"Siguraduhin mong gagalaw ang buong miyembro ng kabilang team." Hinampas nya ito ng mahina sa likod at tsaka umupo sa bench. Kahit na hindi alam ng babae kung anong ibig sabihin nito ay tumango na lang sya.


Pumito ang coach na nagsisilbing signal na magsisimula na ang 2nd quarter. Bago magsimula ang laban ay napatingin sa direksyon nya si Captain Madell na may pagtataka. Napailing na lang ito at inilagay ang atensyon sa laro.


Kung tutuusin ay mas magagaling ang nasa kabilang kupunan. Sa katunayan ay natatambakan na ang grupo ni Lex. Pero parang wala ito sa kanya.

Natapos ang 2nd quarter, hindi man lang nangalahati ang puntos nila sa ng score ng kalaban. Dahil sa galit ay sinipa ng isang miyembro nila ang bench ng mismong inuupuan ni Lex at binigyan ng isang malutong na sampal. Lahat at nagulat dahil doon. Pati na ang naglalaro ng volleyball ay napahinto sa paglalaro. Bilang best friend ni Lex, lumapit si Crisha at inilayo ang babae kay Lex na ngayon ay namumula ang pisngi at bahagyang nakalingon sa kanan.

"Dahil sayo matatalo tayo!! Anong pinaggagawa mo ha?! Dapat sayo mag quit sa basketball team dahil wala ka namang ginagawa. Ikaw! Ikaw ang magiging dahilan ng pagkatalo ng team sa Athletic Meet kaya hanggang mas maaga pa mag quit ka na lang!! Hindi ka namin kailangan."

Lex turned to the girl's direction with a blood trickling down on the side of her lips. Everyone gasp upon seeing it. Lalapit na sana ang miyembro nya sa kanya ng gumamit sya ng hand gesture para hindi ang mga ito makalapit sa kanya.

"You very much need me Miss Aranas."

Lex spit the blood.

"Now if you are very well cooled down, shall we continue the game?" It is very much like na yung Coach ang kausap nya sa huling parte na sinabi nya. Nang makita ang reaksyon nya na seryoso ay pumito ang coach para simulan ang 3rd quarter, ang final quarter ng practice game. Bago sya tumapak sa loob ng court ay lumingon sya sa babaeng sumampal sa kanya.

"Hindi ka maglalaro. Sit down and cool yourself and let me handle this." Itinuro nya ang isang player na lumapit sa kanya at sumama sa loob ng court. May sinabi sya sa mga players bago pumasok sa loob ng court. Tumango ang mga ito sa sinabi nya. Wala namang sinabi ang kanyang team at pumwesto na lang dahil nasa kabilang kupunan ang bola.


Ipinasa ng player ang bola kay Captain Madell. Nasalo nya ito ng walang kahirap hirap at tumakbo papunta sa kabilang side. Dahil sa agaw pansin si Lex, si Lex ang nagbantay dito. Nagkatinginan lang sila sa isa't isa. Walang gustong bumitaw ng tingin, pero naputol ito ng may humablot ng bola sa kamay ng Captain. Dahil sa pagkabigla hindi nya napansin na malayo na pala ang narating ni Lex at ipinasa ito sa kanya, pero sa hindi malamang dahilan ay ipinasa nya ito sa nasa unahan nya at ito mismo ang naghulog ng bola sa ring.


Lahat ay parang naguluhan sa lahat. Nagtataka kung paano ito nagawa. Ngunit sa bawat minutong lumilipas ay kupunan lang ni Lex ang pumupuntos. Hindi nila alam kung saan at kanino napupunta ang bola kaya sila naguguluhan. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay nalampasan na nila ang score ng kabilang kupunan. Pagtataka at pagkalito ang naglalaro sa isip ng kalaban, pero isa lang ang alam nila pakana lahat ito ni Lex kaya kailangan nila itong pigilan.

Sa natitirang dalawang minuto, napunta ang bola kay Lex. Sa kanyang inaasahan ay higit sa isa ang nagbabantay sa kanya. Pero ang hindi nya inaasahan ay tatlo ang mga ito. Wala syang choice kundi ang ipasa ito sa iba. Nawala ang mga nagbabantay sa kanya. Ngunit magaling ang nagbabantay sa may hawak ng bola kaya napatingin ito kay Lex para ipasa dito. Napatingin sya kay Captain Madell at nanlaki ang mga mata nya. Isang bola ng volleyball ang papunta sa direksyon nito at tatamaan sa ulo.


Lahat ay nag slow motion sa paningin ni Lex. Ang bolang pinasa sa kanya, ang timer na limang segundo na lang, ang sigaw ng volleyball players na umilag, at ang bolang tatama sa kanilang captain. Napatingin sya sa mga ito at hindi alam ang uunahin. Pero mukhang may sariling isip ang kanyang katawan. Tumakbo sya patungo sa kanilang Captain.

 

Isa lang ang tumatakbo sa isip nya at wala ng iba.

She must save their Captain.

He's In love With A TomboyWhere stories live. Discover now