MFL #19

1.3K 33 1
                                    

Sassy's POV

gabi na (7:00pm)  pero andito parin sa bahay namin si Miggy nasa sala kami at sa sahig na lang kami nakaupo para mas komportable, magkaharap kami sa isa't isa at nasa gitna namin ang isang table. this is the first day na kailangan ko syang itutor, at tinanong ko sya kung saan kami kaso gusto nya daw sa bahay namin, pero di na ko nakipagtalo, pumayag na lang ako para naman di na ko mamasahe:)

"hoy ano ba yan, binigyan kita ng break para makapagpahinga hindi yung maglalaro ka ng mobile game jan sa phone mo" inis kong sabi

"saglit lang mananalo na ko" sabi niya. aba aba ang pasaway talaga ng taong toh.

"tama na yan mag sisimula na ulit tayo" sabi ko pero parang wala syang narinig, kaya nakaisip ako ng idea.

"pasaway talaga" sabi ko sabay agaw sa phone nya.

"akin na" sabi niya sabay lapit sakin at umupo sa tabi ko. saktong aagawin nya nung bigla kong inilayo.

"gawin muna natin yung mga assignments natin" sabi ko at pilit nya ulit na kinukuha pero inilalayo ko, hanggang sa tinaas ko ang phone nya using my two hands. bigla syang napangiti sakin na kinakaba ko at kinainit ng pisngi ko, at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nung inilapit nya sakin ang mukha nya. tsk bakit ba lagi ko tong nararamdaman dahil sa kanya>_<

"may nakapag sabi na ba sayo na ang cute mo?" nakangiti nyang tanong na parang gusto ng sumabog ng puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok nito at ramdam ko rin na nag iinit na ang buong mukha ko, yes buong mukha, at hindi lang pisngi. naiilang at nangangawit na ko kaya ibinaba ko na ang kamay ko at nilapag na sa table yung phone nya, inilayo ko ang mukha ko sa kanya at umusog narin ako ng pag kakaupo sa kanya.

"uyy hindi mo pa sinasagot yung tanong ko" sabi niya. tsk bakit ba parang natataranta ako>_<

"m-marami ng nagsabi" nautal kong sabi without looking at him, at kumuha na lang ako ng isang libro at tinuon ko ang sarili ko dun.

"gusto ko ring sabihin sayo na ang cute mo lalo na pag nagbablushed ka" sabi niya na kinagulat ko kaya bigla kong isinubsob ang mukha ko sa librong hawak ko, tsk nakakahiya, nakita nya pa kong nag bablushed, nako baka isipin nya nagblushed ako because of him, tsk>_<

"oo nga astig at mataray ka pero hindi maalis ang pagiging cute mo" sabi niya, tsk nahihiya ako dahil sa kinikilos ko ngayon, tulad na lang nitong pagngudngod ko sa sarili ko sa libro.

"akin na nga yang libro mag aaral na ko" narinig kong sabi niya sabay tanggal ng libro sa mukha ko, kaya kinuha ko na lang yung notebook ko para gawin ang assignments ko.

"mag aaral akong mabuti at ikaw na ang inspiration ko from now on" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

Habang nakatingin ako ay nag babasa lang sya sa libro at hindi ko alam kung bakit parang ang sarap nyang titigan, kaya nga hindi ko na naiwasang mapangiti(⌒_⌒). teka nga, ano yung sinabi nya?
"mag aaral akong mabuti at ikaw na ang inspiration ko from now on"  wahhhhhhhhhhh ang lakas ng tibok ng heart ko. at parang nag eecho sa tenga ko yung mga words na yun "mag aaral akong mabuti at ikaw na ang inspiration ko from now on" tsk>_< paulit ulit na pumapasok sa tenga ko.

while looking at him ay nawala ang mga ngiti sa mukha ko nung biglang pumasok sa isip ko ang mga sinabi ni Candy. Umiyak daw si Miggy because of a girl who hurt him so much, I can't believed na nangyari sa kanya yun, pero okay naman na sya ngayon, lalo na't may isang girl daw na muling nag pasaya at nag patibok sa puso ni Miggy:)

"baka matunaw ako" sabi niya na kinataranta ko dahil kanina pa pala ako nakatulala sa kanya at nakatingin na sya sakin ngayon with a smile.

"sabihin mo lang kung naiinlove ka na sakin huh, kasi ako inlove na ko sayo" sabi nya na parang kinafreeze ko, tsk>_< bakit nya sinasabi yan.

MY FIRST LOVE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon