Chapter 31: The Real Traitor

Ramdam ko ang tingin ng mga tao sa amin. They saw the kiss and I could almost hear their every words. I started to get worried but Jett just held my hand.

“Ignore them.” utos niya.

Tumango ako pero hindi ko magawang sumunod. Kilala ko si Georgia at ang mga taong nakapaligid sa amin. Kapag nalaman nilang may mga tao sa kastilyo na hindi naman dapat siguradong—

“Can I dance with her?”

Napalingon kaming pareho ni Jett sa nagsalita. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Jett sa akin.

“Leon?” sabi ko nang mamukhaan ang taong nasa likod ng maskara. Now I know I’m not mistaken. The familiar grin spread across his face.

Napansin kong nagtitigan ang dalawa. Si Leon at Jett. Naramdaman ko ang pag init ng wrist ko na hawak ni Jett.

“Jett, hwag kang magalala kaibigan ko siya.” sabi ko. Napangiti si Jett na para bang naghahamon.

“Ganun din ba ang tingin niya sayo?”

Natigilan ako. Bumalik sa isip ko ang lahat ng mga pang aasar na ginawa ni Leon. Pang aasar lang naman ang mga yun hindi ba? Lagi naman niya itong ginagawa sa mga babaeng kilala niya.

“Jett ano bang sinasabi mo? Hindi ito ang—“

“Pino-protektahan ko lang kung ano ang akin.”

My mouth decided to open in protest pero wala akong nasabi. Nag init ang magkabilang pisngi ko kaya umiwas nalang ako ng tingin.

“Ang ganda mo ngayon Ariela.”

Napalingon ako kay Leon at pilit na ngumiti. But deep inside I was sending him a signal to stop.

“Kaya gustong gusto kita eh.”

Napapikit ako sa frustration dahil sa sinabi niya. Hinila ko ng mahigpit si Jett para pigilan siya sa planong paglapit kay Leon. Bakit ba nagsasabi ng ganitong mga bagay ngayon si Leon? He is not the kind of Leon I use to know.

“Fuck off.” Jett warned.

Leon just smiled. Pero napansin kong may nagbago na sa mga ngiti niya. Natigilan ako. What is wrong with him?

“Leon—“ I started. “May problema ba?”

Napamura ng mahina si Jett kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Kailangan kong malaman kung anong nangyayari kay Leon. Hindi naman siya yung normal na nag hahamon. Isa pa there’s something disturbing in his smile and the way he looks.

Hindi ko alam pero bigla akong natakot. May mali eh. Hindi ko alam kung ano pero may nararamdaman akong hindi maganda sa aura ni Leon. Sinabihan ko si Jett na kailangan kong kausapin si Leon.

Napangiti si Leon at hindi na hinintay pa ang magiging sagot ni Jett. Hinila niya ako at dinala sa isang sulok ng dance floor. He was smiling again but his eyes are as empty as black holes.

“May problema ba?” tanong ko. I noticed Jett disappear from my line of vision.

He shakes his head and let a sad smile. “Ariela, sorry.” sabi nito out of nowhere.

“Bakit ka nags-sorry?” tanong ko. Hindi siya sumagot. Kinuha niya lamang ang kamay ko at ginaya sa pagsasayaw.

Para siyang lasing. Pero normal naman siya tingnan maliban sa walang emosyong mukha niya.

“Leon ano bang nangyayari sayo?” nainis na ako.

“Hindi kita kayang ibigay. Pero ginamit nila ang ama ko. Nasa kanila ang ama ko.”

Charm Academy: School of Magic (Published Under Cloak Pop Fiction)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!