Chapter 9 *Ikaw ang buhay ko*

177 5 1

Sorry guys kung ngayon lang nakapagupdate. Exam week kasi namin e, gustong gusto kong magupdate kaso di pwede. Kailangan magaral e HAHAHA Salamat sa mga umiintindi :) 

- Shaii

Chapter 9 

*Ikaw ang buhay ko*

Yeyy! Kami na ni Renz. Sa una parang panaginip lang pero di nagtagal ang sweet na namin. Ibang iba sa pagiging sweet namin nung bestfriend pa lang kami. Isang araw pa lang kami pero parang feeling ko sobrang tagal na namin. Mahal na mahal ko siya. Inaantok na ko pero di ako makatulog, pipikit ako pero biglang may pumapasok sa isip ko at si Renz yun. Nagiimagine ako ngayon kung ano pa mangyayari samin sa mga susunod na araw, linggo, buwan at taon. Sana forever na kami :) 

*Naalala ko pa 

Nung nililigawan pa 

Lamang kita 

Dadalaw tuwing gabi

Masilayan lamang ang 'yong

Mga ngiti

At Ika'y sasabihan 

Bukas ng alas siyete sa dating 

Tagpuan

Buo ang araw ko 

Marinig ko lang ang mga 

Himig mo 

Hindi ko man alam kung nasan ka

Wala man tayong lomunikasyon

Mag hihintay sa'yo buong magdamag

Dahil ikaw ang buhay ko

Gabing gabi na, tumatawag pa tong si Renz. Ano naman kayang trip neto? 

"Hello?" 

"Bestfriend, paopen ng main door niyo. Dali nandito ko sa labas, umuulan e." sagot niya. Siya na nga tong pagbubuksan ko, pinagmamadali pa ko. Hudas talaga tong boyfriend ko

"Ano? Ano sabi mo? BESTFRIEND? Ganun pala ah. Bahala ka jan, manigas ka jan sa labas." Pagtataray ko sakanya. Asar naman kasi e, ikaw kaya tong sabihan ng bestfriend ng boyfriend mo. Alam kong bestfriend kami pero iba na to no, official lovers na kami. Nakakatampo <//3

"Joke lang baby. Dali na please? miss na kita e. Gusto kitang makasama, gusto kitang makita. Please? Sorry na baby. I love you" Paglalambing niya sakin. Alam niyo yung nagpapaawang boses? Siya yun e. Ang cute niya para siyang bata :">

Di ko siya sinasagot, pababa na kasi ako e. Dahan dahan ako kasi baka magising sila mommy, pag nalaman nilang nandito si Renz nako magkakagyera na. Ayaw kasi nila mommy na may dumadalaw pa dito sa bahay pag gabi e. Sinilip ko si Renz sa bintana, at nandun nga siya nakatayo. Haha ang cute niya kahit madilim. Binuksan ko yung main door namin, naiwan naman kasing nakabukas yung gate kaya nakapasok siya..

"I love you too" sagot ko sa i love you niya nung pagkabukas ko ng main door. Tapos ninakawan niya ko ng halik, kakilig hihiihi

"Tagal mo naman, giniginaw na ko dito sa labas. Umuulan kaya tas paslowmotion ka pa jan" Aba sinungitan pa ko. Napakademanding talaga tss

"O sorry naman. Demanding much? Buti nga pinagbuksan ka pa e. Akyat ka dun sa kwarto ko dali, dahan dahan ka ha? Baka marinig nila mommy" Di ko kasi siya masyadong nilalambing e. Nasanay kasi ako na lagi ko siyang binabara.

Renz's POV 

"O sorry naman. Demanding much? Buti nga pinagbuksan ka pa e. Akyat ka dun sa kwarto ko dali, dahan dahan ka ha? Baka marinig nila mommy" sagot sakin ni Franz na pabulong. 

Pinapaakyat niya ko? Pwede naman sa sala ah? Bakit dun pa sa kwarto niya? Hala di kaya.... Hehehe joke lang, may respeto ako sa girlfriend ko no. Kahit lagi niya ko binabara, mahal na mahal ko parin yan. 

Nandito na ko sa kwarto niya, umupo agad ako sa kama niya. Eto na siya, papasok na siya ng kwarto. Ang ganda niya, kahit nakapantulog na siya maganda parin. Ang simple niya, patagal ng patagal lalo ko siyang minamahal. 

"Baby, halika ka nga dito sa tabi ko" Yaya ko sakanya, ang layo niya kasi e. Nahihiya siguro, pashy type pa e ang kapal kapal naman ng mukha nito. Lumapit na siya sakin, tumabi siya.

"Oh? problema? Gabing gabi na, nandito ka pa. Bakit ka pa kasi pumunta dito?" ang sama talaga ng ugali. tss pero okay lang mahal ko siya e

"Bakit? masama na ba makita yung pinakamamahal ko? E miss na miss na kita e. Masama ba ha?" 

Namumula siya, kinilig siguro sa sinabi ko. Pero seryoso, masama na ba makita ang girlfriend ko? Humiga ako, hinila ko siya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit 

"Baby payakap ha? Malamig eh."

Tahimik lang kami ngayon habang nakahiga kami at hanggang ngayon nakayakap parin ako sakanya. 

"I love you Franz" Bulong ko sakanya tahimik lang siya di nagtagal nagsalita na din siya sa wakas..

"I love you too, Renz. Sana magtagal tayo no? Ako lang ha?" ang sweet ng boses niya. Mas lalo ko siyang niyakap ng sobrang higpit

"Baby wag mong isipin yan. Ang isipin mo, magtatagal talaga tayo. Mahal na mahal kita Franz, ikaw lang mamahalin ko. Kahit tumaba ka pa, mamahalin parin kita. Kahit magkapimples ka pa, mamahalin parin kita. Walang iwanan ha? Wag mo kong iiwan baby ha? Ikaw at ako lang ang magmamahalan. Sabay natin haharapin ang mga pagsubok, walang bibitiw. Tiwala lang baby. Promise ko sayo, di kita iiwan, ikaw lang mahal ko. I love you. i love you" sabi ko sakanya. Di ko maexplain kung gaano ko siya kamahal, basta mahal ko siya, mahal na mahal.

--

"Baby wag mong isipin yan. Ang isipin mo, magtatagal talaga tayo. Mahal na mahal kita Franz, ikaw lang mamahalin ko. Kahit tumaba ka pa, mamahalin parin kita. Kahit magkapimples ka pa, mamahalin parin kita. Walang iwanan ha? Wag mo kong iiwan baby ha? Ikaw at ako lang ang magmamahalan. Sabay natin haharapin ang mga pagsubok, walang bibitiw. Tiwala lang baby. Promise ko sayo, di kita iiwan, ikaw lang mahal ko. I love you. i love you" sabi sakin ni Renz. Ang sweet niya, kinikilig ako.

Siya pa talaga nagsasabi na walang iwanan. Nakakakilig. Lahat ng gusto ko sa lalaki, nasa kanya na. Ramdam na ramdam ko talaga na seryoso siya sakin. 

"Grabe ka naman. Mapanlait ka talaga. Pero salamat baby ha? Salamat dahil di mo ko iniiwan, lagi kang nandito sa tabi ko. Di kita iiwan baby. Promise ko din sayo na ikaw lang mamahalin ko, aasahan ko yang mga promise mo Renz. Mahal na mahal kita" sagot ko sa kanya. Ang drama niya, pero naappreciate ko naman yung effort niya. Kanina pa ko dito nagsasalita nakatulog na pala siya.

Pinagmamasdan ko siyang matulog, ang pogi niya, ang kinis ng mukha. Nakayakap parin siya sakin kahit tulog na siya. 

"Renz, mahal na mahal kita." bulong ko sakanya tapos natulog na din ako. Nakapatong yung ulo ko sa dibdib niya 

**

Bestfriend Slash BoyfriendBasahin ang storyang ito ng LIBRE!