• Kpop Star •

Start from the beginning
                                        

Tumigil na siya sa pagtawa at yumuko ulit. Haist!

"Tara samahan mo ako." Hinawakan ko ang kamay niya for assurance na gusto ko siya isama.

"Teka nga! Saan tayo pupunta?! Kidnapper ka ba? Stalker? Baka naman killer ka?!"

Huh? Ano daw?

"Nababaliw ka na ba?! Nagugutom lang ako at gusto ko na kumain! Kaya kita gusto isama kasi hindi ko pa kaya maglakad ng maayos and gusto lang kita makausap."

Please sana pumayag siya.

"Grabe ka bakit kasi hindi mo sinabi agad?! Akala ko mamamatay ako na hindi nakikita si GC my loves eh! Tara na at gusto ko na din umuwi."

Haha ang cute niya, siya naman humihila sa kamay ko ngayon. Hindi naman siya excited masyado.

***

"Talaga?! Ano naman ga-gawin mo di-to?"

"Pwede ba ubusin mo muna yang kinakain mo bago ka magsalita baka mabilaukan ka sa ginawa mo!"

Nandito kase kami sa McDo. Umorder lang naman siya ng BFF Fries and Burger Bundles for the two of us. Gusto ko sana sa isang restaurant pero ayaw niya naman pumayag kaya dito bumagsak. It's her choice wala naman ako magawa tsk.

"Ayan okay na kaya sagutin mo na yung tanong ko sayo."

Nasabi ko ba sa inyo na medyo nakakairita ang boses niya pero ang sarap pakinggan na hindi nakakasawa. I'm not expecting this things.

"I'm here for vacation and I need to find someone here."

And by the way she looks at me, grabe siya ung babaeng seryoso at makikinig talaga sayo kahit napaka boring pa ng sinasabi mo.

"Hoy! Bakit tulala ka diyan?!" I pinched her cheeks and suddenly bumalik naman siya sa sarili niya.

"Ano ba! Masakit yun ha! Saka may na-aalala lang kasi ako na tao sayo."

Sino naman kaya yun? I'm curious.

"Sino naman? Ang sabihin mo lang kase nagwa-gwapuhan ka sa akin."

Imagine that she's biting her lower lip hahaha.

"Ang kapal mo din noh? Wala kana pake dun unless ikaw si GC my loves kaso hindi ikaw siya."

Kumagat muna ako sa burger ko bago ko tinanong sa kanya yung bagay na kanina ko pa gusto itanong.

"Sino ba kasi ung na-aalala mo sa akin and who's that GC?"

Kumunot naman yung noo niya at umayos siya ng upo at tumingin sa mata ko ng direcho.

"Fine. Sasabihin ko na sayo. His name is Geo. Then si GC my loves naman siya ung mag conconcert dito bukas na sobrang loves na loves ko!!! Unfortunately hindi ko siya mapapanuod dahil wala akong ticket. Pero hindi pa siguro ako ganun ka expert sa pag fafangirl kase alam mo ba yung real name hindi ko alam! GC lang talaga ang alam ko. Hays."

Wait. Si Geo? Hindi naman siguro si Geo na iniisip ko ang tinutukoy niya.

"Ouch! Why did you do that?!" She slapped me and ang sakit sobra!

"Paano ba naman ikaw naman yung nakatulala! Tapos ang cute mo pa sa itchura mo hahaha!"

This girl is really annoying ugh.

Suddenly my phone beep and a text message comes from my manager.

Manager Ko:

Nasaan kana ba?! In a few hours mag sta-start na yung presscon! Better go back here now or else! You know what I mean so you better go here now asap!

Shit nakalimutan ko! Kelangan ko na umalis masyado ako nalibang kasama siya.

"Are you okay? May problema ba?"

"Uhmm. I need to go now, sorry hindi kita mahahatid pauwi."

"Ano kaba ayos lang yun! Umalis kana nga dito sige ka baka hindi kana makauwi."

"Bakit naman ako hindi makakauwi?"

"Kasi baka sa sobrang titig mo sa kagandahan ko ayaw mo na umuwi at titigan nalang habang buhay ung mukha ko."

"Tsk. Whatever."

"Waaaah! Nag blush ka oh!! Sabi na nga ba eh. May gusto ka sa akin noh? Dali aminin mo na okay lang yan! Gwapo ka naman maganda ako bagay tayo. Saka wala na ata akong pag-asa kay GC my loves kaya pwede na tayo dalawa bilis!"

Nababaliw na ba siya?

"Siraulo ka, anong pinagsasabi mo? Ang sabihin mo ikaw ung may gusto sa akin."

"Meron nga hindi ko naman tinatanggi eh."

Huh? Ano yung sinabi niya?!

"Hoy ulitin mo nga! Hindi ko naintindihan eh."

"Bahala ka sa buhay mo! Umalis kana nga dito."

Nag pout siya oh! Ang cute niya talaga. Teka what's happening to me?

Tumayo na ako at naglakad palayo ng bigla siyang nagsalita.

"Thanks for treat! I really enjoyed your company and hope to see you soon and by the way my name is Gretchel Charlene Mendova. You can call me Gretch, pero mas bet ko yung Charlene."

Humarap ako sa kanya and she smiles, a real smile that makes her more beautiful.

"Take this." Hinagis ko sa kanya yung isang envelop.

"Sa bahay mo na buksan yan, I need to go bye."

Lumakad na ako palayo sa kanya when she speaks again.

"What's your name?!"

I stopped then I took some steps back at her and smirk.

Nagulat naman siya and bago pa siya magsalita inunahan ko na siya.

"I'm Geoff Cyemir. GC for short. See you next time and thanks for the time Cha."

Then umalis na ako sa McDo and pumunta na sa parking lot.

Finally I met my fangirl.

***

AN: Hello po sa inyo! Pasencya na po kung pinaghintay ko po kayo ng sobrang tagal. Dumating po sa point na ayaw ko na tapusin itong story and hindi ko din po nabuksan itong account ko dahil ang tanga-tanga lang po ng author nyo kasi nakalimutan ko po ung password pero buti nabuksan ko ulit and thanks God po talaga.

Favor naman po please kung okay lang. Sana po mag comment po kayo, please po gusto ko po malaman kung ano reactions nyo dito sa update kahit almost months na po ako hindi nakapag-UD sana po pagbigyan nyo ako please thank you in advance po. Sobrang pasencya na po talaga sa paghihintay and salamat po sa pagbabasa! Loveyou all! ♥

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 07, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Unexpected Buddy (Editing)Where stories live. Discover now