48.

588 43 15

hwang hyunjin's

"sige una na kayo," sabi ni shani kay seungmin. pauwi na kami ngayon at exam na bukas kaya kailangan pa magreview.

"sabay na tayo," pagpupumilit ni seungmin pero umiling si shani, "nagtext kasi si chari na natutulog daw di jaena sa library kaya mauna na kayo umuwi." pag-eexplain nya.

napabuntong-hininga nalang ako sa narinig ko. ilang araw nang nakakatulog si jaena sa tuwing magrereview sya sa library para sa exam. mula nung iwasan ko sya, madalas sya sa library para magreview o kaya naman ay sa classroom.

sa tingin ko nga nagpupuyat pa sya sa bahay nila kaya laging tulog kapag vacant time nila-

"sus, kunwari iniiwasan pero panay hatid ng pagkain kapag tulog!!" sigaw ni yunri sakin nang inilabas ko yung inumin at snacks mula sa bag ko.

"edi matulog ka rin para bigyan ka ni felix," sagot ko sakanya. sasagot na sana sya nang sumabat na si Felix. bastos e, sumasabat sa usapan ng mga kyut.

"kahit gising sya kaya ko sya pakainin. eh ikaw?" pangpoprovoke nya sakin. nakita ko naman yung page-epilepsy deep inside ni yunri. di ko naman na pinansin si felix, aba ano sya? chixx?

humarap nalang ako kay shani na di ko malaman kung nakatalikod o ano- dejoke.

"shani palagay nalang sa tabi ni jaena kung tulog pa sya," bilin ko sabay abot ng snacks na hawak ko sakanya, "thank you." tinanguan nya naman ako saka na inaya si yunri papunta ng library.

sabay-sabay kami ni seungmin at felix pauwi. alam nila na iniiwasan ko si jaena dahil dun sa hindi nya pagsagot sa tanong ko nung isang araw.

sakit kaya 'nun. naghintay ako, umasa... pero di sya sumagot.

"uy, hanggang kailan mo iiwasan si jaena?" tanong ni felix.

"oo nga? iniiwasan mo pa eh miss na miss mo na," dagdag pa ni seungmin na umiiling-iling pa habang naglalakad kami.

hangga't kaya ko, iiwasan ko na.

"mabuti na 'yon kaysa naman mairita pa sya sakin," ngiti ko sakanila, ngiting pilit.

"sira rin 'to e, pina-fall si jaena tas biglang iiwas, tsk."

"ano?" tanong ko kay seungmin. bumubulong kaya para tuloy syang nagoorasyon na ewan.

"wala, wala." ngiti nilang dalawa sakin. mas gwapo parin ako mga bwiset.

nauna na kong maglakad sakanila at narinig ko naman silang nagkwentuhan tungkol sa mga lablayp nila. eww.

ano na kayang ginagawa ni jaena? ba't kasi nagpapakapuyat pa para sa exam? akala mo naman ikakabagsak nya yon.

"hyung!" tawag ni felix sakin mula sa likuran kaya humarap ako, "nagtext si yunri, oh." sabay abot sakin ng cellphone nya kaya binasa ko, "nagtetext rin daw sya sayo pero di ka nagrereply."

iiling-iling kong ibinalik kay felix yung phone nya saka ko na sila iniwan at dumiretso ako ng library.

naabutan ko sila yunri na naghihintay sa labas kasama si shani at chari.

"bakit pinapauna nya na kayo?" tanong ko agad sakanila.

"tinatamad pa daw umuwi amp." nakapout na sagot ni yunri. parang bata ah.

"kailan ba di tinamad yon," natatawang irap ni shani kay yunri.

"ngumuya nga lang tinatamad yun eh!" dagdag pa ni chari tsaka sya tumawa.

tinext nila ako na pinapauna raw sila ni jaena sa pag-uwi. baka daw kasi makaistorbo pa sya sa kanila.

"sige una na kayo." sabi ko sakanila saka na ako pumasok ng library at hinanap si jaena.

nakita ko sya sa sulok na nakaduko sa table habang nakaayos na yung mga libro sa gilid nya. tingin ko paalis narin sya pero pinili munang matulog. bwiset paano kung mapagsaran sya dito? sino gigising sakanya? tsk.

nilapitan sya ng nagbabantay ng library para gisingin, oo nga naman may librarian— pero agad ko yun pinigilan.

"kailangan na magsara ng library," sabi sakin nung librarian kaya nginitian ko sya.

"ako na po bahala."

tinanguan nya ako saka sya bumalik sa inaayos nya. nanatili lang akong nakatayo sa gilid ni jaena.

"napaka-study first mo naman, babe." tinitigan ko lang sya, "sabagay kaya nga kita nagustuhan dahil dyan e. pero, wag naman sana abot sa point na nagkukulang ka na sa tulog.."

nagustuhan ko sya kahit na napakasungit nya. ngingiti nga sya sa mga babati sakanya sa hallway, pero kapag ayaw nya sa isang tao, susungitan nya ng walang dahilan.

sinungitan nya rin ako noon, pero ewan bakit di ako nasaktan haha. kaya ang saya ko nung naging close kami e. kahit na mukha akong tanga susunod-sunod sakanya, masaya ako.

"okay lang kung study first ka babe, maghihintay naman ako..." nakangiting saad ko kahit na alam kong tulog sya. hinawi ko yung buhok nya na nakatakip sa mukha nya.

"sabihin mo muna kung may pag-asa ako, please?" hinalikan ko sya sa pisngi saka ako ngumiti kahit may konting sakit sa puso ko. ang drama ko, ba't ganon?

tumayo ako nang maayos saka na ako tumalikod para umalis pero napahinto ako dahil sa sinabi nyang nagdulot ng party ng mga pusa sa puso ko-

"meron, hyunjin. meron."

sleep ➹ h.hyunjinRead this story for FREE!