#makeITsafePH: Sharing the Shareable

40 10 2
                                    

Lesson for today: Every time you interact, you impact.

Sa mundo kung saan lahat ng boses ay naririnig at lahat ng salita ay nababasa, mahalagang ating tandaan na anuman ang ating ibinabahagi sa mga kaibigan ay ituring din natin na naibabahagi sa mundo.

Hindi na lingid sa ating mga kaalaman na siguro kahit nagkulang ka lang ng tuldok sa post or caption mo ay sobrang pupunahin na ng mga tao kaya naman mag-ingat at maging sensitibo tayo sa pag-post, ha.

Kung may makita kang anuman sa social media platform na ginagamit mo, maaari kang mag-kumento ngunit siguraduhing in a nice way. Pwede ka mag-send ng private message sa taong iyon, kumiber ka na lang at wag makialam o gumawa ka ng bagay na tiyak makapagbibigay ng tulong.

Having the right impact is really important lalo na when you want your voice to be heard. Pero bago pa man iyan, siyempre kailangan aware at may clarity tayo sa kung ano ang mga ganap, subukan nating mag-offer ng suporta o kaya naman ay manghingi na ng tulong sa mga tamang tao.

Speaking of tulong, para sa mga kaibigan nating kailangan ng mental and emotional help, maaari nating silang i-direkta sa ating 24/7 Hopeline. Isa itong 24/7 na line na maaaring tawagan ng sinuman na nangangailangan ng mental and emotional help.

Dahil mahilig naman tayong magbahagi, huwag kalimutang ibahagi ito, ha.

Dahil mahilig naman tayong magbahagi, huwag kalimutang ibahagi ito, ha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Source: https://www.rappler.com/move-ph/139382-doh-hotline-mental-health-assistance

#makeITsafePHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon