[45] ♕ Back

1.2K 23 10


Hana's POV

LIFE IS FULL OF SURPRISES.

Inayos ko lahat. Inayos ko yung problema ko. Ibinili ko ng bahay yung totoo kong pamilya. Naalala niyo yung guard na tinulungan ko? Siya pala yung ama ko. Ang liit ng mundo dba? Bago ako umalis ng Pilipinas. Minabuti kong ayusin lahat ng problema ko. Natuntun nina Mama't Papa yung totoo nilang anak. Tapos ako? Pumunta ako sa New York para magtrabaho. Sinabi ni Papa na kailangan ako doon. At ngayon, kailangan kong bumalik sa Pilipinas para tulungan yung anak nila Mama.

Naglakad na ako palabas ng airport. Sumakay na ako sa bago kong biling sasakayan. It's Lamborghini. Marketing Head ako sa New York. Umuwi ako dahil gusto ni Papa na ako ang maging bagong Business Head. How to be me? Charot. Biglang sumalubong saakin yung polusyon. Namiss ko rin ito. HAHAHAHA.

"Nay, maghanda po kayo susunduin ko kayo diyan. Bye." pagkatawag ko agad ko ring pinatay. Nagmamadali ako eh. May dinner daw kasi sa bahay nila Mama pinapapunta kami. Fairness di traffic ang Pinas.
Malapit lang naman ang bahay namin eh.

"Nay andito na po ako." lumabas na ako sa kotse ko at pumasok sa bahay namin. Di ito kasing laki sa kinagisnan ko pero okay na daw yun sakanila. Sobra na nga daw yung mga naibigay ko eh. Nakita ko silang may binihisan na batang lalaki.

"Nay, sino po yan?"

"Baby pa siya noon nung iniwan siya ng magulang siya sa tapat ng bahay natin."

"Hello po. Ako po si Chandler Cruz. Ikaw po ba si Mommy ko? Sabi kasi ni Nanie na wala akong Mommy."

"Ow. Your so handsome. Okay. You can call me Mommy." natakbo ito saakin. At yumakap ito saakin. "May pupuntahan tayo. Let's go?" kinarga ko nalang yung bata. 3 years old pala siya. Napakabibo niya nakakatuwa.

"Mommy sayo po ba yung kotse na wala sa taas."

"Mmm. . ."

"Gusto ko po yung may bubong. Natatakot po ako eh." ginamit namin yung dati kong kotse. Bakit ang gaan ng loob ko sa batang ito? Anak ko kaya ito? Joke. Wala akong pinagnasaan sa New York no? Nandito kasi sa Pinas eh. Kamusta na kaya yung lalaking walang abs na yun? Yung lalaking iniwan ko. Yung---

"Hays. Nandito na tayo." lumabas na kami sa kotse ko at kinarga ko si Chandler.

"Ang laki po nang bahay." komento ni Chandler. Pumasok na kami sa loob.

"Ma! Pa!"

"Anak namiss ka namin!" yumakap saakin si Mama at Papa. Hays. Namiss ko sila. "May pasalubong ka ba saamin?"

"Syempre naman Ma! Ako pa ba?"

"Hep hep. Tama na nga yan. Gutom na ako eh." nakita ko si Mira. Siya yung totoong anak ni Mama't Papa.

Bigla akong nakaamoy ng kakaibang pabango. Shit. Don't tell me andito siya? Noooo.

"Honey you're here!" sigaw ni Mira. At tumakbo ito papunta sa likod. Di ko yata kayang lumingon. Di ko kayanh harapin yung taong iniwan ko. Di ko kaya. . . Nauna nalang ako sa mesa. Nakayuko lang ako.

"Mommy, sad ka po?"

"Di naman baby. May problem lang si Mommy mo."

"May anak kana pala." halos di ako makahinga. Oy, air nasan na po kayo?

Casanova's  WifeRead this story for FREE!