sya^si Miel! new reader nman sya. at sya ang may gawa dun~dun~duuun====>> sa multimedia! ayiee. tarush! salamat ah lalo na sa pagaadik sa PB.. ;)) 

- - - - 

x42: Invitation 




[RACHELLYN's PoV] 


"BABY KO! Stop running na!" suway ko kay Andy pagkalabas ko ng kusina. 


Tch. Ang aga-aga eh takbo sya nang takbo. Kanina pa sya pabalik-balik mula dun sa may front door hanggang dito sa dulo ng kainan kaya yan, pawisan na sya. 


"WOOSH~" Ay naman! Ayaw sumunod! 


"BABY!" sinalubong ko sya at binuhat patagilid. "HULI KA!" 


"WAAAA~ DADDYYY! HEEEELP!" >O< 


"Anong daddy help, huh?!" pinanggigilan ko sya yakapin habang papunta kaming sala. 


Pero wala dun si CJ.. 


"Where's daddy?" tanong ko kay Andy pagkaupo namin sa sofa. 


"SA LABAS PO! NAGPO-PHONE PO!" 


"Ahh.." pinunasan ko na ang pawisang ulo nya at likuran. 


Grabe. For two months, eversince he fully recovered from dengue, naging 5 times na ang kakulitan nya. 


Kaya ito..sobrang natetest ang pagiging magulang ko-- namin ni Adrian. 


Kung naging 5 times ang kakulitan nya, pinipilit naman namin na gawing 10 times ang pag-aalaga sakanya. 


Natakot na kami eh. Lalo na nung malaman namin na posibleng magka-dengue sya ulit at pag mangyari yun, mas delikado na raw ang magiging lagay nya. 


Ngayon tuloy, hangga't maaari, iniiwas namin sya na magkaroon ng kahit anong sakit. 


"Dito na lang tayo, baby.." niyaya ko syang umupo sa tabi nitong center table. "Play natin yung lego mo." 


"LEGOOO! WAAA SIGEHH PO!" *O* 


WEW! Buti nagpauto. 


Kinuha nya yung bucket ng lego mula sa toy box nya at kinalat yun sa ibabaw nitong mesa. 


Parehas kaming naglaro. 


Kaming dalawa talaga kasi nakaka-enjoy naman laruin 'tong Christmas gift sakanya ni Adrian. 


Speaking of Christmas.. Well oo, dumaan na ang Pasko. 


We celebrated it here with CJ. Si Adrian naman, sa Bulacan nagpasko kasama sina Mama Margie. Pero kahit ganun, nagshare pa rin sya ng handa dito sa bahay. Binili nya yung request ng anak namin na chocolate cake. 


As for the gifts..maraming nakuha si Andy. Syempre, daming nagbigay sakanya eh! Ako, si Adrian, si CJ, parents ni CJ, lolo nya at mga lola, pati si Ate Hazel tsaka yung mga instant ninang nya na mga kaklase ni Adrian, binigyan sya ulit ng pera! Dinala kasi sya ulit ni Adrian sa school bago nagbakasyon..


"Dhie?" tawag ko kay CJ na dumiretso ng higa padapa sa sofa pagkapasok nya. 


Di nya ko sinagot. Para syang badtrip? 


"Uy CJ. Anong problema?" sumandal ako sa sofa para tignan nang malapitan ang mukha nyang medyo nakatago sa mga braso nya. 


"Mhie.." malambing nyang tawag. 


"Oh?" 


"Punta tayong Baguio.." 


"Kailan?" 


"Ngayon na.." =___= 


"HA? AS IN NGAYON NA?" O___o 


Tumango lang sya. Pero seryoso ba sya?! 


"Ano ka ba CJ? Mahirap nang bumyahe ngayon noh. 31 na." sabi ko. 


"Kahit na.. Punta pa rin tayo dun ngayon.." malambing pa rin nyang pagpilit sakin. "Dun tayo magcelebrate ng new year.." 


"Eh bakit ba gustung-gusto mo magpunta dun ngayon ah?" 


Di sya sumagot. 


"CJ? Uy.." 


"Tch.. May family reunion kasi kami dun ngayon sa mother's side. Pinipilit akong magpunta ni mommy eh kaya sige na..sama na kayo sakin.." 


Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi nya. Parang mali eh.. 


"CJ naman? Family reunion nyo yun tapos isasama mo kami?" sagot ko sakanya. 


"Okay lang yun. Para makasama ko pa rin kayo na magcelebrate. Ayaw ko ring iwan kayo dito eh. Wala kayong makakasama ni Andy.." 


Tinalikuran ko sya at naglaro ako ulit ng lego. 


Totoo yun.. Wala kaming makakasama ni Andy dito na magcelebrate kung aalis sya.. 


Si Dad kasi, pinuntahan si Mom sa Amerika. Imposible naman na samahan kami ni Adrian dito. Malay ko ba kung may sarili syang plano kung paano icelebrate ang new year diba.. 


"Mhie." tumabi ng upo sakin si CJ. 


"Ayoko CJ.. Pero ikaw, punta ka dun.. Kailangan mo yun puntahan.." 


"Tss. Di na. Kung ayaw mo, di na lang din ako pupunta." 


"CJ??" inis ko syang tinignan. Ito na naman kasi sya..susuwayin ang nanay nya dahil sakin. 


"WHAT?" para na rin syang naiinis. 


Nagtitigan kami. Pero ako, naluluha na. XC 


Napansin nya yun kaya bigla nya kong niyakap sa waist, making me rest my head on his shoulder. 


"Sorry.." bulong nya sabay halik sa noo ko. "Pero kasi naman.. Ayoko talagang iwan kayo dito.."

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!