KIDLAT : 13

382 36 4

K : 13

----

"Goodmorning, Josie!" masiglang bati ni Kidlat sa sekretarya sa bagong umaga pagpasok niya nang opisina.
"Goodmorning, Sir." ganting bati ni Josie may pagtataka sa mga mata lalo na sa bitbit nitong mga groceries.
"Nag-grocery ka yata?"
"For Trina." walang gatol na sagot ni Kidlat nakangiting iniwan ang naguguluhang sekretarya masiglang pumasok sa opisina.
"For Trina?" tanong ni Josie nang sundan ang amo sa sariling opisina nito, umikot ito sa swivel chair nito matapos ilagay sa babaw ng mesa ang grocery na para sa dalaga.
"Yes!"
"Don't tell for Ms. Trina Vasquez? our first and last applicant?" aniya nito may pagtataka, ngumiti si Kidlat bilang pagtugon.
"Kailan pa kayo naging okey? ang alam ko your last encounter is just like Tom and Jerry."
"Indeed! but now we are Patrick and spongebob and malay mo soon we're will become Ken and Barbie." aniya ni Kidlat natatawa napailing nalang si Josie sa makabuluhang sagot nito sa mga ngiti ng amo halatang may natagpuan itong bagong inspirasyon sa katauhan ni Trina Vasquez.
"Sir, pinapaala ko lang may contract tayo kay Mr. Chong Go." ngumiwi si Kidlat sa pagkarinig nang pangalan ni Mr. Chong Go.
"Let him malay mo soonest that Mr. Chong Go will become Mr. Ung Goy." tugon ni Kidlat sabay na pinakawalan ang malakas na tawa sa loob ng opisina, napapailing na iniwan siya ni Josie.
"My boss is so weird!" bulong sa sarili mahinang sinara ang pinto ng opisina, natigil si Kidlat sa pagtawa ng mapatingin sa tatlong groceries basket for Trina and Johan na sinadya niya sa pinakamalapit na supermarket bago dumaan sa opisina.

Kanina pa tahimik ang dalaga hindi magawang galawin ang hinandang almusal nila ni Johan habang hinihintay itong magising. Muli niyang naisip si Tomas ang pagpunta nito sa bahay nila para balaan siya sa pakikipagkaibigan kay Kidlat ang tinatangi ng anak nitong kapatid niya sa ina si Nica, napapikit siya sa 'di malamang dahilan kong bakit of all people si Kidlat pa ang lalakeng may puwang sa  puso nang kapatid niya, natigil sa pag-iisip si Trina sa biglang pag ring ng cellphone niya unknown number pinili niyang sagutin ito.
"Hi, drags!" bungad nito na kilalang kilala niya.
"Ano kailangan mo?"
"Oy, ha! kilala mo na agad ako, it's a good sign we don't have to know more each other na." aniya ni Kidlat.
"Marami akong ginagawa kong tumawag ka lang para mangulit I'm sorry wala akong oras." Si Trina pigil ang sariling kausapin ng maayos ang binata.
"Hey! akala ko ba okey na tayo?" narinig niyang biglang lumungkot ang boses nito napalunok ang dalaga, napasinghap sa hangin.
"Kid,please marami akong iniisip."
"Like? I can help alam mo 'yan, Trina." hindi siya nakasagot sa alok nito napakagat labi siya.
"Okey no worries! pupuntahan ko nalang kayo ni Johan, I have something for you and to your brother."
"Kid, h'wag na! h'wag na okey lang kami salamat pero hindi na namin kailangan we're not asking either."
"Trina, the moment na sinabi mo sa'kin ang lahat, that time kaibigan na kita and I'm kind of friend na hindi ka pababayaan kahit ano pa man ang sabihin mo! okey Trina?" pang-aasar nito pinindot ng dalaga ang end button ng cellphone niya.
"Hi ate, magandang umaga." masiglang bati ni Johan umupo ito paharap sa kanya.
"Magandang umaga." ganting bati niya sa maaliwalas na mukha nito.
"Ate, napanaginipan ko si nanay." bigla siya nakaramdam ng kaba sa sinabi nito nabitiwan ang kutsarang hawak niya, alam niya na isusunod ni Johan.
"Kailan kaya siya susulat sa'tin? matagal na rin ate sabi niya sa sulat niya susulat siya ulit." aniya nito umiwas ng tingin si Trina hindi alam ang isasagot.
"Ate, tayo naman kaya sumulat kay nanay baka kasi hindi na maganda kalagayan niya sa abroad." anito muling napalunok si Trina lihim na napabuntong hininga umiwas sa nakikiusap na tingin ni Johan.
"Kumain ka na muna, mamaya na natin pag-usapan 'yan." pagpigil ni Trina sa iba pang sasabihin nito mabuti nalang masunurin ang kapatid niya walang atubiling sinunod siya nito bigla siyang nakaramdam ng awa at galit sa sarili kong bakit niya pinaniwala si Johan na nasa abroad ang nanay nila na mabuting ina pa rin ito sa kanila sa kabila ng lahat nang ginawa nitong pagtalikod sa kanilang dalawa.
"Ate, mangako ka susulatan natin si nanay pagkatapos natin kumain ha." pakiusap ng kapatid niya wala sa sariling tumango si Trina.
"Oo! pangako ni ate!" ngumiti nang maluwag si Johan masiglang kumain sa almusal na hinanda niya samantalang, siya nagdadasal na sana makalimutan ng kapatid ang gusto nitong mangyari na kunwari sumulat sa nanay nila but She doesn't want disappoint Johan mahal na mahal niya ang kapatid niya at lahat lahat gagawin niya para lang maging masaya ito kahit pa ang kapalit ang sariling kaligayahan niya.

"Dito ka lang Chandra may kakausapin lang ako." utos ni Tomas sa butihing asawa pinili nitong dumaan sa post office para sa ilang empleyado sa cityhall sa meeting na gaganapin sa function hall ng araw na 'yon bilang isang mapagkunwaring maasasahan sa siyudad personal niyang ginagawa ang pagbibigay ng imbitasyon sa mga taong nasa hanay niya bilang tinilagang mayor ng siyudad, napakibit balikat si Chandra sinuot ang mamahaling shades inayos ang scarf na nakatabing sa kalahating mukha para maitago ang pasa sa mata maging sa labi niya sa kagagawan ng asawa nang nagdaang gabi umuwi itong galit na galit dahil kay Trina ang panganay niya na ayon dito nagiging hadlang ito sa nabubuong pagmamahalan ng anak nila na si Nica at sa binatang si Kidlat.

"Ate, ate gusto ko ako magsusulat ng address ni nanay ha." pagpupumilit ni Johan kay Trina dumaan sila sa magarang cityhall bago tumuloy sa check up nito, wala siyang nagawa kundi sundin ang kagustuhan nitong sumulat sa nanay nila n pinaniniwalaan nitong nasa ibang bansa nagtratrabaho para sa kanila.
"Isuot mo muna 'to." tukoy niya sa mask nito nilagay niya ito para 'di makalanghap nang kahit na anong usok ang kapatid.
"Ate, excited ka na ba? pag nahulog natin 'to kay nanay makapagsulat agad siya sa'tin." pilit na ngumiti si Trina, kong pwedi niya lang bawiin ang lahat kong kaya niya lang magawang sabihin ang lahat na wala sa ibang bansa nila na 'di sila iniwan nito para magtrabaho dahil ang totoo iniwan sila nito dahil sa ibang pamilya na makakapagbigay ng lahat ng hangad nito.
"Sana nga, Johan! sana nga." ginulo niya ang buhok nito sa napakaraming beses pilit siyang ngumiti dito.
"Tara na ate." hinila siya nito laglag balikat na tumayo siya sinundan niya ng tingin ang kapatid nagmadali itong naglalakad 'di namalayang nabangga sa isang ginang na nakatalikod mula sa kanila.

Napalingon si Chandra sa biglang bumangga sa likuran niya natigilan siya sa akmang pagtataray nang malingunan ang batang lalakeng nangungusap ang mga mata.
"Johan!" nabaling ang tingin niya sa dalagang nagmadaling lumapit sa kanila, bumalong ang luha sa mga mata ng ginang nang makilala ang dalawang nasa harapan niya ang dalawa niyang anak. napalunok siya ng pasadahan siya ng tingin ni Trina may galit sa mga mata.
"Johan, tayo na tumawag na si Doc. Zeke!" kabadong hinila ni Trina si Johan mula sa ginang na nabangga ng kapatid hindi siya pweding magkamali kilalang kilala niya ito kahit pa balutin nang mamahaling materyal na bagay ang katawan nito kilalang kilala niya ang nanay nila.
"Pero ate, huhulog tayo ng sulat kay nanay 'diba?" malungkot na sagot ng bata muling pinasadahan ng tingin ni Trina si Chandra may pagbabantang tingin.
"Sa ibang araw nalang! kailangan na natin umalis!"
"Pero ate!"
"Johan, makinig ka kay ate! kailangan na natin umalis!" mariin niyang pagkakasabi dito hindi makatingin sa tahimik na lumuluhang nanay sa saya at takot na nararamdaman sa unang beses na nakitang magkasama ang magkapatid.
"Sorry po," napahawak sa sariling bibig si Chandra nang lingunin siya ni Johan para humingi ng pasensiya sa 'di sinasadyang pagbangga nito sa kaniya.
"H'wag ka magkakamali!" salitang 'di lumabas sa bibig ni Trina pero sapat na para maintindihan ni Chandra ang gusto niyang sabihin dito na h'wag itong magkakamaling hawakan si Johan. Hinila ni Trina si Johan nagmadaling maglakad walang paalam na tinalikuran ang nanay nilang 'di nabigyan ng pagkakataong makilala ni Johan, yugyog balikat na dinampot ni Chandra ang sobreng nalaglag ng bunsong anak.
"To nanay Chandra Vasquez!" muli s'yang napahawak sa sariling bibig ng mabasa ang nakasulat sa labas ng sobre.
"Mga anak, mga anak ko!" Piping bulong niya sa sarili para sa dalawang anak na matagal niya ng ninais makita at makasama kasama si Nica na malayo sa lahat ng peligrong banta ni Tomas.

---
A/n : Hi labidabz, medyo tumumal na naman update natin 'no? sanay na ba kayo? ahe, gayunpaman andyan na siya, pasensiya hehehe!
Goodnight pows 💕
dating gawi komento good or bad babasahin ko mwehehehe.

Hi Stalkers, edited 'yan so asahan niyong may mali d'yan 😜😜

💕❤

KIDLAT(LOVEMOVESINMYSTERIOUSWAY) Basahin ang storyang ito ng LIBRE!