KIDLAT : 14

390 30 3


KIDLAT : 14

---
"Ate! ate!" pagpigil ni Johan sa kamay ni Trina, nilingon niya ito kagat labi.
"Ate, please po!" nag-iwas siya ng tingin tinapunan ng tingin kong saan naiwang nakatayo ang nanay nilang inaasahan niyang susunod sa kanila.
"Johan, kailangan na natin umalis naghihintay si doc Zeke." pagsisinungaling niya sa kapatid.
"Kahit ilang oras lang ba ate? hindi ba natin pweding unahin muna paghulog ng sulat kay nanay." aniya nito, Napapikit siya hindi alam kong paano ipapaliwanag sa kapatid ang lahat.
"Babalik tayo dito hindi lang ngayon kasi kailangan mo talaga magpatingin muna!" lumuhod si Trina paharap dito muling nakiusap umaasang maintindihan nito.
"Sigi ate naiintindihan kita basta ate mangako ka sa'kin na sa susunod na magsabi ka totohanin mo na!" Lihim na napakagat-labi si Trina.
"Promise, totohanin na ni ate h'wag lang ngayon ha!" Ngumiting pilit si Johan muling lumingon sa lugar na lingid sa kaalaman nito nakaharap na nila ang nanay nila. Tinanggap niya ang kamay ng ate Trina niya laglag balikat na iniwan nila ang gusaling naging tahanan ng nanay nila sa mahabang panahon.

"Hi! Trina." Bungad ni Kidlat sa dalaga tinawagan niya ito bago dumalaw sa bahay ng magkapatid.
"Anong kailangan mo?" Walang siglang sagot ni Trina. Nasa hospital na sila kong saan pinapatingnan kondisyon ni Johan sa puso.
"Just want to say, imissyou!" Walang gatol nitong tugon. Napasinghap si Trina napatingin sa gawi ng kapatid na tinitingnan ni Zeke.
"Pagod ako!" aniya ng dalaga.
"Papunta na ako sa inyo. Gusto mo ba full massage para mawala pagod mo?" Biglang napaupo ng maayos si Trina.
"Ano sabi mo?"
"Papunta ako sa inyo, may dala ako para sa inyo ni Johan!"
"Hindi kami nanghihingi nang kahit na ano sa'yo."
"But I insist!"
"Ate, sino 'yan? kinakausap ka po ni kuya Zeke." aniya ni Johan.
"Zeke? Trina nasaan ka? Trina sabihin mo sa'kin nasaan ka?" Narinig niyang sunod-sunod na tanong ng binata.
"Doc, kamusta si Johan?" Tanong ni Trina matapos ibaba ang telepono.

Nakaramdam ng alarma si Kidlat nang marinig ang pangalan ng doctor na tumitingin sa kapatid. Nagmadali siyang inayos ang sarili kailangan niyang puntahan ang mga ito. Ayaw niyang mapalapit ang mga ito sa doctor na 'yon lalong lalo na si Trina. Bitbit ang groceries na binili niya nagmadali siyang tunguhin ang sariling kotse.

"Malapit nang maihanda ni Johan ang sarili niya sa operasyon. Bago tayo magkaroon ng right donor, Trin!" Panimula ng binatang doctor sa harapan ni Trina sa canteen na pinagdalhan nito sa kanya.
"Sana nga makahanap na tayo! Ako nahihirapan para sa kanya bata pa siya Zeke para maranasan lahat ng 'to!"
"He will be okey, malakas si Johan! matapang malalagpasan niya 'to sooner or later makakahanap rin tayo." Pagbibigay pag-asa ng mabait na doctor kay Trina sabay nilang pinagmasdan si Johan kalaro ang mga batang may sakit sa puso tulad nito.
"Trina!" Sabay na nagtaas ng tingin ang dalawa sa isang lalakeng biglang dumating sa tabi nila. Nagtatanong ang matang tiningnan ito ni Trina.
"Tapos na yata session niyo ni Johan! can we go now?" Hinawakan nito braso ng dalaga. Nagkatinginan ang dalawa nakangiting tumango si Zeke.
"Okey Trina! sinusundo ka na yata ng boyfriend mo." Tudyo ni Zeke. Nauna itong tumayo sumunod siya.
"I have to go, please tell Johan. He will be okey!" Tumalikod ito matapos magpaalam sa kanilang dalawa. Pabalyang hinila ng dalaga ang balikat niya sa pagkakahawak ni Kidlat.
"What are you doing here?" Galit niyang tanong dito.
"Hindi ba sinabi ko sa'yo pupunta ako sa inyo?"
"Well! hindi naman bahay 'to! hindi mo ba nakikita hospital 'to?"
"And I don't care! hospital man o bahay niyo man o kahit saan ka man pupuntahan kita! lalo pa't kasama mo ang lalakeng 'yon!" Tukoy nito kay Zeke. Tumawa siya ng pilit sa nakikitang emosyon sa mukha ng kaharap.
"Kidlat, please! makakaalis ka na!"
"Aalis akong kasama kayo! Johan.." Tinawag nito si Johan agad lumapit sa kanila ng makita ang binatang nasa tabi niya.
"Kuya,"
"Uuwi na tayo." Si Kidlat nakangiting inilahad ang kamay sa kapatid niya.
"Kaya namin umuwing dalawa."
"May kotse ako ayaw kong mahirapan si Johan! pero kong ikaw gusto mo maglakad just go! mag-isa ka!" Antipatikong sagot ng binata sa kanya. Pinandilatan niya ito hinila ang kamay ng kapatid patiuna dito.
"Nag-aaway na naman kayo." Aniya ni Johan nang makaupo sa likuran ng kotse ni Kidlat, umikot siya sa gawi paharap ng makitang maraming plastic bag sa tabi ng kapatid.
"Masanay ka na, Jo! ganito lang kami maglambingan ng ate mo. Hindi ba Trin?" Kinindatan siya nito sa gawi niya pag-upo niya sa harap patabi dito.
"Lambingin mo mukha mo." Sagot niyang nakatirik ang mata sa nakangiting mukha nitong nagsasabing 'panalo na naman siya.'

Dear nanay,
Kamusta ka d'yan sa ibang bansa? Malamig po ba d'yan? Mainit? marami ka ba trabaho nanay? mag-iingat ka lagi ha, magsusulat kami ulit ni ate. Hinihintay ka namin nanay, hinihintay kita.

Love,
Johan and ate Trina.

Mugto ang mga mata ni Chandra matapos basahin ang sulat ng anak. Ang sobreng nalaglag nito kanina nang magkaharap sila. Nanginginig ang kamay na muli niyang binalik sa sariling bag ang sobre sa takot na makita siya ni Tomas. At muling pagbuhatan ng kamay nito.
"Napakabuti mong bata Trina, malayong-malayo ka kay Nica at sa tunay mong ama! sa tunay mong ama na si Tomas, anak!" Pig ang hiningang bulong niya sa sarili. Sa sikretong matagal niyang pinakainingat-ingatan. Pinangako niya sa sariling hindi dapat malaman ni Tomas na tunay nitong anak si Trina na 'di niya nagawang ipalaglag ang panganay nila nang malaman nitong babae si Trina.
"Proprotektahan ko kayong tatlo mga anak! hindi ko hahayaan na may isang kagaya ni Tomas ang makakasakit sa inyo!" Pinangakong muli ni Chandra sa sarili matapos sa isip sinariwa ang masayang mukha ni Trina mula sa malayo kong saan lagi niyang tinatanaw ito tulad nang mga sandaling 'yon tahimik siyang nakamasid sa may 'di kalayuan malayo sa kinaroroonan ng mga anak kasama si Kidlat, ang lalakeng sigurado siyang nagbibigay ng saya sa buhay ng panganay niyang anak.

"Hey!" Pigil niya sa kamay ng dalaga.
"Umuwi ka na!" Patuloy sa pagtataray ni Trina nang makababa sa kotse nito.
"Ang ganda mo ngayon." Aniya sa dalaga napahinto ito sa paglalakad para sundan si Johan sa loob ng bahay nila.
"May pagkasira-ulo ka talaga! galit-galitan tapos bait-baitan!" aniya nito hinuli ni Kidlat ang kamay nito sa dibdib niya nang akma siya nitong hampasin.
"Sa galit-galitan at bait-baitan! saan ka mas attractive Ms. Vasquez?" 'ika niya sa dalagang nakatingin sa mga mata nito walang paalam na dinala niya sa labi niya ang kamay nito.

---

Hey you guys! Ayern na :)
Nagbabalik na.
Kong may makita kayong mali unedited po ito ala na ako time mag edit antok na ako 💕😘

KIDLAT(LOVEMOVESINMYSTERIOUSWAY) Basahin ang storyang ito ng LIBRE!