Sa 'yo

1.3K 42 11

Sa ‘yo

(A Short Story)

Written by: ellesanity of Wattpad, 2014

DO NOT COPY. PLAGIARISM IS A CRIME. THANK YOU.

- - -

Uwian na at kakaunti nalang ang natitirang tao sa classroom. Abala ako sa pagliligpit ng gamit nang lapitan ako ni Kai.

“P’wede ba kitang makausap?” seryoso niyang sabi.

Ito na ba ang pagkakataong matagal ko nang hinihintay? Aamin na ba siya? O patuloy pa rin ba akong aasa sa wala?

Saglit akong napatigil sa ‘king ginagawa. Tumingin ako sa kaniya at saka tahimik na tumango.

“May sasabihin sana ako sa ‘yo…” tila nag-aalangan niyang sambit.

Sasabihin? Ito na ba talaga?

Napalunok ako.

Sana…sana nga.

“Ano ‘yon?” kinakabahan kong tanong.

Tumingin siya nang diretso sa ‘king mga mata. Ayan! Para na naman tuloy akong matutunaw dahil sa titig niya.

“Gusto…” Gusto kita? Gusto niya ako? Hindi nga?!

Bumilis ang tibok ng puso ko at tila ba huminto sa pag-ikot ang mundo. Bigla akong nabuhayan ng loob at nagkaroon ng pag-asang mahal niya rin ako. Na magiging kami rin sa wakas gaya nang pinapangarap ko.

Ngunit naglaho ang lahat nang iyon nang aking marinig ang karugtong ng kaniyang sinabi.

“Gusto ko si Arianne. Matagal na. Maaari mo ba akong itulay sa kaniya?”

Saglit akong napatulala dahil sa sinabi niya pero kaagad din naman akong nakabawi. Ngumiti ako nang pilit kahit parang naninikip na ang dibdib ko dahil sa sakit.

Alam ko. Alam ko na namang hindi niya ako gusto. Na hinding-hindi niya ako magugustuhan kahit kailan. Pero umaasa pa rin ako. Kahit na alam kong sa umpisa pa lang, talo na ako. Siya na rin naman mismo ang nagsabi nang umamin ako sa kaniya halos anim na buwan nang nakalilipas. Tandang-tanda ko pa rin ang mga katagang binitawan niya no’ng araw na ‘yon.

“Sorry Lyzette pero kaibigan lang talaga ang turing ko sa ‘yo.”

Saklap ‘no? Kaibigan. Kaibigan lang pala. Ha. Ha. Ha. Tawa nalang tayo kahit na hindi nakakatuwa. Kahit na nabasted niya na ako, ni minsan…hindi ako tumigil magmahal sa kaniya. Siya pa rin hanggang ngayon. 

Hindi ko alam kung bakit ganito ako kabaliw sa kaniya. Hindi naman siya g’wapo. Malakas lang ang dating niya. Hindi rin siya matalino. Lalong hindi sila mayaman. Maginoo pero medyo bastos. May pagkapasaway rin at maloko. Pero mabait naman siya kahit papa’no. Simpleng tao lang pero kayang makisakay sa trip mo. Malakas ang sense of humor. Maalalahanin, maalaga, at may pagka-sweet. Kaya nga maraming nagkakagusto sa kaniya. Pa-fall kasi ang walang ‘ya! Joke! Hindi siya pa-fall; nami-misunderstood lang pero parang gano’n na rin. Tipong akala mo sweet siya sa ‘yo pero gano’n din naman pala sa iba. Gets?

Sa 'yoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!