x42: Invitation

Magsimula sa umpisa


"Alam ko noh.. Pero kahit na ganun, dapat mo pa ring sundin ang mommy mo.. Family reunion yun eh, minsanan lang yun.. Tsaka ilaan mo na 'tong new year para sa sarili mong pamilya para fair kasi kami na ni Andy yung sinamahan mo nung pasko..diba?" 


CJ sighed. "Eh paano na kayo nun mamaya kung aalis ako?" 


"Edi matutulog kami nang maaga! Panigurado namang aantukin si Andy mamaya.. Di na rin kami lalabas..mausok eh at matatakot lang si Andy sa ingay.." 


Natahimik na kami after that. Di nga lang nagtagal yung katahimikan namin kasi nag-ring yung phone ni CJ. 


Humiwalay na ko ng yakap sakanya at bumalik sa pakikipaglaro kay Andy. 


Sinagot naman ni CJ ang tawag nang di umaalis sa tabi ko. 


"Mom.." eh. Nanay pala ni CJ yung tumawag. "Opo.." 


Nagkatinginan kami habang kausap nya si Tita. Tapos hinawakan nya ang kamay ko. 


"Opo, opo, papunta na po ko dyan.. Hm.. Sige po.." inend na nya yung call tapos binalik ang tingin sakin, still holding my hand. 


"Kailangan mo nang umalis?" mahina kong tanong. 


"Oo.. Minamadali ako ni Mommy eh at sasabay raw sya sakin papunta dun.." 


"Ah.." Hala. Ito na..nakakaramdam na ko agad ng lungkot. =/ 


"Mhie.." hinigpitan ni CJ ang hawak nya sa kamay ko. "Sabihin mo lang, kahit isang beses na wag akong umalis..and I will surely not go." 


Kahit papaano, nakaramdam ako ng saya sa sinabi nyang yun. Naaappreciate ko ang pag-prioritize nya samin ni Andy na para bang pamilya na nya talaga kami pero..mali yun. Alam kong mas dapat nya iprioritize sina Tita, yung first family nya.. 


"Tss. Hindi na. Umalis ka na!" natatawa ko syang tinulak. 


"Ganun? Pinapalayas mo na ko?" =___= 


"OO! Sabi mo kay Tita papunta ka na sakanya diba? Kaya dali, layas na! Wag mo syang paghintayin nang matagal." 


Tumayo na sya pero dahil hawak nya ang kamay ko, dinamay nya ko sa pagtayo. 


He then hugged me very tight and gave me one quick kiss on the lips. Si Andy rin, niyakap at hinalikan nya bago sya nagpaalam at umalis. 


*sighhh 


Nalungkot na ko ulit nung umalis na sya.. 


Tuluyan nang nagsink-in sakin yung fact na dalawa lang kami ng baby ko ang magsecelebrate dito ng new year mamaya.. 


Or makakapagcelebrate nga ba kami? 


Hindi na nga pala.. Matutulog na lang pala kami ng maaga.. Hehe.. 


*sighhh 


Pagbalik namin sa sala, humiga ako sa sofa at nag-isip habang si Andy, patuloy lang sa paglalaro sa may table. 


Siguro, kahit unti, maghahanda ako mamaya. Kahit pang-dinner lang. Dapat mapaexperience ko sa baby ko yung pagcelebrate ng new year kahit sa simpleng paraan lang, kahit kaming dalawa lang ang nandito.. 


"PAPAAA!" 


Napatingin ako kay Andy. Nakatayo na sya sa tabi ng bintana at nakadungaw sa labas. 


"Baby? Andyan si Papa?" 


"HIHIHI PAPA! PAPA!" tumakbo sya sa pintuan. Inunlock nya yung screen at tumakbo palabas! 


"ANDY?!" mabilis akong bumangon at hinabol sya. 


Pagkalabas ko naman ng pintuan, kita kong buhat na ni Adrian si Andy dito sa may garahe. 


"A-Adrian.." natulala ako sa black shirt na suot nya. 


Yun kasi yung Christmas gift namin sakanya ni Andy! Kaso, nahihiya ako. Ang corny ng print eh! 'PROUD PAPA'! Hahaha WAAAA.. PERO HINDI PO AKO ANG PUMILI NUN KUNDI SI BABY KO.. >///< 


"Anong nangyari sayo Chelle? Ba't ang gulo ng buhok mo?" 


E-EH?! O///o 


Bara-bara ko namang inayos ang buhok ko. >///< 


"Hehe.." mahinang tawa ni Adrian. "Ang cute mo.." 


O//////O 


Dahan-dahan akong napatingin sakanya. 


Pero kay Andy na sya nakatingin at kausap ito. 


Ehhh tama ba yung narinig ko kanina? Ako ba ang sinabihan nyang cute o yung anak namin? =///= 


"Talaga ah? HAHAHA. Totoo ba yun Mommy Chelle? Ininom ni Andy ang vitamins nya?" - Adrian 


"H-Huh? Ah! Oo. Oo. Ininom nya yun." Naku. Ako na ang nawala sa sarili. 


"Ooh.. Very good.. Sige, ito na pasalubong ko." 


Binaba na nya si Andy at may kinuha sya mula sa back pocket ng pants nya. 


Dalawang maliit na box yun ng.. LUCES? 


"PAPA! WHAT'S THAT PO?!" - Andy 


"LUCES! Tara dito." nagsquat si Adrian sa gitna nitong garahe at doon, sinindihan nya yung isang stick ng luces gamit ang lighter. 


LIGHTER? Bakit may lighter si Adrian? 


"WAAAAA!! ANG GANDAAA PO!!" *O* - Andy 


Hindi kaya..nagyoyosi na si Adrian? =/ 


"Ikaw anak, try mo." binigyan nya ng isang luces si Andy. "Mommy Chelle! Kaw rin, dito ka!" 


Lumapit ako sakanila at nagsquat sa tabi ni Andy. 


"Bakit ka may lighter ha, Adrian? Nagyoyosi ka na?" sita ko sakanya. T3T 


"Uy di ah! Binili ko lang toh para may pangsindi ko dito." inabutan nya ko ng luces. 


Buti naman di pa rin sya nagyoyosi.. Kasi..wala lang. Ayaw ko lang. Hehe. 


Una nyang sinindihan yung luces ko then yung kay Andy. Nagsindi rin sya ng kanya. 


"THREE LUCES! WAAAA! HIHI!" ^o^ 


Daming tuwa lang ng baby ko oh.. Pati ako natutuwa na. Kahit ba feeling ko eh mukha kaming tanga dito sa garahe. XD


"Anong handa nyo mamaya?" tanong ni Adrian nang nakatingin dun sa luces nya. 


"Hmm.. Di ko pa alam.. Baka bumili na lang ako ng bucket meal.." sagot ko. 


"Bibili? Bakit?" 


Haay.. Ano ba toh.. Kadepress ng topic namin. 


Tapos nawala pa yung sindi ng luces ko. Ubos na. Psh.. Tinusuk-tusok ko na lang yung stick sa sahig. 


"Hindi ba magluluto si CJ tulad nung pasko nyo?" tanong pa ni Adrian. 


"Ah.. Hindi eh.. Sa.. Sa Baguio kasi sya magnew-new year kasama ang pamilya nya.." T3T 


"EH PAANO NA KAYO MAMAYA NI ANDY?" nag-iba ang boses ni Adrian kaya napatingin ako sakanya. Para syang nagulat na nagtataka. 


"Mamaya? Uhm.. Kakain din naman kami.. Pero maaga kami matutulog.." 


Aish. Naputol bigla yung stick. 


"Adrian, penge pa ng lu--" natigilan ako nang muli akong tumingin sakanya. 


Tulala kasi sya sakin at yung mukha nya, di maipinta. 


"A-Adrian?" 


"Tsk. Dun tayo magnew year samin." sabi nya sabay bigay ng luces sakin. 


"Sa.. SA INYO?" O___o 


"Oo. Sa Bulacan, kina Mama." 


New year.. Kina Mama Margie.. 


"Eh pero.." napako ang tingin ko sa luces ko na sinindihan na ni Adrian. "Nakakahiya naman sakanya kung makicelebrate kami dun.." 


"Ano ka ba. Anong nakakahiya dun? Eh kapamilya ka na namin." 


O///O 


Kapamilya na nila kami ni Andy.. 


Oo nga.. Malamang lang.. 


Anak ni Adrian ang anak ko eh at apo naman sya ni Mama Margie kaya..kaya kapamilya na nila si Andy.. Pati..pati ako.. Kapamilya na rin nila ko.. 


"Chelle.. Pumayag ka na para naman may kasama kayo mamaya..para masaya.." 


Para masaya.. 


Isipin ko pa lang na ang makakasama naming magcelebrate ay sina Mama Margie, Ate Hazel at Adrian eh masaya na. Paano pa kaya pag nandun na kami? 


"Mommy Chelle.." 


"Ahh sige-sige." sagot ko bigla. 


"YES.." rinig kong bulong ni Adrian. "Anak, tama na yan! Bihis tayo, dali. Aalis tayo." 


"WAAA AALIS TAYO PO?! SAAN PO?!" *O* 


"Kina Lola." nakangiting sagot ni Adrian habang nililigpit yung mga stick ng luces. 


"YEEEY! PUPUNTA KAMI KAY LOLA!" ^O^ Tumalon-talon sya sa tuwa. 


"Pero hugas muna tayong kamay. Lika." naghugas sila ng kamay dun sa may gripo. 


Hehe. Tuwang-tuwa talaga ang baby ko. Nagsimula na naman syang magdaldal ng kung anu-ano. 


"Ikaw Chelle, bihis ka na rin. Para makaalis na tayo at makahabol ng lunch sa bahay." masayang sabi ni Adrian. 


Tumango lang ako sakanya tapos nauna na silang pumasok ng bahay ni Andy. Sya na raw ang magbibihis sa anak namin eh. 


Ako, naghugas muna ko ng mga kamay. 


Nang bigla kong maalala... 


Tinanggap ko na ang invitation ni Adrian pero.. 


PERO HINDI PA PALA KO NAKAKAPAG-PAPAALAM KAY CJ. O___O 


Naku.. 




xxxxxx TBC~ 

naku. matutuloy ba o hindi? Lol.. XD 

ayt. medyo ang bilis ng ud kasi natutuwa much akez sa inyo! aiyiliyabyu all PB readers.. ;3 tsaka tsaka~ gusto ko na kasi toh tapusin.(nagmamadali?? XD) hehe. 

hope u support PB till the end.. X3

COMMENT COMMENT & VOTE VOTE. THAAANK YOUUU~ v^____^v

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!