan at nagiging girlfriend! Aalis na agad ako?" Pang aasar niya sa dalaga. Tumayo ito dire-diretso sa malawak na bakuran nito.
"Mr. Kidlat Marundon, kong ang ibang babae nakukuha mo sa pa ganyan-ganyan mo. Pwes! Ibahin mo ako, I'm not easy to get!" Singhal  ni Trina kasabay ng pagbukas ng maliit nilang bakod na gawa sa kawayan.
"Makakaalis ka na." Ngumiti siya sa harap nito.
"You're so rude Tring, but no worries! Hangga't nandito ako walang ibang makakalapit sa'yo." aniya sa dalaga. Umiwas ng tingin si Trina binaling sa kotse nitong nakaparada.
"Uuwi lang ako pero susunduin kita mamayang gabi. Magdate tayo ipapakilala ko sa'yo kong sino si Kidlat Marundon Ms. Trina Vasques." Huling bilin ni Kidlat, linagpasan nito si Trina na walang anumang salitang lumabas sa bibig nito sa imbistayon niya sa dalaga.
"Masyado ka talagang bilib sa sarili mo na lahat makukuha mo." Bulong ni Trina sa sarili. Iniwan ang  binatang hindi pa nakakaalis, tumuloy siya sa silid nila ni Johan. Tinungo ang tokador kong saan maingat na nakasalansan ang mga damit niya maging ang mga bestidang nakahanger ng maayos.
"Alin kaya sa yellow o pula ang susuotin ko?" May excitement na tanong niya sa sarili para sa imbitasyon ng lalaking pilit niya mang iniiwasan, patuloy pa rin kumakatok gustong pumasok sa kan'yang buhay.

---

Hey labidabs, sorry sa napakatagal na update :) yey, ito na sila 😘

Watch out for Kidlat and Trina date sa next chapter. Muamua!

Hi stalkers 👋 un-edited 'to. Kaya asahan niyong maraming mali here 😁!!!

👅👅

KIDLAT(LOVEMOVESINMYSTERIOUSWAY) Basahin ang storyang ito ng LIBRE!