Medyo nagulat siya.

“Hey Killian.” Ahh.. she finally said my name.

“Freyja, you’ve been avoiding me again.” She pursed her lips.

We were still both staring at the sky.

Hindi siya sumasagot. I bent my knees up habang lumakad ang kamay ko papunta sa kaliwang kamay niya na nasa damuhan. Hinawakan ko ito. Pilit niyang tinanggal pero hinigpitan ko ang hawak ko.

“Someone might see.” Bulong nito.

“There are already people watching us.”

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang anino ng isang lalaki at dalawang babae. Alam kong nakita nila kaming magkasunod lumabas.

“Zeke …”

“I don’t really care.”

I really didn’t care anymore. 6 days ko siyang hindi nakita. Kung katulad ng dati siguro, dinala ko na siya sa sasakyan ko o sa isang tagong lugar at inangkin siya pero iba ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko lang na nandito siya sa tabi ko.

Nakatingin lang kami pareho sa langit. Magkahawak ang kamay.

Walang imik. Kumakapa. Nagpapakiramdaman. 

“Your fingers are so cute.” Looking at her left hand.

“Weird looking yan pag short nails ako.”

Tumahimik kami ulit.

“Do you ever think of settling down?”

“At some point in the 8 years Tyler and I were together, of course I did. Pero noong first half lang yun ng relationship. You know, there were instances I’d stare at my left hand and wonder what kind of engagement ring I’ll be wearing. Gaano kalaki ang diamond, gusto ko ba ibang klaseng ring. Like most girls, I had imagined being proposed to, but the thing was, I never imagined it to be Tyler. I never imagined it to be anyone actually. Weird noh?”

“Hindi naman weird. I guess, hindi lang talaga si Tyler yun.” For reasons unknown, I kind of felt relieved.

“Anong engagement ring naman yun na-imagine mo?”

“I always thought na, the person who would be proposing to me, would be able to find the perfect ring. It should not be up to me. Nasa bugso ng damdamin niya kung iyon na ang ring for me.”

I pursed my lips. Sabagay may point.

“Hypothetical lang. How do you want to be proposed to ba?”

“Zeke, hahah ewan ko. Shempre yun magugulat ako. Mahirap ako i-surprise pero syempre dapat may effort. May romantic bone naman ako sa katawan ko. Gusto ko naman kiligin at magulat.”

“Eh hypothetical ulit. Where do you want to get married?”

“I’ve always wanted a beach wedding. As in, sa sand ang setup. Sa may dagat, before sunset. Pero hindi ko na iyun naisip ulit, ilan taon ko nang hindi naiisip yun, until ngayon na tinanong mo. Bakit ba ganyan ang usapan natin?”

Umupo siya at inalis ang kamay sa pagkakahawak ko. Sumandal siya sa bench habang nakaupo sa grass. Tumigin siya sa direksyo ng Taal na sa ilang saglit ay malapit nang maaninag ng malinaw.

“Natanong ko lang.” Umupo din ako. Sumandal sa tabi niya.

“Eh… ikaw?” tanong niya. Medyo napangiti ako.

“Anong engagement ring ang gusto ko?” tawa-tawa kong tinanong.

“OO. Kainis ka talaga. Saan mo gusto magpakasal? Kung naiisip mo man na ikakasal ka.”

All Strings Attached (taglish)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang