KIDLAT 10

338 32 2


K : 10

---

"Where have you been, Chandra?" Galit na tanong ni mayor Tomas kay Chandra ng makita niya itong paakyat sa taas halatang kararating lang.
"Inuulit ko! saan ka nanggaling?" Lihim na napalunok ang ginang bago ito harapin.
"S-sa m-mall," Nauutal niyang sagot dito isang malakasbna sampal ang natanggap niya dito.
"Sinungaling!" Isang malakas na sampal amg dumapo sa pisngi ni Chandra.
"Akala mo ba! hindi ko alam na pinuntahan mo ang dalawa mong bastardo't bastarda" Nanlilisik nitong bulyaw hinawakan ng mariin ang braso ng asawa.
"Nasasaktan ako Tomas!" Mahinang daing ni Chandra nag-aalala na baka marinig sila ng anak niyang si Nica.
"Hindi lang 'yan matitikman mo kong ipagpapatuloy mo ang kabaliwan mo Chandra!" Muling bulyaw nito napataas ng tingin ang ginang sa silid ni Nica.
"Tomas, baka marinig ka ni Nica!" Pakiusap nito hinawakan kamay ng asawang nanatiling nakahawak sa braso niya.
"H'wag mo akong susubukan Chandra! h'wag na h'wag kang magkakamaling pumunta ulit sa magkapatid na 'yon kong ayaw mo tuluyan silang mawala sa'yo! naiintindihan mo?" Isang malakas na banta nito sa kanya napilitan tumango si Chandra sa takot na baka totohanin ng asawa ang bantang tuluyang mawala sa kanya ang mga anak niyang pinili niyang itakwil dahil sa kagustuhan nito. Tumalikod ito naiwang tulala ang ginang bumalong ang butil ng luha sa pisngi niya sa galit na nararamdaman para sa taong dahilan kong bakit lumayo siya kay Trina at Johan, kong bakit abot hanggang langit ang galit sa kanya ng dalagang anak niya, muli siyang napalunok ng sunod-sunod sa impit na pag-iyak muli siyang nagtaas ng sa silid ni Nica kong hindi lang dahil dito matagal niya ng iniwan si Tomas.

"Ano 'to Chandra?" Tanong nang naguguluhang nakababatang kapatid ni Chandra ng dalhin niya sa Villa Esperanza sa Baguio ang bagong silang niyang anak na si Trina.
"Alagaan mo siya Shiela," Aniya nito habang inaabot sa kapatid ang umiiyak na sanggol animo nararamdaman nito ang siyang intensyong iwan niya ito sa kapatid niya.
"Chandra, anak mo ang batang 'to! ano ka ba? bakit mo sa'kin binibigay 'to?" Patuloy sa ilang katanungan ni Shiela sa ate niya tinanggap niya ang bata inalo ito para tumahan sa kaiiyak, nakita niya ang luhang nagbagsakan sa mata ng ate Chandra niya.
"Papatayin siya ni Tomas! pag inuwi ko siya sa bahay malalagay sa panganib ang buhay niya wala na siyang ama pinatay ni Tomas! at papatayin niya rin si Trina pag nalaman niyang buhay ang anak ko!" Sa gitna ng hagulhol nito kinataan ng takot si Shiela sa pinagtapat ng ate niya tungkol sa batang pinangalanan nitong Trina at sa ama nitong si Dante ang tagong katipan ni Chandra bago ito ikasal kay Tomas.
"Aalis na ako! alagaan niyo siya ni Damian mahalin niyo siya ituring niyo siyang inyo! mangako ka sa'kin na wala siyang malalaman na hindi niya ako makikilala pa kahit kailan, Shiela mangako ka!" Muling pakiusap nito napapikit si Shiela nakaramdam ng habag sa sitwasyon ng kapatid muli niyang tiningnan ang bata pilit na tumangong sumang-ayon sa kagustuhan nito para sa kapakanan ng bata mula sa panganib sa kamay ni Tomas. Muling hinalikan ni Chandra ang anak niya ang naging bunga sa pagtataksil niya sa asawang si Tomas.
"Magiging buo ka, Trina! patawarin mo ako anak pero hindi ko maaatim na magaya ka sa tatay mo pinatay siya ni Tomas at ayaw kong mangyari sa'yo 'yon makikita mo ang mundo lalaki kang malaya mula sa sakit Trina!" Niyakap niya ito sa bisig ni Shiela matapos itong ibilin muli sa kapatid laglag balikat siyang tumalikod mula sa mga ito dala-dala ang sakit sa desisyong tuluyang mawalay sa kanya si Trina kapalit ng kaligtasan nilang dalawa ito sa kamay ng kapatid niya at s'ya sa pagiging isang mabuting asawa para kay Tomas para sa pansarili nitong dahilan bilang susunod na mayor ng siyudad ng Baguio.

"Mommy?" Lihim na nagpahid ng luha si Chandra sa biglang dating ni Nica nalingunan niya itong may pagtataka sa mga mata.
"Umiiyak ka?" Pilit na ngumiti ang ginang sa harap ng anak.
"Hindi anak, may naalala lang ako." Pagsisinungaling niya.
"Ang mga kapatid ko na naman ba?" Tumango s Chandra hindi napigilan ang sariling mapaiyak sa harap ni Nica, nilapitan siya nito niyakap ng mahigpit.
"Makikita rin natin sila ma! magbabago rin si daddy," Buo ang loob na sinabi ni Nica, napangiti ang ginang umaasang sana magkakatotoo ang paniniwala nito na magbabago si Tomas na darating ang araw na matatanggap niya ang mga anak niya na bunga ng pagtaksil niya dito.
"May lakad ka ba?" Tanong nang ginang ng makita ang bihis nito.
"Yes,ma! nandito nga ako para sana magpaalam sa'yo bibisitahin ko si Kid," Nakangiting sagot nito tyaka lang naisip ni Chandra ang binatang kaibigan ng kapatid kong bakit ito nasa bahay ni Trina.
"Good for you anak, malamang matutuwa si kidlat." Sang-ayon nito napangiti si Trina hinawakan dalawang kamay ng mommy niya.
"Kaya kayo ni daddy magbakasyon kayo, quality time mom 'yon ang kulang sa inyo." Ani ni Nica, tumango-tango lang si Chandra bilang tugon sa suhestyon nito.
"Kakausapin ko ang daddy mo, hindi lang ngayon anak abala siya sa munisepyo kailangan siya ng mga tao." Tinaas nito ang dalawang kamay anyong sumusuko.
"The best and worst thing about dad mom, tao muna bago pamilya!"
"Nica, hindi sa gan'on maraming umaasa sa daddy mo hayaan na natin." Binaba ni Nica ang kamay muling niyakap ang ina.
"Basta I'm always here mom! makakaasa ka."
"Thanks, anak."
"O, I have to go h'wag ka na mag-iisip masyado, okey!" Tango ang naging tugon dito, hinatid niya ng tingin si Nica hanggang sa lumabas ito sa sariling silid nila ni Tomas.

Kanina pa sa labas ng gusali nina Kidlat si Trina, nagdadalawang-isip kong papasok ba sa opisina ng binata na ayon sa gwardiyang nakatalaga sa labas nasa loob raw ang amo nag-iisa dahil wala si Josie,ilang beses siyang napabuntong-hininga bago naglakas loob kumatok.
"Come in!" Narinig ni Trina na boses mula sa loob napakagat-labi siya ang isiping makakaharap si Kidlat para humingi ng pasensiya sa mga sinabi niya dito ay nagbigay kaba sa dibdib niya, muli siyang napabuntong-hininga ng pihitin ang seradura agad itong bumukas tumambad sa kanya ang nakayukong binata sa mga papel sa lamesa nito.
"What you want Jos?" Hindi nagtaas ng tingin si Kidlat ng tanungin ang bagong dating na buong akala niyang si Josie.
"N-nandito ako para humingi ng pasensiya." Tyaka lang ito nagtaas ng tingin ng makilala ang boses ng dalaga walang iba kundi si Trina, agad na tumayo si Kidlat nilapitan ang nakayukong bisita.
"Are you sick?" Nagbibirong tanong ng binata sa dalagang hindi niya inaasahang sasadya sa opisina niya para humingi ng tawad.
"Hey, Trina! may sakit ka ba?" Dahil sa pagiging matangkad ng binata napilitang magtaas ng tingin ang namumulang dalaga, halong hiya at galit sa biro nito.
"Just kidding! ayan ka nanaman tiger look ka nanaman akala ko ba? you're here because you asking sorry?" Patuloy nito sa pagbibiro sa kanya hinawakan ang baba ng dalaga muling tinaas ang mukha nito para magsalubong ang tingin nila.
"I forgive you." Ani ni Kidlat seryosong nakatingin sa mga mata ni Trina napangiti ang dalaga sa naging tugon nito sa pagiging sarcastic niya sa binata kanina sa bahay nila dahil sa nanay nila kay Chandra.
"I think kailangan natin ecelebrate 'to." Aniya ng binata muling binalikan ang leather jacket sa upuan nito.
"Celebrate?" Nagtatakang tanong ng dalaga.
"Because it's miracle you're here asking me sorry sa pagkakakilala ko kay Trina, hindi siya gan'on." Muling pagbibiro nito napaismid si Trina kong alam lang nito ilang beses niyang pinag-isipan ang ginawa.
"Sira! gusto mo bawiin ko?" Ganting biro ng dalaga tumawa si Kidlat, humarap dito walang paalam na hinawakan ang magkabilang pisngi ng dalaga.
"Gusto mo halikan kita pag binawi mo?" Mahinang sabi nito pero sapat na para marinig ni Trina, muli siyang nakaramdam ng pamumula sa laging banta ng binata pilit siyang ngumiti para sa emosyong sayang gustong kumuwala.
"Palag o payag?" Untag nitong tanong nanatiling nakahawak ang kamay sa braso ng dalaga, hinawakan ni Trina ang kamay niya may matang nanghahamon sa mapanuksong mata nito.
"Palag Mr. raulo!" Tumawa silang dalawa sa sagot ng dalaga, unang nakabawi si Kidlat mariing pinagmasdan ang dalaga.
"You're so priceless, Trina." Ani ni Kidlat natigilan si Trina sa tinuran nito akmang kukunin ang kamay ng binata ng biglang bumukas ang pinto.

"Kid?" Bumitiw si Kidlat sa pagkakahawak sa dalaga nilingon ang isa sa bisitang 'di niya inaasahan.
"Nica!" Nakaramdam ng paninigas si Trina sa pangalang tinawag nito sa isa pang bisita nito bukod sa kanya walang iba kundi ang kapatid niyang si Nica, dahan-dahang siyang napalingon muling binalot ng kaba ang puso niya sa muling paghaharap ng kapatid.
"Ikaw na naman?" Salubong ng dalaga nanlilisik ang mga mata para sa nakakatandang kapatid na 'di niya kailanman nakilala.

A/N : Hey yow! Mygod natapos ko rin bago dapuan ng antok hehehe! Ayarn na alaws na ako utangs sa update I can sleep well na! Pero dating gawi 😁 konswelo lang naman comment niyo matulog man lang nakangiti at gumising nang nakangiti, Chosss! goodnights sissiumsss 😘😊😊
---

KIDLAT(LOVEMOVESINMYSTERIOUSWAY) Basahin ang storyang ito ng LIBRE!